Untitled

129 1 0
                                    

It's Valentines Day today at heto ako sa may bleachers ng Southern Ilocos Bay para panuorin ang sunrise

Para sakin ang araw na to ay araw ng kamatayan..kamatayan ng puso ko

Mag isa ako. Hindi tulad ng ibang naka-upo dito na may kasamang kasintahan

Magkaakbay, magkaholding hands, may naghahalikan, may nagyayakapan

Napailing na lang ako. Naransan ko na ang mga bagay na yan. At ngayon palang sinasabi ko na na hindi rin kayo magtatagal

Magsisimula at magtatapos na naman ang araw na 'to na mag isa ako

Pinagmasdan ko lang ang pagsikat ng araw. Tulad ito ng pag ibig na umusbong nung sinubukan kong magmahal, noong panahon na binuksan ko ang puso ko

Nakakamangha ang sinag nito.Maganda at maliwanag ang mga sinag nito sa una ngunit habang tumatagal nakakasilaw na, masakit na sa mata at nakakapaso na ng balat

Umalis na ako roon at nagtungo sa pinakamalapit na bake shop

Kahit talaga saan ako bumaling, meron at meron pa rin na magkasintahan

What do I expect? Its valentines day nga pala

Umupo na ako sa bakanteng table sa may pinto at maya maya pa ay lumapit na ang waiter at hiningi ang order ko

"May I take your order Ma'am-?"

"Tiffany"

"Ma'am Tiffany would you like to try our best selling Caramel cake and coco-vanila shake?"

"Yeah ok, I'll try"

"Is that all ma'am?"

Tumango na lang ako bilang sagot then umalis na sya

Habang ako ay naghihintay sa aking inorder ay di sinasadyang narinig ko ang pinag uusapan ng magkasintahan na kapapasok lang sa shop

"Beb, feeling ko tayong dalawa na talaga hanggang huli" sabi nung babae dun sa boyfriend nya

Beb?
Napaismid na lang ako

"Oo naman, I love you Beb" malambing na sagot naman nung lalaki

Naalala ko tuloy nung panahong ganyang ganyan kami. Sweet, palaging nag I-I love you

Minahal ko SILA ng sobra sobra pero hindi NILA ako pinahalagahan

Naputol ang pamumuni muni ko ng dumating na yung in-order ko

"Here's your order Ma'am Tiffany" nakangiting sambit at saka nilapag ang cake at shake sa mesa

Kinuha ko yung tinidor at tinitigan ang pagkaing nasa harapan ko

Mukhang masarap at nakaka enganyong tikman

Parang love, kung iisipin mo mukhang masarap at nakaka enganyong tikman

Sinimulan ko ng lantakan ang cake

Pinaghalong tamis at pait ang lasa nito

Parang love. Matamis at mapait

Oo matamis at lubos na masarap ito, kaya nga lang, parang halos kapaitan ang naranasan ko noong nagmahal ako ng tatlong beses

It's been a two years and half since the most painful break up happened and up until now, hindi pa rin ako nakaka move one

Pag naiisip ko iyon ay hindi ko maiwasang maiyak kahit matagal na iyon ay parang sariwang sariwa pa rin ang sakit

I've tried so hard, I've tried my very best para makalimutan sya at mabuksang muli ang puso ko sa iba pero wala paring nangyare

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ATE BITTER KA BA SA FOREVER???Where stories live. Discover now