Lisa POV :
Dumaan ang mga araw linggo at buwan pagkatapos makalabas ni jennie sa ospital at tuluyang gumaling pero kasabay din non' ang pagbabago niya ..
"Hon ! Aalis na ko . Medyo malelate lang ako ng uwi . Sure ka bang dito ka lang talaga ? Ayaw mo sumama sa office ?" I asked .
Umupo ako sa tabi niya . Habang siya nakahiga pa din sa kama . Araw araw siyang nandito lang sa kwarto minsan lalabas lang pag trip niya kumain sa dining area . Pero mas madalas talaga siyang dito kumain sa kwarto .
Ayaw niyang may taong pumupunta sa bahay even our friends and our family . Kulang nalang pati ako hilingin niya na umalis na din ng bahay para lang sa kagustuhan niyang mapag isa .
"I'm home !"
Sinalubong ako ng mga katulong at kinuha ang dala kong bag .
"Good evening Lisa !"
"Good evening manang ! Where's Jennie ? Has she eaten ?
"Dinalhan po namin siya ng pagkain kanina pero hanggang ngayon wala pa sa labas ng pinto yung pinagkainan niya ."
Napatingin ako sa taas .
"Ah ! Sige ako nalang magbababa mamaya ."
"Kayo po kumain na po ba kayo ?"
"Hindi pa . Pwedi bang pakiakyat nalang din sa taas . Sasabayan ko nalang siyang kumain . Pakihainan nalang din siya ng bago ."
"Sige po ." At kaagad naman siyang umalis papuntang kusina .
Umakyat ako ng kwarto namin . Pero naka locked ito ..
"Jen ! Open the door . Andito na ko ."
Pero hindi pa din niya binubuksan ang pinto .
"Hon ! Please .. Open the door ."
Hindi pa din niya binubuksan ang pinto . Until nag decide akong tawagin si manang para kunin yung susi .
Naisip ko na baka may nangyari sa kanya .
Pag bukas ko ng pinto . I breathed a sigh of relief when i saw her sleeping peacefully ..
Lumapit ako at umupo sa tabi niya . I stroked her hair and just stared at her . But i woke her up ..
Napatingin siya sakin at kaagad siyang bumangon .. inayos niya yung buhok niya bago humarap sakin .
"Hindi ka kumain ?"
"Hindi pa ko gutom ."
"Hon ! Please .. Pano ka magkakaron ng lakas niyan palagi ka nalang walang gana kumain ."
But she immediately looked away .
"Sabayan mo na ko kumain . Hindi pa din naman ako kumakain .."
"Bat hindi ka kumain ? It's late ."
"Alam ko kasing hindi ka nanaman kakain . Gusto kong sabayan ka para naman ganahan ka kumain ."
Buti nalang this time nakisama siya .
I understood her for what she wanted, I let her mourn and gave her space . And i thought as the days passed she would return to her old self . Pero hindi pala .
Early morning .
"Hon ! Good morning ." I kissed her on the forehead .
Hindi na talaga siya kagaya ng dati . Ni hindi na siya ngumingiti at nag gogood morning sakin ..
"Nag aaya sila mom . Dinner daw mamaya . Tara ?!"
"I don't want ." Tipid niyang sagot . Habang nakahiga pa din sa kama at mugto nanaman ang mga mata niya . Tuwing gabi nalang kasi siyang umiiyak ..