Chapter 2

3 2 0
                                    

Chapter 2

Hanggang sa pag uwi ay hindi maalis sa akin ang kakaibang kilabot. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

Hindi maalis sa utak ko ang huling mensahe na sinabi ng lalaki. Maging ang mababa, namamaos at malamig na boses nito na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Bago pa man ako makatayo para pagbuksan ito ay pumasok na si Kuya. Dave Emmanuel Michaelis Ignacio or DEMI for short. He is five years older than me and he's the one running our company. Before our parents died in a plane crash, my father stoop down as the president and handed the position to my brother.

"Bakit?" tanong ko kaagad matapos makita ang seryoso n'yang ekspresyon. Humalukipkip s'ya at sumandal sa pintuan ng kwarto ko. He gave me serious look and so I raised my left eyebrow.

"Peter told me you got something to do. A research. Saan?" seryosong tanong n'ya.

"Hmm... I don't know the exact place pero malapit daw sa Cagayan." Kibit balikat na sagot ko na nagpakalas ng pagkakahalukipkip n'ya.

"Cagayan? Are you kidding me, Amari?" he hissed causing me to pout. I shrugged my head as a response. Napahilamos ng mukha si kuya at namewang.

"At sino namang walang utak ang magku-conduct ng research sa ganoon kalayong lugar, aber?" asar na tanong ni kuya.

"Ewan ko din sa ex mo, kuya." Ani ako at ngumisi. Umirap s'ya sa akin.

"Kapag nalaman kong may kalokohan kayong gagawin do'n, Amari, never expect to see that man again." He said, referring to Peter.

Napangiwi na lang ako.

"Dapat ba akong mag take ng videos kapag ando'n na kami? Or better, video call tayo?" I smirked. He gave me a warning look before leaving my room.

_________________

Days passed by smoothly and our research began. So, magde-debut ako habang nasa CDO kami. Ang ibang classmates namin, ang locale ay Bicol, Quezon o Tondo. And I'm grateful dahil sa Cagayan de Oro kami dahil may rest house kami doon. Cagayan is my mothers' favorite place dahil doon sila nagkakilala ni papa.

Kuya Demi don't want me to go but he also understand that it's for my grades. That it's purely for academic purposes only.

"Mag iingat kayo."seryosong aniya. Tumango ako bago s'ya niyakap ng mahigpit.

"Ingat ka din dito, kuya."

"Sure thing, princess."

Tahimik kaming lahat sa biyahe. We are not allowed to bring cars dahil baka daw kung saan saan kami maglakwatsa.

"Ano nga pala yung topic?" tanong ni Ayesha. Napaisip din tuloy ako.

"Holy mom! Oo nga pala! Hindi naman binigay ni Ma'am Dizon sa akin eh. Basta ni-group tayo tapos sinabi 'yong location kung saan iku-conduct ang research. Minsan talaga may pagkapalpak din itong si mareng Dizon, e." ani Jessica na ikinatawa naming lahat kaya napatingin sa amin ang ibang pasahero ng bus.

Ilang oras din ang biyahe at nakatulog pa nga ang ibang pasaherong kasabayan namin. Pati si Ayesha at Jessica ay mahimbing din ang tulog. Buti ako hindi inaantok pag nasa biyahe dahil baka iligaw kami ng driver. Lol.

Napalingon ako sa kabilang seat na kapantay ng inuupuan ko. May lalaking naka hoodie na itim, sweat pants na itim, at pati ang cap at sapatos nito ay itim din. He's kinda creepy. Tahimik lang na nakayuko.

Tanaw ko ang mukha n'ya. Matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata at sobrang puti at kinis ng mukha n'ya. Hiya naman daw ang pagmumukha ko.

Kalaunan ay tumigil na ang bus sa sentro ng Cagayan. Dahil late na, nagdesisyon kaming tumuloy muna sa inn na nakita namin para ngayong gabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Obsession of Klaus Hunter ZamoraWhere stories live. Discover now