Chapter 1
“Amari Claire Ignacio!” napapitlag ako dahil sa sigaw na iyon. Nakita ko sa harap ko si Jessica na nakakunot ang noo. Sa likod n'ya ay is Ayesha na nagsasalamin at inaayos ang buhok n'ya.
“Oh, ano?” Tanong ko nang makabawi sa gulat.
“Gaga! Kanina pa kita tinatawag!” anya. Tinaasan ko lang s'ya ng isang kilay.
“Bakit nga?” Tanong ko at inayos ang gamit. Hindi ko namalayan na tapos na ang klase. Kanina pa pala ako nakatulala.
“Tara na at ginugutom na ako.” reklamo n'ya at umayos na ng tayo. Hindi ako nagsalita at binitbit ang cellphone at wallet para makapunta na kami sa cafeteria.
“Nakakaasar talaga si anteng Dizon na iyon, minsan na nga lang pumasok tapos nagpa-research agad!” reklamo ni Jessica habang naglalakad kami sa corridor. Mahinhin namang tumawa si Ayesha.
“May makarinig sa'yo, uy!” anito habang natatawa.
“Aba, bakit? Totoo naman ah?! Eh, kung s'ya kaya ang magresearch!” ani Jessica at hinawi ang maiksi n'yang buhok na kulay abo.
“Hoy, Mari!” malamig ko itong tiningnan dahil ako na naman ang guguluhin nito.
“What?” tamad kong tanong.
“Alam mo ba?”
“Hindi.” napasimangot s'ya sa hirit ko.
“Kahit kailan ka talaga! Paano nga ulit kita naging kaibigan?” pagda-drama nito. I smirked inwardly.
“Naging kaibigan ba kita? Huli yata ako sa balita?” napanganga s'ya at natigil sa paglalakad. Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin habang si Ayesha ay tawa ng tawa.
“Stop it you two na nga! Baka mamaya mag-fight pa kayo!” anya habang nagpipigil ng tawa. Ngumisi lang ako at naglakad na ulit.
“Ang tagal n'yo.” reklamo ni Peter. He is my best buddy. Magkababata kami at dati ko s'yang crush.
“Ang daldal kasi ni Jess.” sabi ko naman at naupo sa tabi n'ya.
“Ako na naman!” marahas na sabi ni Jessica kaya natawa kami ni Ayesha.
“Totoo naman ah?” nakangisi kong sabi at nilingon ang for today's menu.
“Magkaaway ba kayo?” tanong ni Harrison na boyfriend ni Jessica. Tinawanan ko na lang s'ya.
“Anong gusto mo?” tanong ni Peter sa akin.
Napanguso ako ng wala akong nagustuhan sa menu kaya napunta na lang ang tingin ko sa spaghetti.
“Spag na lang.” sabi ko. Tumango s'ya at tinanong ang iba naming kasama tungkol sa order nila.
Ang mga lalaki ang kumuha ng order naming lahat. Habang hinihintay ay tinanong ko si Jessica tungkol sa research.
Dahil graduating na kami, understanding naman na mas may kahirapan ang gagawin namin kaysa sa mga naunang taon.
May pupuntahan kaming lugar at isusulat namin ang mga observations namin. Kukuha ng samples at ico-compute ang populations ng gagawan namin ng data.
Sa susunod na bayan ang pupuntahan naming lugar at doon kami mag-ga-gather ng data for two weeks.
Next week na ang start.
Nasabi din sa akin ni Jessica na group daw kaming anim. Si Ayesha, ako, si Jess, si Peter, si Harris, at si Santiago. Buti na lang at kaming magka-kaibigan ang grupo. Kung iba kasi ay baka mailang lang kami sa isa't isa.
Nang dumating ang order ay tahimik lang kaming nagsi-kain.
Natigil ako sa pagkain ng may lumapit sa table namin.
YOU ARE READING
The Obsession of Klaus Hunter Zamora
RandomKlaus Hunter Zamora, a person who doesn't believe in love, feared with his ruthless and cold personality especially in underground society, who doesn't give a fuck about anyone else, met this little brat who will change his life. The walls he built...