Chapter 40

7.8K 153 4
                                    

RAVEN'S POVS:
#Dream'sComeTrue

"Pre Raven, huwag kang umiyak! Masisira ang kagwapuhan mo at baka magback-out pa ang wife to be mo.. pinaghirapan mo ang mukha at outfit mo tapos mauuwi lang sa wala, diba? So, kalma lang ang puso mo, pare.." Pampalubag loob ng magaling magpayo kong kaibigan na si Jake, ang bestman ko ngayon. "Dahil ang titi mo naman ang hindi kakalma sa gabi ng pulo't gata niyo ni misis mo—— ouch!"

Daing ng lentek kong kaibigan na 'to nang sikuhin ko ang sikmura nito. Matabilas talaga ang bibig ng lalaking ito at hindi ko alam kung bakit ito pa ang naging best man ko.

"Ang kamao ko gusto mong ipasuntok diyan sa titi mo?" Mahina kong sita na kinangisi naman nito ng malapad sabay pasimpleng hawak sa gitnang pantalon nito bago ito umiling-iling sa tabi ko. Tsk!

"Huwag naman, pare! Mas mahalaga pa ito sa buhay ko dahil itong titi ko ang kasiyahan at buhay ko. Kawawa naman ang mga girls ko kung mababano ito ng mga kamao mo. Sige ka, mumultuhin ka nito oras na mapatay mo!" Pang uto- uto nito na akala mo isa akong bata.

Napakatarantado talaga. Kaya maraming babae ang umiiyak sa isang ito dahil hindi ito kontento sa isa lang. Paiba-iba ang naging nobya nito at hindi ko alam kung kailan titino ang ugali. Pero mabait naman at maaasahan na kaibigan na siyang pinagmamalaki ko.

"Kaya umayos ka kung ayaw mong mawalan ng kaligayahan——"

"Pre! Isang magandang anghel ang lumalakad papunta dito sa kinaroroonan natin.." Kunot noo kong tiningnan si Jake na tinapik-tapik pa ako sa balikat ko.

Nakatulalang nakatitig ito sa harap habang nakaawang pa ang bibig nito kaya tiningnan ko ang tinitigan nito. Muntik ko pang makagat ang dila ko at napatulala na din ako sa nakita ko.

Umayos ako ng tayo at kinakabahan na sinuyod ko pa ng tingin ang kabuuan ko. Gwapo naman ako at makisig sa suot kong gray american suit. Sinigurado ko talaga na pinakagwapo ako sa lahat ng mga kalalakihan dito. Ako ang pinaka——

Nagslow motion ang lahat sa akin habang naglalakad sa red carpet na aisle si Caroline, suot ang pinakamaganda niyang wedding gown. Tanging sa kaniya lamang nakatutok ang atensyon ko.

Puso na pagmamay-ari ni Caroline, kalma lang! Huwag mo akong iheart attack sa pagtibok mo ng mabilis! K?

Nais kong batukan ang sarili ko pero kailangan iyon para mawala itong kaba sa dibdib ko. Takte naman, oh! Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero sobrang saya ng pakiramdam ko. Excited na din ako na maging akin na ng tuluyan ang babaeng mahal ko. Wala na siyang kawala sa mga bisig ko. Akin ka, Erin.

Napakurap ako nang may mag-abot ng panyo sa harapan ng mukha ko.

"Ayan na nga ang sinasabi ko! Punasan mo ang mga luha mo, pre, bago pa dumating dito ang magiging misis mo!" Sinamaan ko lang ng tingin si Jake pero inabot ko na ang panyo nito.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at sakto naman na nakatitigan ko sa harap ang babaeng mahal ko. Nakangiti siya habang nakatitig lang din sa akin. Sa akin lang dapat.

Mabilis ko ng binalik kay Jake ang panyo nito.

"Ingatan mo ang babae kong anak. Congrats and welcome to the new member of our family." Pagtapik sa aking balikat ni Daddy Connor.

Nakangiti na tumango ako sabay yakap at bitiw din nito.

"Mahalin mo at alagaan ang anak ko, Raven. Congratulations and welcome sa family namin." Malugod na tinanggap din ako ng yakap ni Mommy Carolina bago ito bumitaw.

Hunstman Series #:9- The Innocent DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon