UNO

38 2 0
                                    


MATAAS NA ANG SIKAT NG ARAW at masakit ito sa balat.

Gusto nyang maglumpasay ng iyak pero hindi nya gagawin. Dahil unang-una magsasayang lang sya ng luha wala namang maitutulong ang pag-iyak nya, pangalawa she is not born a quitter kaya lalaban sya kahit pa nga malaki ang posibilidad na matalo sya dahil Journalism ang tinapos nyang kurso at hindi veterinary. Anong malay nya sa mga hayop na namamalagi sa kagubatan?!
Pangatlo at panghuli, she is a strong, independent woman!

Pero Diyos ko naman!

Dahan-dahan syang tumayo, masakit ang buong katawan at mga kalamnan nya kaya kahit gustuhin nyang magtatakbo ay hindi puwede.

Maliliit na yapak na tinahak nya ang gubat. Alam nyang mapanganib pero mas lalong mapanganib kung mananatili sya sa dalampasigan lalo pa at sobrang init ng panahon.

Hindi pa sya gaanong nakakalayo ng may makita syang leon na nagpi-fiesta sa patay na katawan ng isang usa.
Nanginginig syang nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Halos magdadalawang oras na syang naglalakad. Pagod, gutom at puno na sya ng pawis nang may matagpuang ilog na may malinis na tubig. Bakit nya nga ba nalimutang posibleng may ilog aa lugar o islang ito dahil may karagatan.
At some point, palaging nagtatagpo ang ilog at ang karagatan. Sila yung kahit ilang milya man paglayuin, magtatagpo at magtatagpo pa rin.

Damn!

She's a journalist not a poet! Ito nga yata ang epekto ng pagkaligaw sa kawalan.

Just hours ago she is in a high-end yatch, sipping wine and having a talk with famous personalities, but now? She is all alone in this godforsaken place!

Kung bakit naman kasi ngayon pa sya nawala, kung kailan nasa tugarog na sya ng tagumpay!

Dali-dali syang yumuko at uminom.

Pero tila nanigas sya at halos mabilaukan ng may marinig na kaluskos.

Diyos ko!

Kung bakit kasi tumuloy pa sya sa pagpasok sa gubat! Doon nalang sana sya sa dalampasigan, malaki pa ang tsansang makita sya agad ng rescue team.

'Malaki rin ang tsansang mamatay ka sa dehydration, tanga!' bulong ng isang parte ng utak nya. 'Or worst matusta ka sa init ng araw.'

Tama nga naman! Kahit marami na syang sugat sa paa dulot ng mga halamang kumakapit sa binti nya ay hindi naman sya naiinitan. Malalaki ang mga puno at hindi halos tumatagos ang sikat ng araw sa loob ng kagubatan.

May yabag syang naririnig na papalapit sa kanya. Never nyang naisipan na ang tenga nyang ginagamit sa pagsagap ng tsismis ay magagamit nya sa pagsagap ng yabag ng kung anong mga hayop na ano mang oras ay maari syang sakmalin at gawing hapunan.

Gustuhin nya mang tumayo at magtatakbo ay hindi pwede, masakit na ang mga paa nya at kapag tumakbo sya siguradong mas gaganahan lang ang hayop na habulin sya.

It's an animal instinct.

Halos hindi na sya humihinga ng maramdaman na nasa likuran na nya ang hayop.

Lumakas at halos kumalabog na sa pagtibok ang puso nya ng maramdaman na inaamoy sya nito.

She almost fainted when it touches her.

It touches her!

Touch...

Kaagad nyang nilingon ang lalaki.

Lalaki?!

Nanlaki ang mata ng makita nyang lalaki nga ang kaharap nya.

A long-haired, tanned skinned dirty looking man with an oozing eight packs abs and a long... Long...

Long sword...

Well...

Literally a sword.

Pero hindi lang naman ang bolong dala nito ang mahaba.

Bakat ang malaki at mahabang bagay sa pagitan ng mga hita nito na natatakpan lamang ng isang tela.

Damn! The guy knows how to flaunt his own body.

Diyos ko, ka Ada!

Ang bastos talaga ng utak mo!

Halos pigilan nya ang hininga ng ilapit nito ang mukha sa kanya at sininghot sya.

Sininghot sya!

Akmang iiwas sya ng bigla nitong kabigin ang mukha nya at pakatitigan syang mabuti.
Tila namamanghang inuusig nito ang pagmumukha nya.

Kaagad na gumana ang utak nya. Dagli syang tumayo at nagtatakbo papalayo sa lalaki.

Walang lingon-likod nyang tinahak ang pusod ng kagubatan. Pero alam nyang hindi sya makakalayo dahil masakit at puno ng sugat ang mga paa nya at naririnig na nya ang mabibilis na mga yabag ng lalaki sa kaniyang likuran.

Mabilis na mabilis ang tibok ng puso nya na tila ba may naghahabulang mga kabayo sa loob nito. Alam nyang wala syang magagawa sa oras na mahuli sya nito pero hindi sya susuko nalang basta. Lalaban sya, ano pa't nabansagan syang 'The Woman Who Knows Not To Quit' kung susuko sya agad.

Napasigaw sya nang dambahin sya nito. Sinubukan nyang magpapalag at suntukin ang lalaki pero tila balewala lang ito sa lalaki at tinuloy pa rin ang pagtunganga sa pagmumukha nya.
Gusto nyang kilabutan sa inaakto nito.

Sinubukan nyang pumalag ulit. Pero naipit na nito ang mga binti at pulso nya.

She flinched when he raised his hand. Naipikit nya ang mga mata, just to open it once again when she felt the soft touch of his callous hand in her cheek.

"M-Mama..." Magaspang na bulong nito.

"What?!" Gulat na aniya at tinapik papalayo ang kamay ng lalaki.

"Mama!" Medyo malakas na anito gamit ang magaspang na boses na tila ba ilang araw ng hindi nakakatikim ng tubig ang lalamunan nito.

Agaran syang tumayo para lumayo sa lalaki.
He's crazy!

Pero mas mabilis sya nitong nayakap sa bewang.

Nanlaki ang mga mata nya ng mangunyapit ang lalaki sa kanya at naiiyak na tumitig sa kanya.

Kinakabahang tinanggal nya ang pagkakahawak nito sa bewang nya pero agad ulit  itong kumapit sa kanya.

"M-Mama!" Naiiyak na anito.

Saka nya lang naisip na baka pwede syang tulungan ng lalaki kaya ngumiti sya.

"Hello, anong pangalan mo?"

Pero nang makita nitong nakangiti na sya ay agad umaliwalas ang mukha nito, saka tumayo at niyakap sya. The guy didn't answer her!

"Mama!" Masayang anito.

Hindi pa nga yata ito marunong magsalita! Damn it! It's a hopeless case!

She is a hopeless case.

At ngayong nakatayo ang lalaki saka nya lang napansing sobrang tangkad ng lalaki. She is 5'4 in height but the guy is almost 6'9 in height.

Ang tangkad! Parang kapag napagpasyahan nitong baliin sya ay hindi ito maghihirap na gawin iyon.

Naiilang naman nyang tinapik ang likuran nito. Pero imbes na bumitaw ay mas humigpit pa ang kapit nito at yumuko para lang sumubsob sa hindi kalakihan nyang suso.

And the brute!
The freaking brute started sniffing the hell out of her breast!
And if it's not the worst thing that ever happened the guy mistook her as his mother!

AHIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon