Linggo
Skip muna tayo sa mga gawain. Medyo inaantok ako.
Nagring yung telepono kaya sinagot ko agad.
"Hello?"
"Elyah? Si Marcus to!"
"Oy, Marcus? Ba't napatawag ka?"
"Sabi ni Ely aalis daw muna siya hanggang Miyerkules. Pupunta siya sa Pasay, sa pinsan niyang si Shirley."
"Sige. Puntahan ko siya."
Sa bahay nila Ely...
Pumasok ako at nakita ko pa naman silang dalawa ni Marcus na naglalaro ng playstation."O ano pare? Isang game pa?"
Tanong ni Ely kay Marcus."Sige tsong!"
"Oh, akala ko bang aalis ka, Ely?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Di naman ako aalis?"
"Ano? Ba't tumawag si Marcus tapos sabi niya pupunta ka daw sa pinsan mo hanggang Miyerkules?"
Seryosong tumingin si Ely kay Marcus. Senyales na galit si Ely.
"Ano bang ginawa mo, Marcus!?"
"Sorry na nga! Nag-joke lang naman ako eh!"
"Sa susunod mong joke, huwag na ganyan! Nagpapakalat ka ng maling akala! Lalo na kay Elyah."
"Sorry pare."
"Elyah, punta muna tayo sa labas. Mag-uusap tayo."
Lumabas kami sa bahay. Dalang-dala ni Ely ang isang libro na naglalaman sa history ng Pilipinas. Isang lumang libro ang kanyang binabasa.
"So, Elyah...pwede mo ba akong gawan ng idea? Para sa susunod kong isusulat na kanta?"
"Sige, tungkol san yung kanta?"
"Gumawa lang kasi ako ng lyrics randomly. Tapos nilagay ko sa isang lyric ay "spoliarium". Alam mo naman yan, diba? So di ko alam ano ang ilalagay kong pangalan sa kanta."
"Diba Spoliarium? Edi yan ang ilalagay mo. Historical ba iyan?"
"Not really. Pero...ay! Genius ka, Elyah! Ang plan ko kasi kung magkakaroon eto ng music video, magaganap sa museum! Kasi syempre, Spoliarium nga. Matalino ka talaga, love!"
"Hehehe..."
___________________________________
Lunes
Di na ito ok, ah. Nakita ko si Ely na may kasamang babae. Nagulat ako! So, eto yung ginawa ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa, at tinanong ko sila.
"Ely? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ay, oo nga pala Elyah. Si Marlyn ito." Sagot niya.
At bigla nalang kumulo ang dugo ko nang nakita ko yung babaeng yun. Nagsisimula nang magsalita ang aking utak, "Ano!? Kapal talaga sa mukha ng babaeng to! Inaagawan na ata niya ako ah! Pasaway ka talaga, Marlyn! Kulay pula talaga yang side mo!"
Kaya pinipigilan ko nalang ang aking loob at nagpatuloy na ngumiti.
"Ah, Marlyn. Uuwi na kami ni Elyah. Bye!"
Sa kwarto ni Ely...
"Anyare sa'yo, Elyah? Ba't parang lumaki ang mata mo kanina?"
"Kailangan mo pa bang magtanong? Ba't nakikisama ka sa pasaway na yun?"
"Ay...hayaan mo nalang. Huwag kang magselos!"
"Hinding hindi talaga kitang hahayaan na makipagsama sa babaeng yan, Ely."
"Ayan ka na naman..."
*Hinawakan ang aking mukha*
"Elyah, huwag kang magselos. Akin ka lang naman, ah. Di kita ibibigay. Mahal kita."
"Mhm. Akin ka lang din, Ely! Ayokong ibigay ka sa iba. Mahal na mahal kita. Kaya huwag na huwag kang lumayo sa aking tabi."
*Hinalikan si Ely*
"O, Hinalikan na kita ah! Yan ang maipapakita ko sayo na mahal kita."
*Niyakap ako ni Ely at hinalikan din*
"Ano ka ba, Elyah. Mahal din kita."
Di ko ibibigay si Ely sa iba. Mahal na mahal ko siya. Di ko siya pababayaan. Pero kung di ko siya nakilala, ano na kaya ang buhay ko ngayon? Siguro nag-aaral pa rin ako. Kung di lang sa kanila ni Buddy, di sana ako nakapagtapos. I love you, Ely.
BINABASA MO ANG
elyah ♪ eraserheads
FanfictionElyah took too long inside the classroom because of activities na di pa natapos. Umuulan na sa labas, hulaan niyo sinong nagpahiram sa kanya ng payong.