Chapter 1

61 5 0
                                    


"Ayos na ba ang lahat?" Tanong nang babaeng naka suot nang pulang bestida.

"Ayos na ho young lady wala ka na dapat pang alalahanin." Sagot nang butler niyang si James.

Napahalakhak ang dalaga dahil sa narinig niya na tila tuwang tuwa siya. "Mabuti kung ganon."

"Young lady sigurado ka na ba talaga sa plano mo?" Pag aalangan ni james.

"Lahat nang ito'y planado matagal na. Taon ang hinintay ko para magbalik at ngayon yun" Matalim na sagot nang dalaga.

"Kayo ang masusunod young lady nandito lang ako para pag lingkuran ka." Magalang na sagot ni James.

"Handa na ba ang aking matutuluyan?" Tanong nang dalaga.

"Napalinis na po young lady lahat ay ayos na at ikaw na lang ang hinihintay." Pahayag ni james.

"Mabuti at maasahan ko kayo." Sabi nang dalaga sabay lagok nang wine.

"Malaki ho ang utang na loob namin sa inyo young lady kaya dapat lamang na suklian namin ang kabaitan mo." Sabi ni james.

Nawala naman ang ngisi nang dalaga nang narinig niya ang salitang kabaitan. Para sa kanya ang pagiging mabait ay mali. Sinusumpa niya ang salitang yun. Para sa kanya ang mahalaga lang ay maghiganti. Pag mabait ka aabusuhin lang nang iba. Yan ang paniniwala niya.

"Hindi ako mabait tandaan niyo yan ginagawa ko lang ang nararapat." Naiiritang sagot nang dalaga dito sabay bato nang glass wine niya na tumama naman sa pinto.

Napayuko na lang si James at humingi nang paumanhin.

Umakyat na ang dalaga sa kanyang silid upang mag pahinga at maghanda para sa kanyang pagbabalik sa pilipinas.

Kung saan nagsimula ang lahat nang hinanakit at galit na namuo sa puso niya.

Sapat na ang apat na taon na pananahimik niya at handa na niyang pakawalan ang demonyo sa katawan niya.

Lahat nang may sala mag babayad.

Malapit na siyang magbalik.

Kinabukasan.

Maagang nagising ang dalaga. Naligo siya at pagkatapos ay nag ayos. Suot niya ang isang itim na bestida na nagpapakita nang magandang hubog nang kanyang katawan. Lalong tumingkad ang mapuputla niyang balat. Tila isang diwata. Sinuot niya din ang mga alahas niya. Ang tatsulok na hikaw at ahas na singsing. Ang kwintas niyang may maliit na bungo na gawa sa ginto.

Nagpaikot ikot siya sa salamin at tinignan ang tattoo sa likuran niya. Nang makita niya ay di niya maiwasang mapangiti.

"Pano ko kaya kayo tatapusin?" Nakangising bulong niya.

Maya maya pa'y biglang may kumatok sa silid niya agad naman niya itong binuksan.

"Young lady handa na po ang eroplano." Bungad sa kanya ni James.

Agad namang napangisi ang dalaga at sumunod sa butler niya.

Sa kaniyang daanan ay naka hilera ang mga katulong niya at bawat madaanan niyang katulong ay yumuyuko bilang pag bibigay galang sa kanya.

Dumiretso na sila sa rooftop nang mansyon at naghanda na para sa pag sakay sa private plane nang dalaga.

Bago pa man tuluyang sumakay ay huminto at tumingin tingin siya sa paligid niya at ngumisi matapos ay sumakay na siya nang eroplano at nag intay na lang sa pag andar nito.

Alas tres na nang hapon nang makarating sila sa pilipinas.

Palanding pa lamang ang eroplano pero nag faflash back na ang mga masasamang nangyari sa kanya. Naalala niya ang trahedya na sumira sa buhay niya. Dahilan kung bakit siya nagbabalik at maghihiganti. Napailing iling na lang ang dalaga at pinigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Para sa kanya ang pag iyak ay simbolo nang kahinaan.

Apat na taon na ang nakalipas Simula nang huli siyang lumuha mahina pa siya nuon at walang kalaban laban. Ngayon na nag babalik na siya malakas na siya at hindi na siya ang luluha.

Lumapag na ang eroplano at bumaba na ang dalaga dito inalalayan naman siya ni james.

"I'm back with my sweetest revenge." Sabi nang dalaga sabay halakhak na parang demonyo.

"M-misha.." 

----

(A/N)

Sino kaya yung tumawag kay michelle a.k.a misha? Abangan sa next chappy :) Vomments!


The Girl In The Black CoffinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon