CHAT 22

25 3 0
                                    

CHAT 22

NAPAKAMOT na lamang ako sa aking palda nang makita ko ang aking sarili na sobrang gulo ng aking buhok. Katatapos ko lamang maligo at hetong buhok ko talaga ang problema ko, kaya heto ang hinuhuli ko.

Sinuklay ko na lamang ito habang nakatingin sa salamin. Napuyat ako kacha-chat kay Mae pero hindi ako sineen. Yari talaga siya sa akin ang isang iyon mamaya. Alam na tuloy ng mga classmate namin na marunong akong mag-DOTA. Saka first time lang ba nilang may makitang babaeng nagdo-DOTA?

Weird nila.

Natuto lang naman akong mag-DOTA dahil sa mga kaklase ko nu'ng  first year. Halos lahat kasi ng friends ko ay DOTA nerd, lalo na si Louisse and Martin — sila talaga ang dahilan kaya na-influence akong matuto nu'n.

Nang matapos na akong suklayin ang aking buhok ay nag-iisip ako kung tatalian ko pa ba ito? O, hahayaan munang nakalugay dahil basa pa.

“ʼnak, hindi ka pa ba aalis? Anong oras na, ha? Baka ma-traffic ka sa daan!”

Napatigil ako sa pagkakahawak ng buhok nang marinig ko ang boses ni Papa. Kaya napatingin ako sa orasan namin, nakita kong alas-diyes naʼng umaga. Isang oras na lang before ang first class namin. Kaya hinayaan ko na lamang ang aking buhok na nakalugay at gumamit na lamang ako ng headband.

“Alis na po ako!” malakas na sabi ko sa kanila at lumabas na sa bahay namin.

Mabilis ang naging lakad ko habang papunta sa sakayan ng jeep. Lakad takbo ang aking ginagawa ngayon dahil ngayon ko lamang naalala na Friday pala ngayon at may misa sa Quiapo, paniguradong aabutin ako ng traffic.

Nang makarating sa sakayan ay agad din akong pumara ng jeep na papunta sa Manila, Quiapo, Kalaw ang aking nasakyan. Dadaan din naman ito sa Espanya kung nasaʼn ang school ko, ang Ramon Magsaysay.

Pagkaupo ko ay agad din akong nagbayad, habit ko na ang gano'n. Para ʼdi ko rin makalimutan na magbayad sa driver.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa bintana ng jeep, hindi na gumagalaw ang sinasakyang jeep ngayon. Sinasabi ko na nga ba ay mata-traffic ako, tama ang sinabi ni Papa sa akin kanina.

Hindi na ako mapakali habang nakaupo ako rito sa jeep, kaya nilabas ko ang aking phone at nakita ko ang oras doon, alas-diyes ʼy trenta-singko na. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang chat nina Madeleine sa group chat naming lima.

Napangisi ako na hindi lamang pala ako ang late sa amin. Pero, need ko ng tumakbo at baka lalo akong ma-late ngayong araw, naalala kong may pagsusulit kami sa Filipino.

So, I have to run papuntang school.

HAJIMARI [EPISTOLARY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon