Mahal ko, hindi nam ito ang huling sulat na makukuha mo
Ngunit alam ko na ito naman ang sulat na siyang itatabi mo
Patawad kung ika'y masasaktan pero tandaan mo ang tayong dalawa
Mahal, alam kung kaya mong tahakin ang mga daan magisa
Daan kung saan ikaw mismo ang mayhawak hawak ng mga ala-ala nating dalawa
Alam ko sa araw na ito lumalakad kang umiiyak sa daan
Ngunit sana pakinggan mo ang aking hiling na maging masaya ka hanggang sa dulo, mahal ko
Patawad kung hindi mo na mararamdaman ang aking mga yakap
Mahal ko, kung nangungulila ka man tumingin ka lang sa mga bitwin at alalahanin ang mga pagsasama nating dalawa
Mahal ko, hanggang dito na lang ang sulat na ito
Patawad, Paalam kung ika'y iiwan ko na
Mahal na Mahal kita, aking sinta
Nagmamahal,
Ang iyong Ginoo
YOU ARE READING
The Emovere
DiversosAng mga sulat ng mga taong nagmahal, nasaktan, at iniwan. Mga sulat na naging ala-ala hanggnag sa huli. Sulat na siyang ng bigay ng saya, sakit, at nagparamdam na may pagmamahal na totoo. Isang sulat o tula na hnggang dulo ay may mga kahugan.