Girl

23 3 0
                                    

2. Girl
.
.
  .
   .
    .
     .
      .

(Trayson High School)

        Ikalawang araw.
        "Hi Kevs!" pang-aasar ko sa kanya. Winagayway ko ang aking kamay.
        Ikatlong araw.
        "Hello Lorsssss!" bulong ni Kevin habang busy ako sa paggawa ng assignment ko sa math. I smile
        Ika-apat na araw.
        "Good morning Kevs!" turan ko, he suddenly smile sabay tingin sa akin.
        Ikalimang araw at ang huling araw ng linggo.
        "Good morning Lors!" nakakagulat na pagbati niya. Hindi ko alam na nasa likuran ko siya kaya naitapon ko ang aking mga notebooks na dala. Pinulot ko sa sahig ang mga iyon, at syempre tinulungan ako ni Kevin. Bakit kasi siya naka-salamin, it's my weakness. Nakatitig lamang ako sa kanyang mata ng biglang tignan niya ako. Bumaling ang aking mga mata, at animo'y pinupulot ang mga nahulog kong gamit. Tumayo kami at ibinigay niya sa akin ang aking mga gamit. HINDI AKO PWEDENG MA-INLOVE SA LALAKI! paulit-ulit na sinasabi ng isip ko.
        "Sorry, nagulat ba kita?" paghingi niya ng paumanhin sa akin. Ahhhh bakit ang soft mo Kevin.
        "Hindi, okay lang. Sa susunod kasi bulong nalang!" nakangiti kong sagot sa kanyang tanong. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano bang nararamdaman ko kay Kevin. Lalaki ako!
        "Sabay na tayo!" anyaya niya. Syempre ang sagot diyan, oo.
        "So, ano na? Ikaw na gagawa ng first move kay Lyka?" pagtatanong ko sa kanya. Kevin has a crush sa isa naming kaklase. If he likes a girl, he will never like me kapag nagkagusto ako kay Kevin.
        "Lor, tulungan mo ako. Hindi ko kaya!" para bang pagmamaka-awa niya sa akin. His cuteness melt my heart.
        "Remember yung sinabi ko sayo through text?" tanong ko sa kanya.
        "Isulat mo lang yan!" sabay naming turan habang tuloy parin ang hakbang ng aming mga paa. We smile. Nagulat ako dahil hinawakan niya ang aking kamay, at agad na ako'y itinakbo. Ang hilig niyang magtakbo ng tao. Sumabay ako sa daloy ng kanyang takbo, humakbang kami ng humakbang hanggang marating ang garden. Walang katao-tao doon, ang tangi ko lamang naririnig ay ang huni ng ibon.
        "Sorry kung hinila na naman kita, hehe!" pagpapaumanhin niya sa akin. Why he is so nice ahhhh.
        "Bakit ba tayo pumunta dito?" takang takang tanong ko sa kanya.
        "Gusto ko ditong isulat yung feelings ko kay Lyka. Gusto ko lang din na kasama kita habang sinusulat ko 'to. You're the reason why I love her." ani Kevin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat ako, his hand is super cold.
        "Bro, you're my friend -" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin.
        "Kevin, don't call me 'bro'! Mas mabuti pang tawagin mo akong Lor kaysa sa 'bro'! It's super cringe!" natatawang kong salita sa kanya.
        "Here, bond paper. You can write here all the words that she really need to hear from you." ibinigay ko sa kanya ang isang puting soft cotton paper. Umupo siya sa batong upuan at nagsimulang magsulat. Umupo ako sa kanyang tabi. Nakatingin ako sa kanyang mga mata. Something about him that really make me go crazy. Ewan ko ba kung bakit ganoon. Everytime I saw him, nagkaka-gender crisis ako. Hindi ko alam kung lalaki ba ako o bisexual. Siya lang ang isang lalaking dumating sa buhay ko na napatanong ako kung 'Am I inlove?'
        Tumayo ako ng hindi ko namamalayan, pumitas ako ng isang bulaklak. Hindi ko inaasahan na gagawin ko ito, pero binigay ko ito sa kanya. Gusto kong pigilin ang nararamdaman ko pero siya lamang ang taong nagparamdam sa akin nito.
        "Thank you for flower. Maganda 'tong ibigay kay Lyka!" naka-ngiting sambit niya. Napangiti na lamang ako at wala ng sinabi pa. Ngumiti din siya, pero sa iba siya nakatingin. Akala ko nginitian niya ako.
        "Si Lyka!" nakaturo ang kanyang isang daliri sa dalaga. Tumingin siya sa akin na nagpapahiwatig na kailangan namin puntahan si Lyka kung nasaan man siya. He grab me again, lumapat ang kanyang kamay sa aking kamay, tumakbo kaming magkahawak ang aming kamay, ewan ko ba kung bakit lagi siyang nakahawak sa kamay ko. Hanggang sa nakarating na kami sa pasilyo.
        "Am I ready?" tanong niya sa akin. Butil butil na pawis ang tumatagaktak sa kanyang noo.
        "Yes Kevs, you are!" nakangiti kong sagot sa kanyang tanong.
        Naglakad siya papunta kay Lyka. Kinulbit niya ito sa balikat at tsaka binigay ang sulat. Kitang kita ko ang pawis niya. Nakatayo lamang ako sa 'di kalayuan. Ewan ko ba kung anong nararamdaman ko. Am I proud or jealous? Hindi ko alam kung ano dapat ang nararamdaman ko. Nakatulala lamang ako, everything is on blur mode. Ang tangi ko lamang nakikita ay si Kevin at si Lyka. Nakangiti silang dalawa sa isa't isa. They're talking. Bumaling ang aking ulo at inihakbang ang aking mga paa papaalis sa kung saan man ako naroroon. Bakit parang nagseselos ako? I know, I love Kevin as a friend pero parang hindi ko kayang makita siyang may kasamang iba.
        .
             .
                  .
                       .
                            (Lorie's Room)
         
          Pasalampak na humiga ako sa aking kama. First week palang ng back to school, pero pagod na pagod na ako. Tumunog ang aking telepono, binuksan ko ito at bumungad ang text ni Kevin. 'Where are you? Hinihintay kita dito sa parking lot!' laman ng kanyang text. Tila nag-isip muna ako bago ko makinilyahin ang aking sasabihin. 'Nakauwi na ako Kevs. Sorry hindi na kita nahintay. Kanina pa akong naghihintay sayo sa parking lot, pero hindi kapa dumadating kaya sumakay na lang ako ng bus. Saan ka ba nanggaling?' mahaba kong mensahe sa kanya.
          Hinintay ko ang kanyang mensahe hanggang sa nakatulog na ako. Hindi na muli siyang sumulat ng mensahe sa akin. Hindi ko alam kung bakit?
                                               .
                                           .
                                      .
(Trayson High School)
       
          "Lorie!" malakas na sigaw ni Lia sa akin. "Hintayin mo ako!" tumatakbong dagdag niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay na siya'y makarating sa kung saan man ako naroroon. Hingal na hingal siya sa pagtakbo. Maraming tao ang nasa pasilyo sa oras na iyon. Humakbang kami patungo sa hagdan papuntang Room 2.
          "How's your weekend?" tanong ni Lia sa akin.
          "Okay naman. Nanood lang ako ng mga bagong pelikula!" walang emosyon kong sagot sa tanong niya.
          "Look! Kevin and Lyka!" itinuro ni Lia ang naglalakad na si Kevin at Lyka. Tila tumigil ang aking oras,everything is on slow motion mode. Naglalakad sila patungo sa amin. I smile, magkahawak ang kanilang kamay, na nagpapahiwatig na they are together.
          "Hi Kevs!" winagayway ko ang aking kamay. Ngunit nilagpasan lamang ako ng binata. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Napawi ang akin ngiti sa oras na iyon. Hindi na niya ako kilala matapos ko siyang tulungan to have a girlfriend. Baka nagtampo lang siya dahil hindi ko siya hinintay sa parking lot. Anong meron sa binatang yun! Hindi man lamang ako niya binati, kahit yung pang-aasar niya sa akin, hindi man lang niya nagawa. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit ako sobrang nagalit dahil sa kanyang ginawa. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong nararamdaman ko tungkol sa relasyon ni Kevin at ni Lyka. Humabol ako ng tingin sa kanila at huminga ako ng malalim. Napagtanto ko na nagseselos ako because she have a girl. I love him.

Falling With No Safety NetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon