KABANATA 1

12 1 0
                                    

Napalingon saakin si Railegh “Linggo nanaman bukas excited na ako, ikaw ba?” Kitang kita sa mata niya ang saya.

“Hindi ko alam, wala pa akong maayos na maisusuot” Napabuntong hininga ako na para bang nangangamba ang itsura ko.

“Basta magsimba tayo ha? hindi naman kasi mahalaga kung anong uri ng kasuotan pa ‘yan ang mahalaga makakasimba tayo.” Sabay tapik nito sa balikat ko.

Siya si Railegh Vlad Sumulong mas matanda siya saakin ng anim na taon, nagkakilala kami noong pitong taon pa lamang ako. Bata! Tama bata ang tawag niya saakin noong aksidente akong natamaan ng bola sa ulo kainis diba?! At bukod doon dahil sa parehong negosyante ang pamilya namin hindi rin nakakapagtaka na mabilis kaming naging malapit sa isa‘t isa, halos ilang kilometro lang din ang layo ng bahay namin sakanila. Tuwing may business trip ang magulang namin naiiwan kami sa lola ni Railegh napaka bait at masasabi mo talagang swerte ka kapag siya ang lola mo.

*Knock, knock!

“Tao po, Magandang araw po tita!” Narinig kong bumukas ang gate.

“Magandang araw din iho, anak nandito na kaibigan mo, may pupuntahan yata kayo dalian mo na!” Kumatok si mama sa pintuan ng kuwarto ko.

“Railegh may almusal pa dyan, baka gusto mong kumain.” Napairap naman ako nang marinig si mama.

“Salamat po tita, kumain na po ako sa bahay bago umalis.” 'Tsk! bait baitan kapag kaharap si mama.' bulong ko at napairap ulit ako.

“Hoy kumag bilisan mo na! Mahuhuli na tayo sa unang misa” Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa sigaw at sarkastikong tawa nito.

“Oo ito na, ano ba ‘yan kasi naman e antok pa kaya ako, kakainis talaga tumabi ka nga dyan.” Pagdadahilan ko rito sabay irap sa kanya.

“Tita! Si kumag minamalditahan nanaman ako, ako na nga ‘tong nagmamagandang loob” Kasabay nito ang pekeng hikbi niya.

“Sumbungero, huwag ka ngang pabebe kay mama! Bato ko kaya sayo ‘tong sapatos ko” Inis kong saad dito.

“Lol, ang baho baho ng sapatos mo e. Amoy daga!” dumuwal-duwal siya na para bang diring diri.

“Walang araw na hindi kayo nagtatalo, kayo talaga. Anong oras na oh bilisan niyo na!” Tinulak kami ni mama palabas ng bahay sabay halik sa noo ko at kay Railegh, hmp! “Ingat kayo mga anak!”

“Salamat tita, sila po ang mag-ingat sa‘min.” binatukan ko siya kaya napatawa ito.

Hinatak ako nito nang buksan niya ang payong “Baka mangitim ka, maarte ka pa naman” napangiti ito, samantalang ako‘y inis na inis sa awra niya ngayon. “Tsk! wala akong marinig.” lumapit ito at biglang sumigaw sa tenga ko

“Putchaa! Railegh naman—” hindi ako pinatapos magsalita dahil nagsimula na siyang tumawa nang malakas. “Alam mo kumag, buti na lang magsisimba tayo mababawasan—” Inabot ko ang tenga nito para pingutin.

“Para ano? Mabawasan kasalanan ko? Mas malala ‘yung sayo nanaksak ka nang lapis!” Halatang nainis na rin ito saakin, ayaw niyang nababanggit ang nagawa niyang ‘yun dati noong nasa elementarya pa lamang siya.

Nang makarating kami ni Railegh sa simbahan nagsimula na kaming tumahimik dalawa, patapos na ang unang misa nang makarating kami.

Ang tanging alay ko sayo aking ama
Buong buhay ko puso’t kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas ni ginto‘t nilukob
Ang tanging dalangin o diyos ay tanggapin

Nagpalabas ako nang isang malakas na tawa na sinusubukan kong pigilan kanina pa.

“Ano ka ba nasa simbahan tayo oh! Umayos ka nga!” Nakasimangot ito saakin.

“Pumiyok kasi” Napatigil ako nang makita ang mukha niya, napaka seryoso nito. Nakaluhod siya at nagdadasal hindi ko mabasa ang ipinagdadasal nitong kaibigang kong ‘to!

Nagulat ako nang matapos na itong madasal at lumingon siya saakin. “Mamaya ka sa‘kin kumag!”

Magbigayan po tayo nang kapayapaan!

Nang matapos na kaming magsimba bumili lang kami ng kwek-kwek at palamig sa labas.

“alam mo buti hindi ka nasunog sa loob kanina” halatang nang-aasar nanaman siya.

“ano naman ngayon?” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“ ‘yang ugali mo ka ko ilugar mo!” Umirap lang ako sakanya.

“pakabait ka na kumag!” hinawakan niya ang ulo ko at akmang guguluhin ang buhok ko. Agad naman akong sumimangot.

KAMPANAWhere stories live. Discover now