Mahal ko, kamusta ka?
Sana masaya ka kung na saan ka man naruruon
Pasensya na kung ako'y sumuko na sa ating pag-iibigan
Ngunit lagi mong tatandaan na ako at ikaw ay ginuhit ng tadhana para sa isa't isa
Hindi man ito ang totoong tadhana pero masaya akong nakilala kita, mahal ko
Sa bawat araw na naalala ko kung paano tayo naging masaya
Sa bawat pagkita natin sa tagpuan na siyang una kitang nakita
Suot suot ang napakaganda mong kulay lilang kasuotan
Sa bawat pagtagpo ng mga mata ko sayo ay siyang pagliwanag ng paligid
Sa bawat pagtagpo ng mga mata natin, ramdam ko ang kaba na siyang nagbibigay saya
Dahil sa wakas ang taong nakakuha ng aking atensyon ay tinignan at nginitian ako
Ngunit ang mga masasayang araw na magkasama tayo ay huling ngiti na makikita ko
Mahal ko, patawad kung hindi mo na ako makakasama sa dulo
Patawad kung hindi ko matutupad ang mga pangako ko sayo
Patawad kung hindi ko sinabi ang mga katagang matagal mo ng hinihintay
Patawad kung dito sa sulat na ito mo mababasa ang mga salita na iyon
Mahal ko, tandaan mo habang buhay kong dadalhin ang mga masasayang ala-ala nating dalawa
Tandaan mo mahal ko, ikaw ang siyang huling taong aking mamahalin
Mahal ko, patawad sa ibinigay kong sakit sayo
Ngunit tandaan mo, MAHAL NA MAHAL KITA, mahal ko
Nagmamahal,
Ang iyong Ginoo
YOU ARE READING
The Emovere
RandomAng mga sulat ng mga taong nagmahal, nasaktan, at iniwan. Mga sulat na naging ala-ala hanggnag sa huli. Sulat na siyang ng bigay ng saya, sakit, at nagparamdam na may pagmamahal na totoo. Isang sulat o tula na hnggang dulo ay may mga kahugan.