Chapter II

33 2 0
                                    


ii. i just had a dream of me, dying


✦✦✦


EVERYTHING feels like a deja vu.


Nakatingin ako ngayon sa screen ng laptop ko. I had this feeling kasi na may mangyayari sa Enactus paper namin kaya I quickly opened my laptop after wearing my jogging attire. Napakunot na lang ang noo ko kasi my laptop is glitching. Ayos pa naman 'to kagabi bago ako natulog.


Mabilis kong binuksan yung google classroom namin just to check if yung ipinasa ni Santos na paper namin ay ayos at HINDI BLANK. Pati kasi sa panaginip ko ay itong paper sa Enactus ang gumugulo sa'kin.


I clicked the file only to see the soft copy in a safe and sound mode. I let out a relief sigh.


Tama. It's just a dream. I was just overthinking about the Enactus kaya pati sa panaginip ko ay ginugulo ako noon.


And, yung mahuhulog na tren? Ofcourse, panaginip lang 'yon. Madalas naman talaga sa mga panaginip ko ay nahuhulog ako from the air. Although, last night was different. First time ko makapanaginip na mahuhulog yung tren na sinasakyan ko.


I shook my head again. I was just being paranoid. I closed my laptop and walked straight to my shoe rack.


Alam mo yung feeling na sa bawat galaw mo parang nangyari na 'yon somewhere? Or for some time... at hindi mo lang matukoy kung kailan. Everything feels so familiar.


I shrugged my thoughts away and I started wearing my running shoes. I am planning to do some jogging today although it is already part of my routine every five in the morning. Plus, I am more determined to get out and have some fresh air to clear my mind.


Ang dami kasing gumugulo sa isip ko lately - be it from academics or personal life. Naghalo-halo na sila, jusko. Isama mo pa yung mga masasamang panaginip na gumugulo sa'kin. Umagang umaga ay nai-stress na agad ako.


Sa paglabas ko ay malamig na simoy ng hangin ang unang bumungad sa akin. I couldn't help but smile. This is it. This is what I've been looking for.


I started jogging slowly, welcoming the cold breeze air as it touches my skin. One thing I love about jogging is it makes my mind clear and I feel like I will be able to face whatever may happen today. It makes me appreciate the simple things in life a lot more.


Mayroong parke sa labas ng village namin at doon ako madalas pumupunta tuwing umaga. Napangiti ako habang papalapit sa park dahil bilang lang ang tao ngayon na makikita doon. Madalas kasi ay marami rin na nag j-jog sa lugar na 'to. Luckily, kokonti lang kami ngayon. I look up to see the sky. It was clear today; mukhang maganda ang magiging umaga ko.


Pero it's still there. Alam mo yun? Yung feeling na bakit parang uulan? Kahit sobrang klaro ng langit ngayon. Bakit pakiramdam ko ay may hindi tama?

SOMETHING IN THE RAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon