Chapter 2

1.1K 34 2
                                    

Chapter 2

"Heaven?" nahinto ako sa pagwawalis ng may tumawag sa akin. Umayos ako ng tayo at nilingon ang pinanggalingan ng boses. I saw Zeus looking around, bago nahinto sa direksyon ko and I immediately walked toward him.

"Sir? Bakit po?" hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil naiinis ako, baka mapansin niya iyon at matanggal pa ako sa trabaho.

"Dito matutulog ang girlfriend ko mamaya, please clean her room." girlfriend. Gusto kong matawa. Napakalayo ng girlfriend sa asawa. Gf mo siya pero asawa siya ni Thunder. Ang kakapal ng mukha niyo!

"Ah sige po sir! Tapusin ko lang po 'to, linisin ko na po agad." ngumiti naman siya sa akin.

"Right, thank you. Heaven." Peke akong ngumiti sa kaniya at pinanood siyang umalis habang sinasagot ang tumawag sa phone niya. I cocked my head as I watched Zeus leave before removing the smile from my lips.

Tulad nang sinabi niya ay nilinis ko ang kwarto matapos ko magwalis. I even changed the bed sheets, pillowcase, and curtain. Inayos kong linisin iyon kahit na basura ang matutulog dito.

When I'm done, I decide to leave to cook lunch, but I stop right before I step foot out of the door. Muli akong lumingon sa kwarto as an idea popped into my mind. Ngumisi ako at mabilis na umalis to get the thing I want to put inside that room. It's a very small camera na sa sobrang liit hindi masyadong mahahalata. Nilagay ko iyon sa base na nasa nightstand; inipit ko sa stem ng mga bulaklak paharap sa kama. Hindi lang 'yon basta camera to record everything; mapapakinggan ko rin ang kahit ano na nangyayari sa loob ng kwarto na ito. And when I'm done setting up that, lumabas na rin ako with a smile plastered on my lips. Sakto naman na dumating si Rain, and Zeus immediately came for her.

"You know what?! Kung pwede lang talaga, hindi na ako babalik sa bahay na 'yon!" Maarteng sabi ni Rain na narinig ko pa. Binagalan ko rin kasi ang paglalakad patungo sa kusina.

"You can't. Napagusapan na natin 'yon 'di ba? Hindi mo pa pwedeng iwan si Thunder." Kumuyom ang kamao ko nang marinig ang pangalan ni Thunder.

"Yeah, I know, bakit kasi ang tagal mamatay ng Thunder na 'yon eh!" Parang may kung anong bumulong sa tenga ko na gustong pilipitin ang leeg nang babaeng 'to! Hayup eh!

"Relax, hindi masaya ang laro kapag namatay agad si Thunder. C'mon, magpahinga ka na muna. You need to save energy for tonight, hmm?" Yuck. Kadiri talaga. Paano nila nasisikmura 'yan?!

"Uy, Heaven!" Halos mapatalon ako sa gulat nang dumating si Karlos may dalang mga plastic. Siya kasi ang nag-grocery ngayon dahil marami akong ginawa.

"Bilis mo naman! Wala pang isang oras nakabalik ka na? Buti 'di traffic?" humalakhak siya sa sinabi ko habang nakasunod sa kaniya papunta sa kusina.

"Ako pa ba? Sanay na ako sus! Kaya kapag nagmamadali ka, sa akin ka hihingi ng tulong, kamag-anak ko kaya si flash." nailing na lang ako sa pinagsasabi niya at tinulungan na siya sa mga pinamili niya. Umalis din naman siya agad at hinayaan na niya akong magluto. Ipinaghain ko na rin si Rain at Zeus na sakto namang pababa na noong matapos ako.

"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang lunch niyo." Rain looked at me and rolled her eyes. Ngumiti naman sa akin si Zeus.

"Kumain ka na rin Heaven." kung hindi lang 'to kabit, mababaitan pa sana ako sa kaniya. Baka pinuri-puri ko na siya pero ew. Yaman-yaman piniling maging kabit.

"Sige po sir, mamaya na po ako." hindi na siya nagpilit lalo pa't kinuha na ni Rain ang attention niya.

Pinili ko na lang na pumasok muna sa kwarto na tinutuluyan ko. Sakto naman na tumawag sa akin si Yssa, kaya agad ko iyong sinagot.

Thunder's Affliction (Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon