CHAPTER 4

58 5 2
                                    

CHAPTER 4

*Rooftop

Oo. Tama. Nabasa nyo. Rooftop ang tinutukoy ko na lugar kung saan makakapag isa ako.

Dito kami madalas ni Louis dati. Kapag walang klase, dito kami nakatambay. Napakadaming naming memories dito sa lugar na to. Mga alaala na lalo lang nagpapalungkot sa akin sa mga oras na ito. Mga alaalang nagpapabagsak na naman ng mga luha ko. Ayoko na. Wala na akong ibang ginawa ngayong araw na ito kun’di umiyak.

Pero meron pa kayang pag asa maibalik ang dating pagmamahal niya kung ilang beses nang paulit ulit na ganito ang nangyayari sa amin?

Maghihiwalay kami. Magiging sila. Maghihiwalay sila, magkakabalikan ulit kami.

Isa?

Dalawa?

Tatlo?

Apat?

Lima?

Limang beses na siguro nangyayari sa amin ang ganito o baka hindi na mabilang pa sa bilang ng mga daliri ko sa kamay. Hindi ko na matandaan. Hindi ko na maalala sa sobrang daming nangyayari. Dahil siguro ito sa mga bagay na paulit ulit na nangyayari na hindi ko na masyadong inaalala o baka naman sadyang di ko na lang talaga maalala.

Sana maaksidente nalang ako at magkaroon ng amnesia. Para pagkagising ko, hindi ko na SIYA maalala, para hindi ko na din maalala ang mga malulungkot at masasakit na bagay na ibinigay nya kapalit ng buong pagmamahal kong ibinigay sa kanya.

Ang tanong. Buhay pa kaya ang katawan ko kapag nagising ako? O baka naman ang isipan ko nalang ang siyang nabubuhay?

Siguro nga dapat ganun nalang ang mangyari sa akin. Ang tuluyan na akong mawala sa mundong ito.

Mahal na mahal kita Louis. Sana maging masaya ka na sa piling niya..

Ito na siguro ang huling sandali para sabihin ko ang mga salitang ito…

Ayoko na.

Sawa na ako.

Pagod na ako.

Louis’ POV

Nagulat ako nang sa pagkakatayo namin ni Sandy, nakita ko SIYA kasama si Kate. Napansinkong biglang nawala ang saya ni Sandy at biglang humigpit ang hawak sa braso ko.

Alamkong nagulat din SIYA nang Makita niya kami pero wala.. Parang pinipilit nyang huwag magpakita ng kahit na anong emosyon. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang kausapin, yakapin. Pero ang duwag ko. Mas pinili ko pa siyang talikuran nang hilahin akong patalikod ni Sandy.

Sino nga ba si Sandy sa buhay ko? Oo, napapasaya niya ako pero siya din ang dahilan kung bakit ko ulit nasaktan at tinalikuran ang taong pinakamamahal ko.

Mahal na mahal ko siya. Magulolang siguro ang isipan ko ng mga oras na nakipagbreak ako sa kanya. Ay. Hindi. Mali. Naging magulo at komplikado nalang talaga ang buhay ko simula nang ipakilala ako ni Daddy sa pamilya nila Sandy.

Mabait, malambing at maganda naman si Sandy. Mga katangian na meron din ang taong pinakamamahal ko. Yun nga lang, may pagkaspoiled. Nag iisang anak kasi. Lahat ng gusto nakukuha.

Nang una kaming magkakilala, sinabi niya agad sa akin na….

*Flashback

“Hey, do you know what? I think, I like you.”

Sinabi niya ito habang nakangiti kaya naman kitang kita ko ang kagandahan niya. Aaminin ko, naattract ako sa kanya. Pero hindi ko nakakalimutan na meron akong girlfriend na nagmamahal sa akin. Kaya nginitian ko nalang din siya at sinabi ko sa kanyang,

Kasi, Mahal moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon