03
Yesterday was still a dream. Hanggang ngayon, hindi pa rin naman ako makapaniwala sa nangyari. Bukod sa iyon ang unang interaction namin ni Ian, nakakainis dahil hindi man lang naging espesyal. Nagkaroon pa kami ng interaction dahil sa period ko!
"You can skip your classes today, Lacy. I'll make a letter at ako na rin ang magdadala. Baka hindi mo kaya ang sakit ng puson mo." si Daddy habang kumakain kami ng breakfast.
"Okay lang po ako, Daddy. Kaya ko naman po."
"Mabuti na lang at naihatid ka agad ni Willian. Mamaya ko lalabhan ang jacket niya para maibalik mo kapag nagkita kayo." ani Mommy habang naglalagay ng tubig sa baso ko.
Napangiwi ako. Hindi nga pala nila alam na ibang tao ang naghatid sa akin at hindi si Willian.
Nang matapos kaming kumain, muli kong inayos ang sarili sa harap ng salamin bago kunin ang bag at wallet ko. We have quizzes today kaya malabo talagang pumayag ako sa gusto ni Daddy na um-absent ngayon.
Si Daddy ang palaging naghahatid sa akin sa University. They won't let me drive on my own kahit pa may alam naman ako sa pagmamaneho. Kaya ko rin namang mag-commute. Takot lang sila sa mga bagay na p'wedeng mangyari habang nasa biyahe ako. They worry too much about me which I understand.
From Willian:
How are you?To Willian:
Feeling better. :)From Willian:
Buti naman. Haha, I'll see you later.To Willian:
Oki, see you!Smooth ang nangyaring biyahe kaya naman mas maaga akong nakarating sa University hindi gaya ng inaasahan. Hindi ko alam kung bakit may kaba na naman sa dibdib ko habang palabas ako ng sasakyan.
"Thank you, Dad. Ingat ka!" kumaway na ako sa kanya.
Sinaluduhan niya ako habang malawak ang ngiti niya. Nang nasa gate na ako ay saka lang siya bumusina at umalis nang tuluyan.
With this heart-wrenching beat my heart gives, hindi ko alam ang dapat na maramdaman ko. How am I supposed to act normal when my feeling's like this? Ngayon lang ako kinabahan nang ganito dahil nakatatak sa isip ko ang posibilidad na pagkikita namin ni Ian dahil may pasok din sila ngayon at balak pa akong kitain ni Willian.
"What's with the face?" nakangiwing salubong sa akin ni Patrice.
Hindi ako kumibo. Tahimik akong naupo sa pwesto ko at inilapag doon ang gamit ko.
"Ano nangyari sa party? Nakita ko ang mga picture ni Willian sa page niya, kahit anino mo ay wala akong nakita!" umirap sa akin si Denisha.
Napanguso ako. "Maaga akong umuwi."
"Bakit?"
Tinanaw ko ang nakakunot na noo ni Patrice habang ang tingin niya sa akin ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napabuntong-hininga ako't nag-iwas na lang ng tingin.
"Wala kang nahanap na boys? Wala ka manlang naiuwi?" ani Denisha bago hampasin ang mesa ko.
Ako naman ngayon ang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. I rolled my eyes at her. "Anong boys?"
Tinawanan lang nila ako kahit pa kanina ay hindi maitimpla ang mga mukha nila.
"Hello? Kapag umaattend ka ng party, you should look at boys, Lace." naiiling na sabi ni Denisha.
Naikom ang bibig ko sa sinabi niya. Sa aming tatlo, siya ang mahilig sa lalaki. Marami siyang bagong crush palagi at vocal siya pagdating sa ganoong usapin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya. Sure, I looked at boys. Pero wala namang ganap lalo pa't nandoon si Ian. Ang awkward sa feeling.
Hindi ko na sinagot pa ang sinasabi ni Denisha. Nagpatuloy lang ang usapan nilang dalawa ni Patrice patungkol sa ka-gwapuhan ni Willian at sa birthday party niya. Hindi naman sila um-attend pero iyon ang topic nila at ako 'tong nananahimik at walang masabi tungkol sa mga nangyari kagabi.
YOU ARE READING
Things I Ruined for Fun
RomanceVillacorte is one of those girls who would ways confess to her crushes and gets rejected after. It was all okay for her then, because she was then a kid. But now that she's slowly getting old, it has been kind of hard for her to tell what he feels f...