CHAPTER 1

65 3 0
                                    

PRESENT DAY

"May!!"

"Tita , bakit ho?" Agad akong sumilip sa labas ng kwarto ko at hinanap si Tita Minar na kakatawag lang sa'kin.

Diritso ko syang nakita sa labas ng bahay , naroon siya sa pintuan ng maliit niyang tindahan na nasa gilid lang ng kalsada.

May dala syang pamaypay na mabilisan niyang kinukumpas sa mukha na nagpapalipad sa mataas at magaganda niyang mga buhok.

Thirty five palang si Tita Minar pero mukhang nasa twenties parin. Nakasuot siya ng dilaw na dress shirt at itim na juggingpants, simple lang ang suot niya pero masasabi paring mala dyosa ang dating. Parang hindi tumatanda. Di naman siya masyadong nag a-apply ng mga beauty products pero para siyang dalagang ingat na ingat sa katawan. Nasa lahi na siguro namin na may angking gandang hindi kumukupas.

May anak na siya, si Garry, eight years old palang at kagaya ni Tita ay cute din. Masungit ngalang, nagmana sa mama.

"Ikaw nanga ang magbantay dito sa tindahan , sisingilin ko lang yung hinayupak na Edward nayun, halos umabut na nang isang libo ang utang , hindi parin nagbabayad , ang tigas ng ulo!"

Bumaba agad ako ng bahay at naglakad papunta sa tindahan . Pagpasok ko ay hindi parin tumitigil ang bibig ni Tita sa paninira kay Tiyo Edwrd.

Nakita kong ilang beses siyang umirap at mas lumalakas ang hampas niya ng pamaypay dahil sa inis.

Stress na Naman .

Alas syete palang ng umaga, maapoy na.

Tahimik lang akong nakaupo habang nakikinig kay Tita Minar na magreklamo tungkol sa mga nangungutang na hindi na bumabayad at umaabot na nang ilang buwan at linggo. Hindi daw siya nagtitinda para lang utangan, hindi daw siya papayag na ang lahat ng kita niya ay mapupunta lang sa utang ng iba.

Halos pumutok na ang mga ugat sa li-ig niya dahil sa mga binibitawan niyang madidiing mga salita. Sa pagpapatuloy niya ng pagsasalita ay mas lalo lang siyang nagagalit , mas lalong pumupula ang liig niya.

Halos araw araw siyang ganito kaya nasasanay na ako. Pero di ko parin mapigilang mainip sa maingay niyang boses.

Natigil lang si Tita nang may lalaking nagsalita sa harap ng tindahan. Bibili ata.

"Nagtitinda ba kayo ng sliced bread dito?"

Halos mahulog ang panga ni Tita nang makita kung sino iyun. Biglang natigil siya sa pagsasalita at nawala ang inis at galit na kanina ay sumasanib sa kanya. Napabuntong hininga ako dahil natahimik na rin siya.

Eh , si Tiyo Carlos lang naman. Yung six years nang byudo, at kahit fourthy na ay nakakaakit parin ang itsura, matangkad din siya at medyo may kalakihan ang katawan. Marami ang nagkakagusto sa kanya dito sa lugar namin dahil sa matipuno niyang itsura, isa na doon si Tita, at hindi ata balak ni Tita Minar na esekreto ang feelings niya dahil kahit nakatingin lang siya kay Tiyo Carlos ay parang may subtitle sa mukha niya na nagsasabi sa kung anong iniisip niya

Kagaya ng

ang gwapo talaga
Gustong gusto talaga kita, Carlos
Ikaw ang kasiyahan ko
Pakasalan mo ko, Carlos.

Si tiyo Carlos ang papa ng matalik kong kaibigan na si Jasmine.

Gusto ko ngang masuka kasi parang maglalaway na siya sa kakatitig kay Tiyo Carlos.

Ang cringe kaya.

Nagulat ako dahil bigla nalang napunta si Tita sa harap ni Tiyo. Halata sa mata nyang kumikinang na masaya siyang makita ang ultimate crush niya. Agad niyang inayos ang sarili sabay baba ng pamaypay niya sa mesa at sinimulang magpabebe Kay Tiyo Carlos.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SAVE MAY - Truth Or Dare Where stories live. Discover now