Chapter 3

95 10 3
                                    

*End of the flashback

Nakasalubong namin sila Louis kasama ang bago nyang girlfriend. Habang naglalakad, nagtatawanan pa sila at nagkikilitian. Mahahalata mong ang saya saya nila.

Nang makita nila kami, biglang nawala ang pagtatawanan nila. Napatigil sila sa paglalakad, tumalikod at bumalik sa pinanggalingan nila.

Bakit? Para iwasan ako? Para... Para ipamukha sakin na lagi akong naiiwanan? Sorry ah. Bitter ako eh. Bakit? masisisi mo ba ako na makaramdam ng ganito? Ano sa tingin mo?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Umalis na sila.. Shhh... Tama na.. Tahan na.." sabi ni Kate habang hinihimas himas ang likod ko. Tumutulo na din pala yung luha niya.

"Ganyan talaga, besty eh..*sob* Ang mga taong nagdudulot ng kasiyahan satin dati ay sila ding magdudulot ng ganitong sakit satin ngayon. Isipin nalang natin na.. Para lang silang bagyo. Iiwanan nila tayong under state of calamity. Pero makakamove on din tao kung magdadamayan tayong dalawa sa lahat ng oras at walang iwanan. Nakakaasar lang kasi eh *sob* akala ko ayun na eh.. Akala ko magiging kami na. Pero pinaasa lang nya ako. Niloko lang nya ako. At ako naman si uto uto, umasa. Nag expect. Pero di bale na. Sinaktan nya ako at naging masaya siya dun, masaya na din ako. Martir na kung matir. Pero ganun talaga yata kapag mahal mo ang isang tao. Nawawala lahat ng talino mo kapag puso ang sinunod.." sabi niya habang patuloy pa ding hinihimas himas yung likuran ko. At ganun din ang ginagawa ko.

Damang dama ko ang nararamdaman nya. Kaya siguro kami naging magkaibigan dahil parehas kami magkakaroon ngi ganitong klaseng love life.

"Dahelll, Louis. Ikaw yung nagparamdaman sakin na hindi ako nag iisa, na may karamay ako. Dumating ka sa buhay ko ng luhaan ako tapos ganito din pala ang gagawin mo sakin? Iiwanang luhaan? Sana di nalang di nakilala.. Sana umpisa palang iniwasan na kita. Para... Para di na ako nasasaktan ng ganito ngayon. Sana.. Sana..." sabi ko sa sarili ko at napayakap nalang ako kay Kate.

Gusto ko ngayong mapag isa..

Gusto kong pumunta sa isang lugar na kung saan wala akong makikitang kahit sino pa man.

at may bigla akong naalala.

"Hmmm. Kate. *sob* Hahaha. Para kang baliw. Wag ka na ngang *sob* umiyak. Para ka talagang baliw. *sob* Hahaha." sabi ko kay besty. Kahit na alam kong maging ako, umiiyak. Eh walang magagawa. Magbestfriend nga kasi kami eh.

"Haha. Makapagsalita to *sob* parang hindi umiiyak. Hahaha. Baliw ka din, eh 'no? Kaya nga tayo magbesty eh."

"I know, right. Hahaha." sabi ko habang pinipigilang tumulo ulit yung mga luha ko at pinipilit na maging masaya. "'di ba pinapatawag ka ni Mrs. Cruz, kakausapin ka yata about sa program na gaganapin this afternoon?"

"Oh em gee! Kyaaaaah! Oo nga pala. I forgot. Sige, Besty. Una na ko. See yah, later!" sabi nya habang papalayo na sakin."

"Bye...." pabulong kong sabi at inumpisahan ko nang lumakad. Lumakad patungo sa isang lugar na kung saan, sa tingin ko, ako lang mag isa.

Kasi, Mahal moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon