“Tss, umuwi na nga tayo!” Agad naman itong tumango.
“Dito ka nga baka mabangga ka, tanga ka pa naman” Hinila niya ako papunta sa pwesto niya kaya nandito na ako ngayon sa parteng gilid ng kalsada, hindi nalang ako nagreklamo sa ginawa niya.
Nilakad lang namin ni Railegh pauwi dahil sabi niya magbanat banat naman daw kami ng buto, masyado talaga siyang... hmm “Aray” Nagulat ako nang itulak niya ang noo ko gamit ang daliri niya pa talikod kaya napaiktad ako.
“Problema mo?” Reklamo ko
“Ikaw, Alam mo kung hindi mo siguro ako kasama nabangga kana. Poste pa lang ‘yan ha!” Nakasimangot ito habang nagsasalita.
“Bakit kaba kasi natutulala? Anong problema ha?” Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala niya saakin.
Nanatili lang akong tahimik habang naglalakad nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Railegh ang noo ko. “May sakit kaba? Mukhag masama panlasa mo ah?” ramdam ko ang lamig ng palad niya na kasing lamig ng palamig namin kanina.
“Kuwento ka, makikinig ako!” Halata sa tono ng boses niya ang pagdalaw ng pag-aalala.
Hinampas ko siya sa braso at tumawa ng malakas.“Hindi ba pwedeng masarap lang tumulala?”
Napatingin ako sa relo ko agad akong naalarma nang makitang Alas dos na? Kailangan ko nang makauwi... “Railegh kailangan na nating umuwi.” tumigil siya para bumuntong hininga.
“Bakit kaba nagmamadali kumag? Bakit may idadate kana ba na hindi namin alam ni tita ha? Hmm uunahan na kita...” Nakatuon ang daliri sa baba niya na para bang iniimbestigahan niya ako sa mga kilos ko ngayon.
“Ano ba Railegh, wala akong idadate. Tara na!” Walang siyang nagawa kundi sumunod saakin sa pagtakbo sumigaw pa ito na magdahan dahan daw ako pero hindi ko siya pinansin.
“Bilisan mo Railegh ang bagal bagal mo kahit kailan!”
“Oo ito na nga e, Bakit kaba kasi nagmamadali? Halos pasigaw na kaming mag-usap ni Railegh dahil sa ingay ng paligid.
“Sinabi ko na sayo kanina Rai, kailan ko nang umuwi.”
“Sinabi mo nga pero hindi yung rason!” Napatingin ako sa reaksyon niya mukhang hindi niya nagugustuhan ang kilos ko.
“Rai kasi ano”
“Ano?! Ano Mica?”
“Tara na Railegh sa bahay na lang tayo mag-usap!”
“Huwag kang kumalas. Hangga‘t hindi tayo nakakarating sainyo hindi kita bibitawan.” Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay.
Nang makarating kami sa bahay bumitaw na ako sa pagkakahawak sakaniya, binuksan ko ang gate bago ako pumasok binigyan ko siya ng isang ngiting tagumpay “Tara sa loob”
“Ikaw kumag may papiring ka pang nalalaman ano bang mayroon?” Pagkabuhol ko ng panyo dali-dali kong kinuha ang dalawa niyang kamay para alalayan siya sa paglalakad.
Sinenyasan ko si mama na hawakan na ang cake ni Railegh, “Railegh teka, bago ko tanggalin ang panyo gusto ko lang sabihin sayo na nandito ako palagi para sayo kahit na ano man ang mangyari, sana bestfriend parin tayo habang buhay.” Niyakap ko siya at hinaplos ang likod.
“Alam mo kumag andami mong alam pakitanggal na nga itong panyo, bagal.”
“HAPPY BIRTHDAY RAILEGH!” Bati namin ni mama.
Hindi siya nakapagsalita sabay nito ang pagpatak ng luha niya, niyakap niya ako nang mahigpit. “Mica, Maraming salamat sayo at sayo rin po tita. Mahal na mahal ko kayo!” dumako siya sa pwesto ni mama para makapagmano.
“Pati birthday mo Railegh kinakalimutan mo na, salamat din sayo dahil palagi kang nandyan para sa anak ko, ang kandila iho. Make a wish!”
“Opo tita...” tumahimik ang paligid nang magwish si Railegh.
“Tara na po kain na tayo”
Punong puno ng tawanan, kuwentuhan at biruan ang pagitan ng aming hapag. Umiingay lang talaga dito sa bahay tuwing nandito itong si Railegh e, masaya ako dahil nakikita ko siyang masaya sa simpleng bagay. Napapasaya niya rin si mama ang nag-iisang bumubuhay saakin.
“Tita”
“Uhm, ano ‘yun iho?”
“Ipagpapaalam ko po sana si Mica, gusto ko po kasing bisitahin si lola bukas kung pwede po sana e isasama ko po si Mica. Hinahanap hanap din po kasi siya ni lola...”
“Bukas? Sa Bicol?”
“Opo, hmm kung papayag lang naman po sana kayo ti—”
“Oo naman payag ako, tsaka iho ano kaba may tiwala ako sayo. Iyan ba ang birthday wish mo?” Sabay nito ang sarkastikong tawa nilang dalawa.
“Salamat po tita, mas mataas pa po sa height ni Mica ang birthday wish ko kaya mukhang malabo pa pong matupad!”
“Tsk! Bwisit ka talaga palibhasa birthday mo.”
“Kahit hindi ko naman birthday asar talo ka parin naman.” Nagtawanan sila ni mama na para bang pinagkaisahan nila akong dalawa.
“May business trip din kami ng mommy mo bukas Railegh e, sayo ko lang din naman ipinagkakatiwala ang anak ko!”
“Opo tita”
“Tita ako na rin po ang magliligpit dito sa sala magpahinga na po muna kayo, salamat po ulit!” Hinalikan niya ang noo ni mama napangiti naman ako sa ginawa niya.
YOU ARE READING
KAMPANA
RomanceDISCLAIMER: this is a work of fiction, names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or death, or actually even...