3. Confession
.
.
.
.
.
.
.(Music Room)
Dala dala ang mga kagamitang panlinis, pumasok kami sa music room. Kagaya ng inaasahan, walang tao doon kun'di kami lamang ni Kevin. Magwawalis lamang naman kami doon kaya hindi kami magtatagal.
"Ang init dito. Do you mind if aalisin ko 'tong polo ko?" napalingon ako sa kanya na tila hindi ko narinig ang kanyang sinabi. Walang ano-ano'y nagsimula siyang alisin ang kanyang polo. Everything is on slow motion mode. Napalunok ako. I'm panicking and I don't know why. Lorie, lalaki ka,normal lang yan! Inalis niya ang kanyang polo, first time ko nakita ang kanyang mga braso. Naka-sando siya ng pagkakataon na iyon. Nasisindak ako sa mga minutong iyon. Oh my gosh, he's so hot. Ang gwapo niya. Yung buhok niya,mga mata,at ang kanyang braso. Ahhh. Kumurap ang aking mata at bumalik sa normal ang lahat.
"Okay lang ba sayo na naka-sando lang ako?" pagtatanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko that time. He's really hot, like really really hot. My gosh, naka-sando and then nakasalamin siya, gusto ko ng bumigay pero hindi pwede. I'm a boy.
"O-okay lang. Parehas naman tayong lalaki." utal kong sabi sa kanya. Lumapit siya sa akin at kinuha sa aking kamay ang walis. I'm panicking, humahakbang ang kanyang mga paa papalapit sa akin.
"Mas mahaba pala ang mga daliri ko kaysa sayo?" nakangiti niyang turan. Nagdikit ang aming kamay matapos niya itong hawakan. Sinimulan niyang maglinis, ngunit nakatayo parin ako at walang galaw. Napansin ni Kevin na wala akong galaw kaya tumigil siya sa pagwawalis.
"Lor, are you okay?" malambot na boses na pagtatanong niya sa akin.
"Yeah, I'm okay." walang damdaming pagsagot ko sa kanyang tanong. Tumahimik ang kapaligiran.
"Sorry ulit... kung hindi kita pinansin ng ilang araw. At tsaka, kung hindi mo pa alam. Me and Lyka are just friend." nagulat ako sa sinabi niya. No way, they're perfect couple.
"Mag-kaibigan lang kayo? Bakit?" puno ng kuryosidad na pagtatanong ko kay Kevin.
"Erm... hindi ko na siya gusto. At first, of course... I like her. Pero hindi eh." nakatingin siya sa akin habang binibigkas bawat salita na kanyang binitawan.
"Lorie... sorry kung hindi kita pinansin... kasi..." bumuntong hininga muna siya bago ituloy ang kanyang sasabihin.
"Kasi you're not my friend." naguluhan ako sa kanyang sinabi. Napakunot ang aking noo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Tila may kakaibang enerhiya ang lumabas. Ang lamig ng kamay niya. Tila nabuhay ang aking puso, kumabog ito. Para bang titiklop na ako. Pinagpawisan ako, at napa-tanong ako sa sarili ko 'Am I gay?'
"Did you feel the same? Wala akong nararamdaman kay Lyka, I never fall inlove with someone else. Like... Lor... I love you!" nagulat ako, naguguluhan ako sa nangyayari. Tila mayroong mga puso na lumilipad sa aming kapaligiran. May kuryenteng sa aking kamay na hindi ko mapaliwanag. Everything is on blur mode, si Kevin lang ang tangi kong nakikita. Tila lahat na ng feelings naramdaman ko. Hindi pwede ito, pareho lang ba kami ng nararamdaman sa isa't isa. Ayokong maging delusional.
"I-i love y-you too!" binalik ko sa kanya ang kanyang sinabi. Sinabi ko iyon bilang isang kaibigan.
"No Lor. I love you!" tumitig ako sa kanyang mga mata at napagtanto ko na iba ang ibig sabihin non. His eyes say it all. Tila gumalaw lahat ng parte ng aking katawan, but I love how it feel.
"I know I'm stupid enough to fall inlove with you. You're my best friend, I'm straight you're straight. Pero iba ka! I never feel anything like this. When I first met you, nagka-gender crisis ako. Alam ko hindi mo ako matatanggap-" hindi ko na pinatuloy pa ang kanyang sasabihin, gamit ang isa kong kamay, tinakpan ko ang kanyang bibig.
"Stop... Kevin stop." kalmado pero nakangiti kong sabi sa kanya.
"I love you too!" pabulong kong salita, ito ang unang pagkakataon na sinabi ko ang katagang iyon sa isang lalaki, sa wakas, nasagot na ang tanong ko sa sarili ko sa tuwing nakikita ko si Kevin. I'm bisexual. Hinawakan ni Kevin ang kamay na pinantakip ko sa kanyang bibig. I can't get over sa kanyang mukha, everything about him really make me go crazy. Niyakap niya ako ng mahigpit, naririnig ko ang pag-iyak niya kaya ginantihan ko siya ng mahigpit na yakap.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Falling With No Safety Net
Roman d'amourWe kiss and laugh. Lorie and Kevin is straight, and team up to have their own girlfriend. Pero habang ginagawa nila ang kanilang plano, hindi nila alam na sila ang makakatuluyan (ʘᴗʘ✿) Inspired by popular comic book from Alice Oseman, Heartstop...