CHAT 1

267 6 0
                                        

CHAT 1

NAGLALAKAD ako ngayon sa pasilyo na sobrang tahimik. Ngayon ang araw ng pagiging second year high school student ko. Kinakabahan ako dahil wala akong classmate na naging kaklase ko nu'ng first year ako. Ako lamang sa amin ang bukod tanging walang naging classmate ngayong second year na kami.

Galit yata sa aking adviser namin nu'ng first year dahil ako ang pasimuno sa ingay sa classroom. Vice-president ako pero ako ang pasimuno sa ingay at gulo kaya nang makuhanan kami ng ID ay ako ang nagsabi sa kanya, kaya ang pinagalitan.

“Huy, Mary!”

Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko ang classmate ko nu'ng first year na masayang lumalapit sa akin.

“Same tayo, right, wala ka rin classmate na classmate natin nu'ng 1st year?” tanong niya sa akin.

Tumango ako sa kanya. “Oo,” tipid na sabi ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko na ang pakay ko, ang room 304, ang classroom ko ngayong taon.

“Huwag kang maging mahiyain, okay? Ikaw rin mamuno sa section niyo ngayon,” saad niya sa akin. “Ano oras pala pasok niyo and uwian?” dagdag niyang tanong at tinapik ang aking balikat.

“Alas-onse ng umaga at alas-siyete ng gabi,” tipid ko pa rin sabi sa kanya.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. “Ay wow! Gabi na uwian niyo! Good luck, Mary! See you later, ha? Magkatabi lamang naman ang classroom nating dalawa, room 305 lang ako,” sabi niya sa akin ay nagpaalam na siya.

Tinignan ko lamang siya, hindi pa rin siya nagbabago. Palangiti pa rin ang mukha niya at napaka-jolly. Hindi na nagbago si Keith, babae iyon, ha?

Lumakad na lamang ulit ako hanggang makarating ako sa tapat ng classroom ko, ang room 304. Kinakabahan akong pumasok kaya pinagmasdan ko muna kung may tao na sa loob, nakita kong iilan pa lamang sila roon.

Huminga muna ako nang malalim at sumilip sa room ko. “Um, section 15 po ba ito?” pagtatanong ko sa isang babae, maputi siya at napaka-amo ng kanyang mukha.

Kilala ko siya. Classmate ko nu'ng elementary kami.

Ngumiting tumango siya sa akin. “Yes, nice, classmate ulit tayo!” saad niya sa akin.

Hindi ko alam pero guminhawa ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa classroom namin at umupo sa tabi niya, si Kyle. Ang classmate ko nu'ng elementary.

“Buti na lang classmate kita, actually, kanina pa ako kinakabahan kasi wala akong kaklase nu'ng first year,” mahinang sabi ko sa kanya.

Kami pa lamang dalawa ang nasa harap, I mean, nasa second row kaming dalawa. Palihim akong lumingon sa paligid namin at may nakita akong iilang familiar na mukha, mga naging classmates and schoolmates ko nu'ng elementary.

“Ang daming familiar na mukha, ano? Ang dami nating schoolmates ngayong year!” nakangiting sabi ni Kyle sa akin.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago, sobrang bait pa rin niya at matalino ang isang ito, lalo na sa English. Natatandaan ko kasi nu'ng grade 5 kami ay always siya ang tinatawag ng teacher namin dati.

Tumango ako sa kanya. “Um, oo, classmate ko nu'ng grade 6 iyong nasa left side natin sa pangatlong row. Si ate Jenny,” sabi ko sa kanya.

Tumango-tango siya sa akin. “Mukhang magiging masaya ang second year high school natin, Mary!” nakangiting sabi ni Kyle sa akin kaya tumango ako sa kanya.

“Sana nga,” saad ko sa kanya pabalik.

