"Can I have you later?" Ian asked.
With just a simple question, I never imagined it'll be this hard for me to respond to him. Napalunok ako before looking at Willian.
"Ayaw mo ba ngayon na, Ian? Akala ko tatambay tayo sa inyo mamaya?" tanong ni Vasty habang nakatanaw sa kaibigan.
"Panira naman 'to, e." Binatukan ni Frenz si Vasty. "May kausap 'yong tao, 'di ba?"
Hindi ako tumingin kay Ian. Iniwas ko ang sarili ko sa kanya. Para na naman akong lalagnatin dahil sa init ng mukha ko...o baka lalagnatin talaga ako.
"Tinatanong ka," bulong sa akin ni Willian.
I postured myself before looking straight at him. I was still...hesitant to look at Ian. Parang ang awkward lang sa pakiramdam.
I cleared my throat. "Busy." tanging nasabi ko saka tumingin sa malayo nang parang nasisilaw.
"Can I text you, then? Or chat?"
Umiling ako. "Hindi ako masyadong gumagamit ng...phone." kinagat ko ang ibabang labi ko lalo na nang maramdaman ang reaksyon ni Willian.
"Liar," Willian whispered. Umiling lang ako.
"Alright, then, can I have at least your schedule? Para lang malaman ko kung kailan ka free." he sounds like he's eager to know my free time for whatever request he is referring.
"Hindi ko alam, Ian. Sasabihin ko na lang kay Willian kung kailan ako free."
Dahan-dahan kong iginalaw ang malikot kong mata para matingnan din si Ian. His lips were shut now. He was just standing almost six feet away from me. Ang isang kamay niya'y nasa bulsa lang niya, samantalang 'yong isa ay may hawak na ngayong cellphone. His focus is now on his phone. He's busy.
"Tara na at baka mamaya nandoon na sila Ma'am, e," singit ni Vasty.
Nag-iwas ako ng tingin nang makitang nag-angat na ng tingin sa akin si Ian at ibinalik na sa bulsa niya ang phone niya.
"I followed you on Instagram, I don't have any social media account. I hope we could have a conversation there." Ian said in his very low voice.
Dinaga na naman ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ako mag-react kay Ian. Why does he have to do this? Sabagay, wala naman siyang ideya sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaya wala talagang mangyayari kung ganito. Hindi ko lang alam kung kaba o kilig ba ang nararamdaman ko.
Isipin mo na lang na 'yong crush mo, finollow ka sa Instagram. Parang...ang sarap naman sa feeling no'n!
I stayed as calm as I can. Ayoko namang mag-panic at ipaalam kay Ian ang reaksyon ko kapag nakita ko 'yong pag-follow niya sa akin. Hindi ako sumagot sa kanya. Tumango na lang ako. I should stay calm para hindi naman obvious. Isa pa, walang may alam patungkol sa nararamdamn ko kay Ian. Kahit nga si Willian na sobrang tagal ko nang kasama ay hindi iyon alam.
Nilingon ko si Willian. "Babalik na ako sa classroom. Baka mamaya may prof na, e,"
I hugged him before he could. We stayed like that for a minute. I felt his lips on the side of my head. I pinched his hands that's placed on my waist before I let go of the hug. "Ano ba ang nangyari at masakit ang paa mo?"
"Tanga 'yang kaibigan mo, e! Ang bobo ba naman para tumalon nang tumalon habang suot ang heels ng isa pa niyang kaibigan sa party." natatawang sabi ni Frenz.
"Kung makapag-kwento, akala mo hindi ako kaibigan," naiiling na sabi ni Willian habang tumatawa rin.
"Ang harot mo kasi." tanging nasabi ko habang naiiling at napapangiti sa kwento ni Frenz.
YOU ARE READING
Things I Ruined for Fun
RomanceVillacorte is one of those girls who would ways confess to her crushes and gets rejected after. It was all okay for her then, because she was then a kid. But now that she's slowly getting old, it has been kind of hard for her to tell what he feels f...