2nd Punch

9 1 0
                                    

Fvck you!" isang malutong na mura mula sa pinuno ng Outlaw. Iyun lang ang nagawa nyang isagot.

Tumawa ng malakas si Paul. Pinunasan nya ang pumutok na labi gamit ang manggas ng polo at saka dahan-dahang tumayo.

"Ang sakit ah?" muli itong tumawa. "Ganyan ba naramdaman mo?" Nang nakatayo na ay mabilis itong nakalapit kay Dave at sya naman ang sumuntok.

Gaganti sana si Dave pero natigilan ito sa sinabi ni Paul.

"Ganyan din kasakit ang nararamdaman ni Leilanie araw-araw Dave. Or mas higit pa."

Natahimik ang buong paligid. Ang kaninang nagkakagulo na mga tao sa loob ng bar ay nawalan ng imik. Maging si Aldrin, Mark, at Jullius. At the same time, they all felt guilty.

Kilala nila si Leilanie bilang si Seventh ng Royal blood. Magaling, mabilis, malakas, at palaban. Never pang natalo sa kahit na anong klaseng laban.

Pero ngayon, ngayon lang nila narealize na posibleng nasasaktan nga ito sa mga nangyayari. Bakit sila naging manhid?

Muling sumuntok si Paul. Walang umawat. Ni hindi nag counter o umilag si Dave. Nakayuko lang sya.

"It's just a kiss Dave but it hurts you like hell. Ano yung ginagawa mo? Your making out. And the worst part is, sa public. Maraming beses ka pa nyang nakita. Who knows anong ginagawa mo kapag kayung dalawa lang ng mga babae mo? Naisip mo ba kung gano kasakit yun para sa kanya? Its beyond hell." Mahabang pahayag ni Paul.

Hindi kumibo si Dave. Muling sumuntok si Paul.

"Sinasadya mo syang saktan samantalang si Cris ang humalik sa kanya."

Muling nag flashback kay Dave ang kiss ni Cris. Pero nang maalala ang Kiss between Louie and Leilanie, kumunot ang noo nya at isang malakas na suntok ang iginanti nya kay Paul.

"Napasarap ka yata sa pag suntok ah? After nun, ano pa ang alam mo? Wala na diba? So, wala kang karapatang suntukin ako"

Hindi nakasagot si Paul. Muling sumuntok si Dave pero pinigil ni Cris ang braso nya. At sa gulat ng lahat, sinuntok sya ni Cri sa mukha.

"If your talking about Louie, Me alam ako." Then, another punch. "Does it mean my karapatan akong suntukin ka?"

Lalong nagtaka ang mga miyembro ng Outlaw na naroroon. Hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ni Cris at bakit nadamay si Louie.

Kumunot ang noo ni Dave.

---ayoemi

HALIK AT SUNTOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon