Akala

2 0 0
                                    

Sabi nila 'Bagay tayo' at ayon din ang tingin ko.

Sabi nila 'Ang ganda ng relasyon nyo' at 'yon din ang alam ko.

Sabi nila 'Forever na'to' at 'yon din ang akala ko.

Pinaniniwalaan ko ang sinasabi ng mga tao, dahil akala ko totoo. Pinang-hahawakan ko ang mga pangako mo sa relasyon na'to.

Tumatatak sa puso't isip ko ang mga salitang binibitawan mo. Mga matatamis mong linya na s'yang nagbibigay saya sa puso ko.

Mga kilos mo na nagpapatunay na minamahal mo'ko. Mga tingin at ngiti na pinapakita mo sa harap ko.

Nasabi ko nalang sa sarili ko na 'Ang swerte ko sa'yo.'

Dahil sa mga pinaparamdam mo hindi manlang sumagi sa isip ko na kaya mong magloko.

Sinaktan mo'ko sa mga paraan na hindi ko lubos maisip na magagawa mo.

Hindi ko lubos maisip na sa likod ng pagtitiwala ko sa'yo, ay ang pang gagago mo.

Hindi ko lubos maisip na, sa likod ng iyong mga ngiti ay ang mga kasinungalingan mo.

Hindi ko kayang tanggapin na yung mga bagay na pinapakita mo sakin, ay sa iba mo na gagawin pa

Hindi ko matanggap na ang salitang 'Mahal kita' ay sa iba mo na sinasabi pa.

Hindi ko  matanggap na ang mga pangako mo ay sa iba mo na maitutupad pa.

Siguro nga ay walang permanente sa mundo.

Dahil kahit anong pangako na iyong pinanghahawakan, hindi lahat maitutupad kung wala na mismo ang taong nangako sayo.

Masarap mag mahal, Oo. Pero dapat handa kang tanggapin ang lahat ng sakit na idudulot nito sa'yo.

@ 𝗟.𝗔

WorksWhere stories live. Discover now