DALAWANG LINGGO na ang nakakaraan simula ng biglaan akong hinalikan ni Bong sa opisina niya, mabilis ko siyang tinulak at sinampal dahilan para manlaki ang mga mata niya saka ako umalis at iniwan siyang nakatulala..Pagkatapos ng meeting na yun ay si momshie na ang uma-attend para sa akin, hindi ko pa kayang magpakita ky Bong..
Hindi ko pa kayang harapin si Bong hiya at inis ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya, naalala ko tuloy kung ano ang ginawa niya sa akin tatlong taon na ang nakalipas..
"Mama?" biglang tawag sa akin ng aking anak dahilan para maputol ang iniisip ko at lingonin ko siya..
"yes baby? Need something?" tanong ko at nilapitan ito, nasa play pen ito at naglalaro ng kanyang mga laruan na binili nila momshie at popshie..
Nang makalapit ako ay agad na itinaas ni Xenon ang kanyang dalawang kamay tanda na magpapakarga ito sa akin, "arga Mama" ani Xenon kaya yumuko ako at binuhat siya dahilan para gumalaw ang kanyang dalawang paa at tumawa..
Kiniliti ko naman siya agad saka ito humgikgik sa kakatawa, hinalikan ko ang leeg niya at pati na rin ang kanyang kili-kili..
"ang asim mo na nak, lets take shower?" Aya ko sa kanya
Tumango si Xenon "yehey! Shower!" masayang sigaw niya habang nakataas pa ang dalawang kamay sa ere..
Gustong gusto talaga ni Xenon kapag pinapaliguan ko siya, isa ito sa bonding naming mag Ina kahit pa nababasa ako pagkatapos ay ayos lang..
Naglakad na ako patungo sa kwarto niya nilagay ko muna sa kama saka ako nag tungo sa walk in closet ni Xenon para kumuha ng damit niya, pagkakuha ko ay bumalik ako sa kanya saka ko nilapag sa kama ang damit kumuha na rin ako ng lotion at cologne para ky Xenon..
Nang matapos na ako mag prepare ng kanyang mga gamit at binuhat ko siyang muli at dinala sa banyo, hinubad ko ang kanyang damit saka kami nag lakad papunta ng bath tub niya..
Inumpisahan ko ng paliguan ang anak ko masaya naman siyang nag tampisaw sa tubig habang nilalagyan ko ng shampoo ang kanyang buhok, pagkatapos ay sinabunan ko na siya sabay scrub ng kanyang buong katawan..
Pagkatapos ay binanlawan ko na siya at tinuyo ang kanyang buong katawan, binalot ko sya ng towel saka dinala sa kanyang kama para bihisan..
Nasa kalagitnaan kami ng pagbibihis ng biglang mag tanong si Xenon "Mama?" tawag niya
"yes po" maikli kong sagot
Hinuli niya ang aking mukha gamit ang kanyang maliliit na kamay sa magka ilang pisngi ko "Mama where is Papa?" tanong niya na kinagulat ko
Never pa kasing nag tanong si Xenon tungkol sa kanyang ama, pero sinabihan na ako nila momshie na kaylangan ihanda ko na ang aking sarili kapag dumating ang araw na magtatanong si Xenon tungkol sa ama nito..
Nakatingin lang ako sa anak ko hindi ko alam kung ano ba ang aking sasabihin, ang nangyari tatlong taon na ang nakaraan ay isang malaking bangungot para sa akin..
"Mama okay lang po ikaw?" tanong ni Xenon na nagpa balik sa aking wesyo
Tumango ako "opo.. Ahm.." kinakabahan ako hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko..
Nakatingin lang sa akin si Xenon halatang naghihintay ng aking sagot kaya huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili..
"baby.. Y-your P-papa is already dead.. I'm s-sorry.." nauutal kong sagot
Bigla naman akong niyakap ni Xenon hindi siya nagsalita, yumakap na rin ako sa kanya at di ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha..
Bumitaw si Xenon at pinahid ang mga luha sa aking pisngi gamit ang kanyang munting mga daliri.. "don't cry na po Mama, I'm here for you always even if Papa is gone.." inosenteng niyang sabi kaya niyakap ko siyang muli..

YOU ARE READING
Masterpiece
Fanfiction"I love you not only for what you are, but for what I am when I am with you. I love you not only for what you have made of yourself, but for what you are making of me. I love you for the part of me that you bring out." - Elizabeth Barrett Browning