Taong 1964

5 1 0
                                    

MADALI akong naglalakad pababa ng hagdan upang salubungin ang aking nobyong si Mario.

"Clara? Saan ka paroroon ng dis oras ng gabi?" Salubong na tanong sa akin ni Tiya Klarita. Humito ako sa pag baba sa hagdan at hinarap si tiya klarita upang hawakan ang kaniyang kamay at mag mano.

"Mano po, Tiya. Akin lamang sasalubungin ng magalak na ngiti si Mario, huwag ho kayong mag alala dahil hindi ho kami magtatagal sa labas at susunod agad sa hapag kainan." Magalang kong wika.

"Ganoon ba? Bakit hindi pinabatid sa akin ni Esmael ang pag imbita niya sa iyong nobyo? May hindi ba ako nararapat na malaman sa hapunang ito?" Puno nang pangka taka ang tono ng pananalita ni tiya.

"Hindi ko rin ho batid, tiya. Marahil ay tungkol ito sa aming nalalapit na pag iisang dibdib." Wika ko. Tila ay naunawaan ni tiya ang aking winika dahil siya ay napatango na lamang.

"Maiwan na kita, ija. Akin lamang pupuntahan ang iyong ama upang mabatid ang dahilan ng pulong na ito." Wika ni tiya.

Marahan akong umusad upang maayos na makaraan si tiya. Nang mawala na siya sa aking paningin ay agad kong sinimulang muli ang pagbaba.

Nang makarating ako sa labas ng tahanan ay naabutan ko ang kadarating lamang na kalesa.

Huminto ito sa aking harapan at bumaba ang isang ka akit-akit na ginoo, walang iba kung hindi ang aking minamahal na nobyo.

Kaniyang inalis ang kaniyang sumbrero at yumuko nang bahagya.

"Magandang gabi, mahal kong binibini. Tila ay lalong gumanda ang aking gabi ng aking masilayan ang sumalubong sa akin na napaka gandang ngiti." Wika ni Mario.

"Mahabaging langit, Mario. Ano ang nililihim mong kasalanan at tila ako'y nilalambing nang matatamis mong salita?" Tanong ko.

Ginagamitan niya ng matatamis na salita ang bawat wika niya sa mga panahon na may nililihim siyang kasalanan subalit inaamin niya rin.

"Binibini? Tila ika'y engkantada sapagkat nalaman mo ang aking nililihim. HAHAHAHA!" Pagbibiro niya.

"Itigil mo ang iyong tawa, Mario. Nakakahiya sa mga dumaraan, malakas pa ang iyong tinig sa hiyaw ni tiya Sulidad. HAHAHA!" Pagbibiro ko rin.

Hindi kalaunan ay tumigil rin siya sa pagtawa kaya ganoon rin ako.

"Halika na sa loob, mahal ko. Sigurado akong tayo na lamang ang hinihintay sa hapag kainan." Pag anyaya niya sa akin papasok.

Pumasok na kami sa loob ng tahanan at pumaroon sa silid ng hapag kainan at tama nga ng tinuran si Mario dahil kaming dalawa na lamang ang hinahintay sa mesa.

Maligaya ang aking pamilya dahil sa nalalapit naming pagiisang dibdib ni Mario. Natuon rin ang usapan sa bilang ng nais naming maging supling ni Mario at ang magiging ninang at ninong sa kasal.

Hindi ko rin inasahan na ang dahilan pala nang hapunang pulong ay ang lupa ni lolo Ignacio sa Cavite, nais raw bilhin ng pamilyang Feliciano ang lupa pero hindi pumayag ang tiya Klarita sapagkat doon raw itatayo ang aming tahanan ni Mario.

Natapos ang hapunan nang mapag desisyonan nang tapusin ni ama dahil maaga raw siya bukas sa tindahan ng tinapay.

Aking sinamahan palabas si Mario upang makapag paalam sa kaniyang paguwi.

"Nais sana kitang isama sa aking paglalakad ngunit dis oras na ng gabi para sa isang magandang Binibining katulad mo kaya bibisitahin na lamang kita bukas at ipapaalam kay tiya Sulidad na isama sa tabing ilog upang magpahangin." Wika ni Mario.

"Nakakatuwa naman ang iyong tinuran, Mario. Aasahan kita bukas ng umaga kaya wag kang makakalimot sapagkat ako'y magtatampo kung hindi ka darating." Pagbibiro ko.

Ang Buwan At Araw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon