01

1.6K 35 6
                                        

01: Girls

Sadie Cruz

5k followers and 100 following.

"Anong ginagawa mo Izzy? Bakit nakatulala ka? Bagal mong uminom ngayon ah." Napalingon ako kay Gaile. My best friend since junior high. Hindi na kami maghihiwalay pa kahit magkaibang University kami ngayon.

"Wala lang may iniisip lang," sagot ko.

Pinatay ko ang cellphone ko. Ngayon ay sa sea side nalang kami umiinom. Naka-chamba lang naman kaming makapasok sa isang bar kagabi, we're still 18.

"Is your ex bothering you again?" Napatingin naman ako kay Josh our gay friend na may boyfriend na rin. Inirapan ko siya, ayoko ng kasing binabalik pa nila ang ex ko tuwing inuman.

Akala kasi nila tuwing natutulala ako naalala ko pa rin ginawa sa akin ng ex ko.

"Hindi na makakalapit 'yon sa akin 'no," sagot ko.

"Dapat lang! Dapat nga pinapakulong 'yon!" Sigaw naman ni Arnold.

"Tama na yan!" Sigaw ni Gaile sa kanya. They are lovers. Silang tatlo ang kaibigan ko, mas close lang ako kay Gaile. Magkaklase kaming tatlo nong senior high.

"Uuwi pala ako ng maaga," sabi ko. "May gagawin pa ako eh."

"Sure, ihatid ka namin sa sakayan?"

"Hindi na, kaya ko," sabi ko. Hindi pa naman ako lasing dahil nakailang bote palang naman kami. Bitin nga eh kaso kailangan kong umuwi at unahin pag-aaral ko, ayoko ring sayangin ang pera ni auntie kahit pasaway ako.

Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na ako sa kanila at dumiretcho sa sakayan at agad na sumakay ng jeep pauwi.

Nakarating ako ng apartment agad dahil wala namang traffic. Umakyat lang ako ng hagdan papunta sa floor ko.

I halted when I saw her, leaning back on the door and vaping.

Kunwari hindi ko siya napansin at tumuloy lang ako sa lakad. Pero nong nadaanan ko siya ay bigla siyang nagsalita.

"I want my jacket back."

Napapikit ako ng mariin. Oo nga pala ang jacket niya. Kapag magtagal 'yon sa akin mas lalo niyang maaalala ang ginawa kong katangahan.

"Ah oo, ibabalik ko kapag nalabhan ko na," sagot ko. Ayokong ibalik ko lang sa kanya agad pagkatapos kong suotin.

Dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Salamat pala," sabi ko.

She's not looking at me. Nasa labas ang tingin niya.

"Nasa iisang university pala tayo, I saw your dance. Kanina sa audition," sabi ko. Hindi naman sa pagiging madaldal 'no Izzy? Pwede naman na tayong pumasok.

Akala ko hindi niya ako sasagutin pero nagsalita siya.

"Maganda ba?" Tanong niya.

Siya? Oo.

"Ha?"

"Yung sayaw ko."

Natawa ako ng mahina, hindi ko naman agad naintindihan.

"Oo ang galing mo nga eh," sagot ko.

This is awkward.

"Really?" Tanong niya at ngayon nakatingin na siya sa akin.

Bakit ganyan siya makatitig o ganyan lang talaga ang mga mata niya. Parang gusto ko tuloy maghubad sa harapan niya, ay ano ba 'tong iniisip ko.

Ano ba 'tong nararamdaman ko, Gosh, she's a girl! But my gaydar is telling me that's shes....

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon