Ang Solusyon Sa Inggit

26 0 1
                                    

Bilang isang tao, may mga bagay talaga tayong nakikita na ating mga kina mumuhian o ayaw nating makita na nasa ibang tao, ito man ay mga bagay na materyal na wala sa atin na gusto nating makamtan, pisikal na kaanyuan na gusto natin ay ganun din ang ating mga itsura, o emosyonal na gusto natin na ganun din ang ating pag uugali o style ng pagkatao. 

Pero ito ay pwedeng makamtan, kung mga materyal na bagay lang naman, basta pag sikapan, o pwede rin na ito ay hindi maaring makamtan, dahil ito ay para lang talaga sa kanila, katulad ng pisikal, mentalidad, o emosyon. 

Pwede rin naman din nating pagsikapan na maging katulad ng mga taong hinahangaan natin, katulad ng mentalidad at maaring makahigit pa tayo sa iba dahil sa ating pag pupursigi, tiyaga, sa pamamagitan ng pag aaral ng mga mahahalagang bagay na pwede nating pag kakakitaan o ikaaasenso ng buhay natin. Kaya nag dedepende din talaga yan sa katayuan ng buhay ng tao at sa ating pag pupursigi at pag sisikap.

Magaling si ganito sa ganitong mga bagay, dahil meron silang pera, at may kagamitan, o ano pa man ito na nakamtan ng ibang tao. Pero lahat naman ng tao ay biniyayaan ng katalinuhan at mga abilidad sa buhay. 

Pwedeng, na una silang magkaroon ng mga mamahaling bagay o mga gamit, dahil mayroon silang pera, dahil siguro ay may maganda silang trabaho, malaki ang kanilang sinasahud, o di' kaya ay maganda ang kanilang negosyo, o sadyang mayaman na ang kanilang mga magulang. 

Pero hindi pa naman po huli ang lahat, habang buhay pa at malakas pa ang katawan, at kaya pang dumiskarte at mag sikap sa buhay, pwede tayong humabol sa pag angat, kahit sino ay pwedeng umasenso.

Ang lahat ng mga nakamtan ng tao, simula't sapul ay kung babalikan natin ang ating mga ka nunu-nunuan, ganun din sa ibang parte ng mundo, ang mga tao talaga ay nanggaling talaga sa wala. At nag uumpisa sa mga simpleng buhay lamang at mga simpleng kagamitan. Kaya nag dedepende nga ito sa mga pag pupursigi at pag sisikap ng mga tao.

Ang ating mahal na Tagapaglikha ay maawain at mahabagin, tayong lahat ay biniyayaan ng mga ganitong bagay, talino, galing, lakas, mga kaalaman na para sa atin lamang at para lang din sa ibang tao. Kaya depende na yan sa atin kung paano natin palakasin, patibayin, at padamihin ang ating mga kaalaman at iba't ibang mga abilidad na nasa atin.

Depende din yan sa ating mga nakaraan, mga ginagawa sa buhay, mga pag susumikap, pagsubok at pasakit na ating dinaranas at dinaranas din ng ibang tao. Dahil lahat naman tayo ay nag kakamali, wala namang perpekto sa buhay natin, pero pwede parin tayong mag bago at bumangon, o mag pakabuti. Hindi pa naman huli ang lahat habang tayo pa ay nabubuhay o kaya pa nating kumilos o mag trabaho.

Dito sa mundo, mayroon ding mga misteryong pangyayari na hindi kayang sukatin ng  ating mga isipan bilang mga tao, at ito ay hindi pinapahintulutan ng ating mahal na Taga Paglikha para ito ay abutin o malaman. Kahit na pag sama-samahin pa man ang lahat ng ating mga kaalaman dito sa buong mundo, ito ay hindi kayang sukatin nino man ang kaalaman ng ating mahal na Taga Paglikha.

Kaya naman, meron tayong nalalaman na mga bagay kung bakit ito nangyari sa ibang tao, sa ating mga sarili, mga kamag anakan natin, mga mahal natin sa buhay, at mga kaibigan. Na hindi natin nauunawaan kung bakit nangyari sa kanila ito, at kung bakit ito pinahintulutan ng mahal na Taga Paglikha sa kanila o sa iyo. 

Dahil sa katunayan, kahit na ano pa man ang gagawin natin na pagsusumikap o' mga pag pupursigi sa buhay, ngunit mayroon naman tayong mga nagawang hindi kaaya-aya na nakikita ng mahal na Tagapaglikha, ito ay hindi ibibigay sa atin. (mga biyaya).

Ito ay nangyayari sa lahat ng mga tao sa buong mundo kahit ano pa man ang lahi natin, relihiyon, estado sa buhay oh ano pa mang klaseng tao tayo. Ang mahal na Taga Paglikha lamang ang may likha ng lahat ng mga may buhay sa mundo, na walang limitasyon o may limitasyon, at walang imposible sa kanya. Ito man ay nakikita ng mga mata natin at sa mundo ng mga nilalang na hindi natin nakikita.

Ang Solusyon Sa InggitWhere stories live. Discover now