CHAPTER 14

4.5K 95 17
                                    

Do you still remember your life when you were young?


I don't. I don't remember mine, all I can remember was how I suffered growing up just because of my parents relationship, hindi ko maalala ang unang beses na nag-laro ako sa palaruan or kumain nang masaya at sabay-sabay. I wanted to remember my smiles when I was a little girl, but what if the reason why I couldn't remember anything is because I was an unhappy child, I never experienced happiness.


Instead of playing with other kids, I stayed in our house, learning how to wash the dishes, how to cook, how to do my own laundry dahil wala palagi ang mga magulang namin, I needed to learn everything when I was 7 years old so that I can take care of myself and especially my sister.


I don't want to be independent but the world gave me no choice, I had to be independent.


"I would never trade my pageant for anything, you know that," sumandal sa braso ko si Chanel at kanina pa nag-sasabi ng mga reklamo niya.


Hindi ako nag-salita hanggang sa matapos siya, hinayaan ko lang siyang mag-kwento nang mag-kwento.


"Help me, what should I do now?"


Mukha ngang problemado siya, malapit na ang audition para sa pageant at sabay pa na birthday ng Daddy niya, sinabihan siyang mag-absent pero isang beses lang ang audition at kapag hindi siya nakarating hindi siya makakasali, that's her problem.


She needs to choose, wala namang importante sa kaniya kundi ang pageant, pero ang Daddy niya ang nasusunod sa house nila, she hates her dad alam ko 'yon pero wala siyang magagawa.


"Piliin mo kung ano 'yung mas importante."


"My pageant?" sagot niya na patanong. "His birthday is also important but I want to join the pageant this year, you know my goal is to win again and compete."


Natawa ako, super taas ng confident niya kapag dating sa mga ganito, hindi ko siya masisisi, may ipagmamalaki siya. Hindi siya mayabang, competitive lang siya and she believes in herself.


"Bakit ba iniisip mo 'yang daddy mo? break the rules, Chanel. Hindi nga alam ng Daddy mo kung kailan ang birthday mo tapos pipilitin ka niya sa birthday niya?" natapos sa pag-kain si Brey kaya sumali sa usapan.


Nasa ilalim ang paa niya kaya tinapakan ko. "You're not helping."


"He'll get mad at me," ngumuso siya.


"Syempre, pero mukha naman mas masaya ka sa pageant kaysa makisama diyan sa Daddy mo, tumira ka sa condo ni Abia kapag pinalayas ka," binalik niya ang pag-apak ko sa paa niya kanina, ang sakit ha!


"Ang sakit non ha!" gumanti ako.


Nag-gantihan kami sa ilalim ng lamesa hanggang sa bumalik ang atensyon namin kay Chanel, bakit ba kami nag-aaway?


"Alam mo kapag may pipiliin ka, dun ka sa masaya ka kaysa piliin mo 'yung ikakasaya ng ibang tao, mas gugustuhin ko pang mag-suffer sila kaysa ako ang mag-suffer 'no," sabi niya at seryoso pang nakatingin kay Chanel.

Keep Raining (Psychology Series #1)Where stories live. Discover now