TRES

27 2 0
                                    

Mhika Notes: The following chapters are unedited, please bear with me. There will be typographical and grammatical errors ahead! Thank you!

LAGANAP NA ANG DILIM SA KALANGITAN...

Nasa isang sulok sya at patuloy na pinagmamasdan ang istraktura ng buong paligid.

Madilim ang buong lugar pero sa hindi nya malamang dahilan ay may isang butas kung saan dumadaloy papasok ang sinag ng buwan na syang nagsisilbing ilaw ng buong paligid.

May isang kweba rin na nasa isang sulok, na sa tingin nya ay kwarto ng kwebang ito. Sa kabilang sulok naman naroon ang tila kusina na may umaagos na tubig sa isang parisukat na bato na hula nya ay lababo.

There is a civilization in this area!

It means pupwede na syang bumalik sa syudad kung nasaan ang buhay nya.

"Mama?" Nakangusong ani ng lalaking nasa tabi na nya at kanina pa nakatitig sa kanya.

This guy is so adorable!

But... He needs to take a freaking bath!

Kanina nya pa kasama ang lalaki pero hanggang ngayon ay hindi nya pa rin alam ang pangalan nito.

Mag-a-ala Jane muna sya habang kausap si Tarzan.

"Ada." Aniya at tinuro ang sarili. Hindi nya puwedeng sabihin ang buong pangalan dahil alam nyang mahihirapan itong bigkasin ng buo.

Tinitigan lang naman sya ng lalaki na tila ba may kakaiba syang sinabi.

"Tarzan." Aniya at tinuro ang lalaki.

"Mama?" Naguguluhang anito.

"Ada." Aniya at tinuro ulit ang sarili. "Tarzan." Dagdag nya at tinuro naman ang lalaki.

Kaagad itong umiling.
Inilagay sa dibdib nya ang kamay. "Mama Ada?"

Kaagad syang napangiti. Kahit naman may nakakabit pa ring mama sa pangalan nya ay okay na yun basta lang hindi sya nito tawaging mama.

Hinawakan naman nito ang sariling dibdib. "Tarzan." Marahas itong umiling. "Ahiko." Saad nito at tumango ng mabilis na kinatakot nya kasi baka matanggal ang ulo nito.

Namamanghang tinitigan nya ang lalaki.

"Ahiko?"

Tumango ito. "Ahiko!" Matinis na sagot nito at tinuro ang sarili.
Napangiti sya. "Ada, Ahiko." Aniya at itinuro ang sarili at ang lalaki.

Aywan ba nya kung bakit sya natutuwa sa kaalamang alam nya na ang pangalan ng lalaki.

"Ahh? Mama?" Naguguluhang anito ng paggising nya ay agad syang naghanap ng makakain... Which is hindi sya nakahanap kaya hinila nya nalang palabas ang lalaki.

"Eat?" Tanong nya rito.

"Mwet?" Ulit nito

Tumango sya. Mabilis na gumapang palayo ang lalaki. Kinabahan pa sya, pero maya-maya lang ay bumalik ito at may dalang karne na may dugo pa.

Ibinigay ito ng lalaki sa kanya.

Kumunot ang noo nya sa disgusto.

"No! Eww!"

Kaagad na napalitan ng lungkot ang mukha nito na kanina lang ay nakangiti.

Mukhang maiiyak pa nga ang lalaki.
Kaagad naman syang dinalaw ng konsensya, kaya alanganin nyang tinanggap ang karne.

Matapos nya itong tanggapin ay nakangiti na naman ang lalaki.

This guy knows how to make her do his biddings.

AHIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon