Misha's POV
"I'm back with my sweetest revenge." Bulong ko na sumabay sa malamig na hangin. Di na talaga ako makapag antay lalo na't alam ko na ako ang panalo dito sa larong ito.
"Misha" Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Isa lang naman ang tumatawag sa akin nang palayaw ko. Pero imposible kitang kita 'ko kung papaano siya pinatay. Siya nga ba talaga si?
"Stanley???" Gustong kumawala nang luha ko sa mga mata lalo na nang yakapin niya ako pilit kong pinipigilan na maluha ako. Malakas ako dapat di ako iiyak.
Di ako mahina tulad nang iba diyan."Ako nga misha" humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin pero blanko pa din ang emosyon ko. Mahirap magtago nang emosyon pero kailangan ko tong gawin.
"Patay ka na. Paanong nasa harap pa kita?" Tanong ko sa kanya.
"Nakaligtas ako misha. Nung umalis na kayo naiwan ako dun diba? May nakakita sa aking mag asawa kaya tinulungan nila ako." Paliwanag niya sa akin so ganon pala ang nangyare. So sino yung nilibing namin? Pakana siguro to nung hayop na matandang yun. Mahal na mahal ko iyang si stanley. Di niya ko pinapabayaan dati.
Maswerte talaga ako dahil buhay siya at least may natira pa pala sa aming limang magkakapatid.
Stanley's POV
Ako si Stanley Dominguez. 22 years old. Kapatid ko si Michelle. Proud na proud ako dahil sikat na sikat na siya at mayaman. Nakatapos na siguro siya nang pag aaral. Sobrang layo na nang naabot niya. May mga mansyon siya. Paaralan. Kumpanya at marami pang iba. Ako kasi hindi pa nakakapagtapos eh. kasalanan yon nung matandang yun. Pag nakita ko talaga yun babasagin ko mukha non.
Hindi ko pa sila nagagantihan sa ginawa nila sa akin at sa pamilya ko.
Yung hustisya di pa namin nakakamit. Makapangyarihan si tanda eh mapera kasi. Ganon naman talaga eh diba? Pag may pera powerful na kaya gawin lahat nang bagay masama man o mabuti. Demonyo kasi ang pera. Tignan nyo madaming pumapatay dahil lang sa pera.
Nabalitaan kong uuwi na si Misha kaya napagpasyahan kong magpakita sa kanya. Ang alam niya patay na ko pero mali siya. Matagal kaya mamatay ang masamang damo.
Misha's POV
Pagkatapos nang eksena kanina ay dumiretso kami sa mansyon 'ko. Nagkwentuhan nag kamustahan. Dito ko na din siya pinapatira pumayag naman siya isasama niya daw yung mga umampon sa kanya. Sayang naman kasi tong bahay wala namang titira kaya sila na lang.
Yung tungkol sa plano ko siyempre di niya pa alam. Malalaman din naman nya ito.
Wala pa din magbabago sa Plano ko tuloy na tuloy pa din yon wala akong sasayanging oras. Lintek lang talaga ang walang ganti.
Di ako nagpayaman para magpakasarap. Pinaghirapan ko to bago ko maabot to madami pa din akong pinag daanan. Di ako nakapag aral 3rd year lang natapos ko kaya hirap ako makahanap nang trabaho. Hanggang sa may natulungan akong isang matanda. Kinupkop na nya ako at tinuring na isang tunay na anak. Isa sya sa pinakamayaman dito. Apat na taon ang nagdaan pumanaw na din sya kaya lahat nang kayamanan nya ay napunta sa akin.
Yun ang dahilan kung bat ako mayaman ngayon pinaghirapan ko to kaya papahirapan ko din yung mga taong dahilan kung bat ko dinanas yun.
Binenta ko na kaluluwa ko kay satanas. Kakampi ko pa si kamatayan.
Pero bago ko gumanti kelangan ko din mag aral. Dun na lang ako sa school ko mag aaral wala akong pake kung kalagitnaan na nang pag aaral ako naman may ari nun eh problem solve.
At sa titirhan naman ayos na din di ko naman balak tumira sa mansyon. Mas gusto ko kasama pamilya ko kaya dun ako.
Kinagabihan.
