CHAPTER 3

18 1 0
                                    

"Kanina kapa nakatitig sakin?." Tanong ni Ace habang kami ay kumakain ng tanghalian, Nagrequest nalang to magpaluto kay Nanay Auring para sa  pagsasaluhan namin.



Wala pang 24 oras pero feeling ko lalaspagin ako ng lalakeng ito. Wala naman magiging problema sakin dahil napaka pogi naman wala akong karapatan magreklamo dahil mag asawa kami at buong buhay ko siya na ang sumuporta sa lahat ng pangangailangan ko.





Kahit na malayo siya sinisigurado niyang lahat ng kailangan ko ay ok ,kahit hindi ko naman pinapaalam pa sa mga kasama ko dito sa bahay pero ang lahat ata naka detailed na sakin na kailangan on the spot maibigay agad sakin..




Pero hindi naman ako humihingi pa ng kung anu, basta nalang magugulat ako may mga darating sakin na bagong Bag,Shoes,Dress alahas etchetera.





Pero kahit na binibilhan niya ako ng ganun hindi naman ako materyalistic na babae naka stock nga lang yung sa isang kwarto at lahat ng yun ay hindi pa nabubuksan. Pinahanda ko talaga yung kwarto na yun para lahat ng regalo na ibibigay niya sakin.



Kung ivlovlog ko pa yun baka abutin tayo ng isang buwan para iflex pa.

"W-wala naman, hindi lang ako makapaniwala na nasa harapan kita."
Sagot ko dito na agad naman na ikinangiti nito at tumitig din sakin.




"Pinarasuhan kasi ako ni Mommy kaya ako napauwi dito." Sabi nito.




"H-huh anung parusa naman,atsaka bakit ka naman niya paparusahan may ginawa kabang mali?." tanong ko dito..

"Kailangan ko na daw magkaroon ng anak,dahil sa aming magkakapatid ako nalang ang walang Anak." Sabi nito habang nakatitig sakin na parang tinitingnan niya kung anu ang magiging reaksyon ko.


Grabe naman kung ganun pala ang dahilan ng pag uwi niya, hindi naman kaya masyado siyang nagmamadali para galawin niya agad ako. Siguro naman nabuo na yung sa kama kung hindi pa naman yung sa banyo nalang. Kinakabahan tuloy ako sa parusa ng kanyang INA pati pala ako madadamay sa parusa na yun.



Pero ok lang naman sa akin masyado na akong matanda sa edad na 25 years old kailangan ko na din siguro mag anak ,wala naman magiging masama kung magkakaroon kami ng anak dahil mag asawa naman kami at karapatan naman niya yun.



"Ganun ba, Kaya pala!." sabi ko nalang wala kasi akong maisip na isasagot kaya yun nalang ang sinabi ko.


Natapos kami sa pagkain na wala ng napag uusapan pa nahihiya naman akong daldalan pa siya.. Ewan ko ba kanina pa kasi ako hindi tinatantanan ng Puso konsa sobrang lakas ng tibok nito.. Kaya naman nakakaramdam ako ng hiya.  Siguro dahil hindi pa kami sanay sa isat - isa.


"Any way pupunta pala tayo sa HUTCHERSON PALACE , Uuwi ang Mommy at Daddy kasama na mga kapatid ko. Magbibirthday na ang Mommy ang gusto niya dito sa pinas magBirthday ." Sabi nito habang isa isang niligpit ang pinagkainan sa lamesa ..





"Kailan naman tayo aalis?." tanong ko.




"Ngayon na,Bukas pa dating nila mas ok kung mauna na tayo dun." sabi nito.





Tumayo na ako." Sige magbibihis lang ako." paalam ko dito.





Pagpasok ko sa kwarto agad kong kinuha ang cellphone ko sa Bag, Ang daming chat at missed call sakin ni Grace. Tatawagan ko siya para ihabilin na muna ang restuarant sakanya.




"Hoy babaeta! ang hirap mong kontakin? alam mo bang nag aalala na ako sayo?. " galit nitong bungad sakin. "asan kaba at hindi ka manlang nagchat sakin."...





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNKNOWN HUSBAND R-18Where stories live. Discover now