Habang tumatakbo ang oras ay siyang pagdating ng mga magiging classmates namin, may tatlong babae na rin ang nakaupo sa harap. Nagpakilala sila sa amin at sila ay sina Madeleine, Dennise and Athena, nakalagayan agad namin sila ng loob kaya naging magkakaibigan kami agad na lima.

“Next subject natin Science!” masayang sabi ni Madeleine sa amin at pinakita pa ang schedule sa amin.

Tumango kami sa kanyang sinabi. Katatapos lamang namin i-meet ang adviser namin, MAPEH teacher ang aming adviser at ang classroom namin ay sa Gym, fifth floor ng school kaya sobrang nakakapagod at nakakahingal.

Pababa na kami ngayon para puntahan ang classroom namin sa Biology Science, nasa bagong building daw iyon kaya roon ang punta namin. Habang pababa pa kami kasabay ang ibang year level and ka-section namin, gano'n na lamang ang gulat ko nang masanggi ako ng isang lalaki, muntik na ako mahulog sa hagdan.

“Mary!”
“Ayos ka lang?”

Narinig ko ang pag-aalala sa boses nila Kyle sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko nang dahil doon at tinignan ang sumanggi sa akin. “Sorry, Mary... Si Santos kasi hinahabol ko kaya hindi kita napansin. Sorry ulit,” sabi niya sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kanya at inaalala kung anong name niya. “Ah, next time mag-iingat ka na lamang. I mean, paano kung hindi ako nakahawak sa handle baka nahulog na ako. Kaya huwag kayong magharutan sa hagdan,” walang emosyon na sabi ko sa kanya.

Yumuko siya sa akin at humingi ulit ng sorry, nakita ko na lamang na tumakbo na siya at mukhang hahabulin niya iyong Santos na sinasabi niya kanina.

“Ayos ka lang? Muntikan ka ng mahulog, Mary!” sabi ni Madeleine sa akin.

Tumango ako sa kanya. “Ayos lang ako, nakahawak din naman ako sa handle... By the way, sino iyon? Classmates din ba natin siya?” pagtatanong ko sa kanilang apat.

Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha, naglalakad na ulit kami papunta sa classroom namin.

“Hindi ka nakikinig kanina, ano? Crush siya ni Dennise, iyon ʼyong John Legazpi! Siya iyong Escort natin sa section at si Kyle and Muse,” paliwanag ni Madeleine sa akin.

Nakita ang pagtango-tango ni Athena sa akin. “Tama iyong sinabi ni Madeleine, Mary! Ikaw pa man din ang Vice-president pero ang isip mo yata kanina ay lumulipad,” sabat na sabi ni Athena.

Napakamot ako sa aking buhok. “Busy kasi akong magbilang kanina, kaya hindi ko napansin. Basta ang alam ko si Christian ang President at si Nicole iyong Secretary, iyon lang ang natatandaan ko,” sabi ko sa kanila.

Nakita ko ang dismaya sa kanilang mga mukha. “Si Mary talaga!” Iyon lamang ang sinabi nila sa akin at napangiwi ako nang dahil doon.

Natapos ang unang araw ko ngayong second year high school na ako. Naglalakad na ako ngayon kasabay silang apat at maging si Mae — ka-row ko siya sa Biology Science kanina and naging close ko agad siya dahil madaldal din at mabait.

“Dito na kami ni Madeleine sasakay ng jeep! See you bukas!” paalam ko sa kanila at tumango sila sa amin.

Dalawa kasi sa kanila ay taga-balic-balic at sina Dennise and Mae ay papuntang SM San Lazaro ang sasakyan, kami ni Madeleine ay pa-Quezon City naman.

First day pa lamang pero sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Kaya kayanin ko hanggang bukas. Sana dumami ang maging friends ko ngayon.

°°°°°°°°

PS: First time ko ulit gumawa ng Epistolary. Kaya sana kayanin ko. Tatapusin ko ito dahil saglit lamang ito.

HAJIMARI [EPISTOLARY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon