KAHIT gabi na, bumiyahe mula Maynila si Demon Silvestre pauwing probinsya. Muntik nitong makalimutang kaarawan ngayon ng kaniyang mamita, ang ina ng kaniyang papa.
Napatingin siya sa kaniyang pambisig-relo. Naikagat niya ang kanyang ibabang labi at namumuo ang tensyon na kanyang nararamdaman. Patungo na siya sa Hacienda De Silvestre, kung saan pagmamay-ari na ito ng kaniyang Lolo Gildo.
Malayo pa ang mansion nang tumunog ang kanyang cellphone. Gamit ang earpiece bluetooth ay nasagot niya ang tawag nang walang kahirap-hirap.
“Where are you now? For Christ sake, Dark! It’s already seven in the evening and the party is already started, kayo na lang ang hinihintay ng mamita mo!” narinig niyang bulyaw ng kaniyang stepmom mula sa kabilang linya.
“Mom, don’t worry. I’m already here! Kunting tiis na lang okay,” pabirong aniya.
“Kasama mo ba ang kapatid mo?” usisa nito.
“No, he refuse. Nasa Mexico pa siya at hindi pa nakakauwi,” sagot niya sa ina.
Bumuntonghininga ang ginang at bago pa man nito tuluyang ibaba ang tawag ay nagbilin ito.
“Okay. Make it fast, ayokong magalit na naman sayo ang daddy mo,”
“No worries!” tanging tugon niya.
Binabaan siya ng tawag ng kaniyang kinilalang ina, bagay na ikinatapak niya sa seletor ng kanyang kotse at pinasibad ito nang mabilis.
ABALA ang lahat, purong mga magagaling at tanyag na artista ang dumalo sa birthday-party ni Doña Felisita Silvestre.
Sa edad na saisyenta ay taglay nito ang kakaibang ganda. Porselanang kutis, at mas umaapaw ang espanyol na lahi dahil, sa suot nitong mamahaling kasuotan na ginawa at dinisenyo ng sikat na Fashion Designer ng FG clothing, na pagmamay-ari din ng Silvestre.
“You’re so beautiful in that dress, Doña Felisita,” papuri ng kumare nito.
“Oh!” tawang ani Donã Felisita saka nagpatuloy. “Thanks to Daniela, she is the one who suggest this. Alam mo naman, tayong mga matatanda na ay makaluma ang fashion,” tuwang-tuwang dugtong nito.
“Yeah! Your right. Oh well, maiba ako. Nasaan na ang apo mong si Dark. Balita ko ay, nagpakasal sa ibang lalaki ang fiancee niyang sikat na modelo nitong huling taon. Did I heard it right?” usisareng ani ng kausap.
Umaasim ang timpla ng mukha ng Doña, ngunit pinatili nitong ngitian ang chismosang kaharap.
“He’s coming. Well, you heard it right and clear, Clemente. But my apo, is already moving on from the past. So, we should not talk that it here,” wika ni Doña Felisita.
“Siyanga! Maiwan na muna kita. May kakausapin lang akong importanteng tao!” Pagdidiin niya saka ito tumalikod at iniwan ang kausap.
Hinanap ng paningin ni Doña Felisita ang apo niyang si Dark. Namataan niya ito kanina lamang kaya mas naging masaya at maganda ang gabing ito para sa kaarawan niya.
A favorite grand-child.
“Hello! Honey, flowers for you.” Salubong sa kaniya ng asawa nito sabay iniabot sa kaniya ang isang kumpon ng puting rosas.
She smileng hugged his man.
“Oh! I love it, Gildo. You know how to make me smile,” aniya at nababakas sa boses at mukha ang ngiting totoo.
“My pleasure, My lady! Come here! Let me dance with you,” aya sa kaniya ng asawa niya.
Tumawa siya nang mahina at magiliw na tinanggap ang alok ng asawa. Isang malamyos na musika at awitin ang pinatugtog ng piyanista. Awitin na gustong-gusto ni Doña Felisita.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Redemption
RomanceDark Silvestre, a formidable mafia boss, feared by many and respected by all. But fate had something unexpected in store for him. In the shadows, he caught a glimpse of Anya Suarez, a woman whose radiance transcended her meagre existence. Consumed b...