hugot na umabot sa recess

258 6 0
                                    

✴HUGOT SA ROOM✴
*Teacher: Okay class good morning. Lets have our new lesson for today. Open your book on page 97.
*Anghela: Ano ba naman to ang gulo maraming numero. Katulad ng buhay ko.. magulo.. Naging magulo lang naman to simula ng umalis ka sa buhay ko. * nagwalk-out*
*Teacher: Anong nangyari dun? Okay. Answer no. 1 Marlon. Find the value of X.
*Marlon: Value of X? May value pa ba yun? Kaya nga X na diba? Wala ng halaga pa yun. *nagwalk-out*
*Teacher: Sige. Ikaw nalang Bucent ang sumagot.
*Bucent: Ano ako? Pangalawa lang sa buhay mo? Pagkatapos ka niyang talikuran ako ang ipapalit mo? Palagi nalang ba ako ang pangalawa? *nagwalk-out*
*Teacher: Ako na nga lang ang sasagot. Lets proceed to no. 2..
*Emil: Proceed? Hindi pa nga ako nakakamove-on sa no. 1 no. 2 agad? Bigyan mo naman ako ng time makamove-on. *nagwalk-out*
*Teacher: Ano ba ang nangyayari sa kanila? Ba't andaming hugot? Di bale.. Bibigyan ko kayo ng time makasagot.
*Mark: Time? Ilang oras akong naghintay sa'yo. Inabot pa nga ng araw buwan hanggang sa naging taon tapos ano? Pinaasa mo lang ako. *nagwalk-out*
*Teacher: Nakakaloka na sila ha. Nagpapasagot lang ng test eh. Aalis agad.
*Kimpoy: Buti pa nga yung test sinasagot. Ako, hindi. *nagwalk-out*
*Recrec: *akmang aalis*
*Teacher: Napupuno na ako ha. Ikaw? Aalis ka rin ba kagaya ng ginawa nila? Sige. Umalis ka. Sanay naman akong iniiwan eh.
*Recrec: Aalis talaga ako ma'am. Recess na eh. Bakit? Hindi ba pwedeng kumain?
Hahahaha

Pinoy JokesWhere stories live. Discover now