1. Classmate
.
.
.
.
.
.
.(Trayson High School)
"Hello, my name is Lorie Jones. I'm fifteen years old, and I love reading and listening to music. Ang pangarap ko ay maging professional teacher. Also, I love making friends, so... if you want to talk to me, let's talk, let's be friend." pagpapakilala ko sa harap ng mga bago kong classmates.
Now that I'm officially year ten student, gusto kong makipagkaibigan sa maraming teenager na katulad ko. Sa tingin ko kasi, hindi ko nae-enjoy ang aking high school and teenage life, so... one of my goal this school year is to socialize more and try to have a girlfriend. No girlfriend since birth ako, ewan ko ba kung bakit. May hitsura naman ako, matalino, magaling sa bandminton. Ewan ko ba. In this year, I feel like I'm ready to flirt with someone. I know, hindi ako madaling ma-inlove sa mga babae, pero kailangan kong gawin to, to prove to other people na hindi ako 'gay' or 'bisexual'. Akala kasi ng maraming tao na isa akong 'gay', hindi ko din naman sila masisisi dahil sa lakad at pananalita ko palang ay alam na this. But, I'm not gay or bisexual, I'm a man. I'm such a boring person but I try not to be.
"So... Lorie, anong pwede naming itawag sayo?" pagtatanong ni Mr. Luna, ang aming AP teacher.
"Erm... Lorie nalang po." tugon ko sa kanyang tanong.
"Okay Lorie, you may seat down sa tabi ni ... sa tabi ni Lia" pag-uutos niya sa akin.
Normal akong naglakad patungo sa upuang itinuro ng aking guro, pero deep inside, ang saya ko dahil makakatabi ko na naman si Lia Cabrera, actually matagal ko na siyang kaibigan, since year seven up to now, classmate ko parin siya. Ewan ko ba, pero parang we're always comfortable sa isa't isa.
We always talk about music, at naalala ko pa noong nasa year 8 kami, nag-away kami dahil lang, gusto niya laging patugtugin ang mga kanta ng paborito niyang artist, and then ako, gusto ko namang patugtugin ang mga kanta ng paborito kong artist. Isang linggong hindi kami nag-usap because of that.
Ibinaba ko ang aking bag at umupo sa upuang itinuro ng guro. Nasa tabi lamang pala ng bintana ang aking kinauupuan, mahangin sa aking pwesto at maganda ang tanawin doon. Dahil nasa ikalawang palapag ang aming silid aralan, kitang kita ko ang makukulay na bulaklak sa garden. Yes, may garden sa aming paaralan. Hindi ko alam kung bakit may feature na ganoon ang aming school.
Nawala ang atensyon ko sa hardin nang magsalita si Mr. Luna.
"Attention students of year ten, bibisita ngayon sa ating silid ang punong-guro. Inaasahan ko ang pagtayo ninyo at ang inyong pagbati. Inaasahan ko din ang pagiging magalang ninyo, nakuha?" pag-uutos ni Mr. Luna sa amin.
Tumayo na ang lahat ng makita namin ang punong-guro na naglalakad sa pasilyo papunta sa aming silid.
"Good morning Principal, have a nice day!" sabay sabay na sambit namin.
"Good morning students of Trayson High School" pambungad niyang bati.
"Nawa'y maging mabuti ang pag-aaral ninyo. Enjoy the life of being teeanager, okay? And always remember na nandito lamang ang inyong punong-guro upang makinig sa inyong gustong sabihin" pagbibilin niya sa amin.
"Goodbye students, have a nice day!" pamamaalam ng punong-gurong Niña Sarmiento.
Umupo na ang lahat at nagsimula na ang una naming klase sa araw na iyon. Bago pa man magsimula ang aming guro sa pagsasalita.
'Tok! Tok! Tok!' napalingon ako sa nag-iisang pintuan sa silid, iyon ay nasa aking likuran.
"Oh, hello! Anong kailangan?" pagtatanong ng aming guro sa estudyanteng nasa pintuan.
"Ito po ba yung Room 2?" pagtatanong ng binata gamit ang malaking boses.
"Ah, yes! So you must be Kevin Alvarez?" pagsagot at pagtatanong muli ni Mr. Luna sa binata.
"Yes sir!"
" Okay, come here at the front. Introduce yourself. " pag-uutos ng guro kay Kevin.
Nagsimulang maglakad ang binata papuntang unahan. Tinitigan ko siya simula ulo hanggang paa. May katangkaran siya, naka-hoodie, pants na grey, naka-salamin, high cut na converse ang kanyang sapatos. Nagsimula siyang magpakilala gamit ang kanyang malaking boses.
"Hola! Ako po si Kevin Alvarez, 16 years old. Mahilig ako makinig ng musika at tumugtog ng gitara. Nag-aaral din po pala ako ng Spanish language" pagpapakilala niya sa sarili niya.
"So... Kevin tabihan mo sina Lia sa likuran, para tatlo kayo doon." utos ng guro.
Ibinaba niya ang kanyang bag sa sahig at umupo.
Kevin: Hi!
Lia: Hello!
....
Hanggang sa, they keep chatting each other. Hay nako, parang nawalan ako ng kausap that time. I mean, nawalan talaga.
"Siya, anong pangalan niya?" narinig ng aking dalawang tainga ang pagtatanong ng binata. Lumingon ako sa kanila at ngumiti.
"He is Lorie Jones" pagpapakilala sa akin ni Lia sa binata.
"Katulad mo, tumutugtog din siya ng instrument, pero piano naman yung kanya" dagdag pa ni Lia.
"Oh, okay! Hi!" sabi ng binata sa akin.
"Hello!" winagayway ko ang aking kamay.
"Do you mind if samahan mo ako sa restroom-"
"What? I'm not gay!" pasigaw na pananalita ko sa kanya. Sa sobrang lakas ng boses ko, I caught all the attention of the students.
Katahimikan ang namayagpag sa aming silid.
"Ah... Erm... Okay! Hindi ko kasi alam kung nasaan yung restroom." paglilinaw ni Kevin.
"Diyan lang sa baba yung restroom." sabi ni Lia.
Humayo si Kevin dala dala ang kalmadong mukha. It was so embarrassing, lahat ng classmates ko nakatingin sa akin after I shout that I'm not gay, even Mr. Luna.
BINABASA MO ANG
Falling With No Safety Net
RomanceWe kiss and laugh. Lorie and Kevin is straight, and team up to have their own girlfriend. Pero habang ginagawa nila ang kanilang plano, hindi nila alam na sila ang makakatuluyan (ʘᴗʘ✿) Inspired by popular comic book from Alice Oseman, Heartstop...