SA buong maghapon, hindi binigyan pansin ni Anya ang matinding sikat ng araw. Bukod kasi sa paglalako ng mga kakanin ay nagtitinda naman siya ng mga rosas tuwing araw ng biyernes.
Suot niya ang kulay dilaw na bestidang mabulaklakin na pinaresan niya lamang ng murahing sandalyas. Dahil sa kalumaan na nito ay nagkasugat-sugat ang kaniyang talampakan.
Mala-manika kung siya ay ikukumpara. Subalit, tanging kapintasan niya lamang ay ang kakulangan nito sa edukasyon. Hindi siya nakapag-aral dahil, maaga siyang naulila sa kaniyang ina at naging obligasyon na rin niyang alagaan ang kaniyang tiyahin.
Sa murang edad niya ay natuto siyang magtrabaho upang may maibigay na pera. Kahit sobra-sobra na kung tratuhin siya ng kaniyang tiya, ay hindi siya kailanman nagtanim nang sama ng loob dito. Kahit pa na, lagi nitong ipinagduldulan na isa siyang anak ng mamatay-tao.
Sa bagay na iyon, mas nanatili sa kaniya ang laging binilin ng kaniyang ina. Ang mahalin ang Tiya Marites niya.
Isang ngiting totoo ang iginawad niya sa matandang bumili. Pilit niyang huwag alalahanin ang lahat.
“Magkano lahat ito, hija? Pakyawin ko na,” anang matandang lalaki nang makasalubong siya.
Lumiwanag ang bilugang mga mata ni Anya mula sa narinig. Malawak din ang ngiti niyang iniabot sa kaharap ang isang kumpon ng preskong kulay puting mga rosas.
“350 pesos na lang po ito, bagong pitas, mabango pa at presko!” nakangiting aniya bagay na ikinatango-tango ng matanda sabay iniabot sa kaniya ang limandaang peso.
“Kukunin ko na, sayo na ang sukli,” wika sa kanya ng kaharap.
Umawang ang manipis na labi ni Anya. Hindi siya makapaniwala sa kabaitan ng matanda.
“Naku! Malaking halaga na po ito, manong. Sobra-sobra na rin po ang ibinigay mo,”
Natawa nang mahina ang matanda, “Huwag mo nang isipin ang halaga ng pera hija. Maliit na halaga lamang iyan kung ikukumpara sa pagod mo maglako. Siyanga, at ako ay aalis na.” Saad ng matanda bagay na ikinangiti niya nang totoo rito.
Limang daan, sapat na para may maibigay siya sa kaniyang tiyahin.
KINAGABIHAN, nadatnan niyang nakaabang sa bakuna ng pintuan ang kaniyang tiyahin. Base sa pagmumukha nito ay alam na ni Anya na hindi naging maganda ang araw nito.
“L*nt*k na! Sinabi kong wala nga akong pera, Boyong! Bakit ba, ang tigas ng ulo mo ha?” naboryong singhal nito sa binatang kakalabas galing sa loob ng bahay.
Humigpit ang paghawak ni Anya sa basket na bitbit niya. Kapag kasi, ganitong galit ang tiyahin niya ay siya ang pagdidiskitahan nito.
Hindi siya kaagad tumuloy, hinintay niyang humupa ang galit na tiyahin niya. Pinakinggan niya lamang ang pagtatalo ng dalawa.
“Nay, naman. May aktibidadis kaming gagawin sa paaralan bukas. Kailangan kong makapagbayad ng dalawangdaan para, sa school obligation! Bakit kasi, ayaw ninyong patrabahuin si Anya sa Maynila. Dun, mas malaki ang kikitain niyang pera!” malakas ang boses na sabi ng pinsan niya.
Hindi siya napansin ng dalawa bagay na ikinakagat-labi niya. Kumuyom ang kaniyang kamao. Gusto niyang magalit. Subalit, masyadong malambot ang puso niya, kahit masama ang ugali ng tiyahin niya, hindi niya nakakayanang hindi ito pagbigyan sa gusto nito.
Humakbang siya palapit sa mga ito, bagay na siyang ikinakunot-noo ng tiyahin niya nang mapansin siya nito. Napunta sa hawak nitong supot ang tingin nito.
“Ma-magandang gabi, Tiya Marites!” nakangiti niyang pagbati sa ginang.
“Oh! nandyan na pala si Anya. Sa kanya ka manghingi! Wala ka talagang silbi kahit kailan!” singhal nito sa anak bago ito tumalikod.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss Redemption
RomanceDark Silvestre, a formidable mafia boss, feared by many and respected by all. But fate had something unexpected in store for him. In the shadows, he caught a glimpse of Anya Suarez, a woman whose radiance transcended her meagre existence. Consumed b...