Nakalipat na sila kuya stan sa mansyon nagpasalamat naman ako sa mga kumupkop sa kanya. Sina nanay Angela at tatay Kristopher. Wala pala silang anak? Kaya pala kinupkop nila si kuya. Pero infairness tumino nang konte kapatid ko.
Sinabi ko kay kuya na dun ako sa isa kong bahay titira nung una di siya payag pero ako masusunod boss ako dito.
Tinawagan ko na din si Santiago. Kapatid ni James. Siya yung pinamahala ko pagpapatakbo nang school kahit di naman tumakbo yung school. Sinabi ko sa kanya na mag aaral ako dun at sa lunes na ako papasok.
Ngayon papunta na ako sa bahay ko. Mga 9:30 pm na kailangan ko na din magpahinga. Iniwan ko si james sa mansyon di ko naman siya kelangan dun sa titirahan ko. Ako na nag drive para sa sarili ko. Gusto ko to eh.
Inabot ako nang isang oras bago makarating sa titirhan ko. Alas diyes na nang gabi. Wala nang tao sa daan kaya solo ko dapat lang kasi teritoryo ko tong village na to.
Pinarking ko na ang sasakyan ko at naglakad na. Malamig ang simoy nang hangin at tanging huni na lang nang kuliglig ang maririnig. Dati pag madilim natatakot ako pero ngayon Hindi na matapang na ko eh.
Nakita ko na ang signboard Grabe ang ganda talaga nang lugar na to napaka peaceful.
Inabot ako nang ilang minuto bago mahanap yung titirhan ko madami dami na pala kong kapit bahay dito dati tahanan lang to nang magulang ko ngayon marami na silang kasama.
"Magandang Gabi young lady."
"Ay pitongput pitong puting putangina ka! Pag ako namatay mumultuhin kita!!" Sigaw ko.
Nagulat ako ni nanay Lilia! Bat ba ganon kasi ang itsura niya?! Siya nga pala ang caretaker dito."Nagulat ba kita young lady pasensya na." Sagot niya habang tumatawa as if naman na may ngipin siya.
"Ay hindi na scared lang hay nako nay diyan ka na nga! Kainis ka!" Sabi ko sabay walk out kaloka lang kasi lalabas na puso ko sa dibdib ko.
Inunlock ko ang pinto nang gate at pumasok na.
Isang malaking bungalow na napapaligiran nang sari saring bulaklak. Ibat ibang kulay ng rosas. Sa dadaanan mo papasok ay may mini bridge at natural may pond sa paligid ng bahay. May mga lily sa pond. Mabuti at inaalagaan nila to. Matagal na din Simula nang nakapunta ako dito.
Pumasok na ko sa loob at kumain. Pagkatapos ay nagpatugtog nang isang magandang musika.
Madaming upuan Madaming bulaklak. Ang bango bango tanaw na tanaw ko pa yung labas dahil grills lang ang paligid neto.
Pinuntahan ko ang nanay ko.
"Hi mommy di mo ba ko iwewelcome back? Namiss kita I love you mommy." Sabi ko sabay halik sa cage.
"Hi daddy ko kamusta ka na tagal niyo nang nakahiga diyan ah bangon bangon din. Tignan mo ko ang ganda ko lalo." Naluha ako bigla di ko na talaga mapigilan sa pagkakataong ito. Mahina pa din ako.
"Daddy ko buhay pa pala si kuya. Aalagaan ko yun wag ka mag alala. Tas yung mga lokong may dahilan kung bat kayo nakaratay diyan kakatayin ko yun pangako I love you daddy ko para sainyo tong ginagawa ko."
Hindi rin nagtagal at humagulgol na ko sa iyak. Ayos lang mag isa lang naman ako eh walang makakakita.
Pinunasan ko na ang luha ko inaantok na ko.
Tumayo ako sa pagkakaupo at naghanap nang posporo. Bubuksan ko yung kandila madilim eh.
Pagkatapos nun ay humarap na ko sa hihigan ko. Inangat ko ang salamin para makahiga ako.
"Bibigyan ko nang katarungan ang pagkakapatay sa inyo at si siguraduhin kong lahat nang may sala ay magbabayad patay na kung patay."
Huli kong sinabi bago ko isinara ang mata ko sabay nang pagsara nang itim na kabaong ko.
Townsville Cemetery.
![](https://img.wattpad.com/cover/42182407-288-k170201.jpg)