PROLOGO

21 1 0
                                    

Setyembre 23, 2023 alas sais ng gabi, payapang nagsusulat sa silid at dinadama ang bawat letra at salita. Bigla akong napatigil ng marinig ang malakas na tinig at hindi ko namamalayang tumutumulo na pala ang luha ko, "Ano hindi nanaman kayo magsisi-kilos? mag-aaral nalang kayo ng mag-aaral? T'wing sasapit ang gabi ganyan ang mga inaatupag niyo!" bulyaw nito.

May kumpleto akong pamilya pero hindi perpekto gaya ng iniisip niyo.

Ganyan ang bumubungad saakin umaga, tanghali at kinagabihan, marahil sanay naman na ako pero masakit parin. Ang sakit lang isipin na pamilya mo mismo ang nagbaba sayo, maski gumawa ka nang tama para sakanila wala lang iyon kapag pagkakamali mo na pansing pansin agad nila. Napaka swerte ng ibang bata na hindi nakakaranas ng ganitong sitwasyon marahil sa ngayon hindi pa, lalo na ang mga batang wala pang muang ang tanging alam lang ay paglalaro sa labas.

“Huwag kanang mag-aral kung nahihirapan ka pala! Huwag ka nalang mag-aral kung nagrereklamo ka!” isa yan sa masasakit na salita na natanggap ko, para sakanila naman 'to eh bakit ganon? hindi ko alam kung saan na ako lulugar, sa paaralan hindi ko rin naman masasabing perpekto dahil wala namang perpekto sa mundo, nakakaranas din ako nang iba't ibang pagsubok at dito sa bahay. Tanga, walang k'wenta, tamad, iba't ibang mura at pananakit ang natatamo.

At ngayon nga isang karaniwang araw nanaman, nagtatalo na ang mama ko at ang papa ko dahil saakin. "Ipinagtatanggol mo nanaman 'yang anak mo kaya lumalaki ang ulo!" saad ni papa

"Anong pinagtatanggol, gabi gabi nalang hinahayaan na nga kitang palagi mo 'yang pinagsasabihan pero sumusobra ka naman na, iba na ang mga bata ngayon kaysa noon Mahal, baka yan ang maging dahilan ng pagrerebelde niyan." pagpapaliwanag ni mama

"Ate ayos ka lang po ba?" saad nito saakin sabay yakap ng mahigpit. Damang dama ko ang yakap ng kapatid ko, hindi ko na alam ang nangyari saakin pagtapos kong matulala sa kinakalagyan ko, basang basa ako nang naghahalong pawis at luha, namumugto ang mata at nakatikom lang ang bibig hindi ko maigalaw ang ibang parte ng katawan ko.

Agad namang napabaling ang tingin ko sa kapatid ko dahil pinupunasan niya ang luhang pumapatak sa mga mata ko, maging ang pawis na nagmumula sa ulo ko "Ate tahan na, kasama mo po ako" mahinahon na pagsasalita nito saakin

Wala akong kibo tila may pumipigil saakin, sobrang sakit na ng dibdib ko hindi na ako makahinga, nagsasara na ang mga palad ko na parang unti-unting naiistroke at nanlalamig ang buong katawan ko. "Ate lumaban ka huwag mo kaming iwan, Ate pilitin mong ibuka ang mga palad mo..."

Parang pagod na pagod ang buong katawan ko "B-bunso kapag hindi na nagising si Ate mag-iingat ka palagi, sila mama at papa... suklian mo mga paghihirap nila ah, m-mahal na mahal ko kayo!" pabulong kong batid dito
"Ate huwag, lalaban ka Ate!" Sigaw nito

Kahit ganon pa man ang nangyari ay hindi ako nagkaroon ng sama ng loob sakanila, trauma pwede pa pero sama ng loob at pagrerebelde hindi eh wala sa isip ko ang mga bagay na 'yon marami akong natutunan sakanila gusto ko pang magpasalamat sakanila dahil sa pagtatama nila saakin natuto ako sa mga bagay bagay.

Hindi ko na namamalayan ang bawat oras na lumipas, hindi ko kasi nakontrol ang sarili ko kaya't napapikit na ako. Pagmulat ko bumungad saakin ang maliwanag na ilaw na parang nakatutok sa mata ko agad naman itong lumabo at unti-unti ko na ulit itong naaninaw, nasa ospital yata ako nakita ko ang kamay ko at ang kapatid ko na nakahawak sa kamay ko.

KAMPANAWhere stories live. Discover now