Prologue

14 3 0
                                    

Papunta ako ngayon sa paborito kong park dito sa probinsya na tinitirhan ko. Papalubog na rin ang araw at masarap ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Galing ako sa summer job ko. Ulila na kasi ako at sina lola na lang ang katuwang ko sa buhay. Ulila ako, 'yung isa sumakabilang buhay at 'yung isa ay sumakabilang bahay. Susustentuhan naman daw ako pero tumanggi ako. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko at ayokong tumanggap ng pera mula sa kanila. Masama na kung masama pero hindi ko maiwasan na magtanim ng sama ng loob lalo na't sila ang dahilan kung bakit nawala si papa.

Napabuntong-hininga ako bago umiling. Ang hirap maging mabait.

Malapit na ako sa bench na uupuan ko pero biglang nag-beep ang phone ko kaya naman habang naglalakad ay nag-cecellphone ako. May dumaan sa gilid ko na nahagip ng peripheral's vision ko. Hindi ko na sana siya lilingunin pa pero mayroong nag-uudyok sa'kin. Huminto ako sa pagtatype at lumingon sa likuran. Pagkalingon ko ay medyo malayo na ang pagitan namin sa isa't isa. Katamtaman lamang ang height n'ya, hindi maliit, hindi rin naman sobrang tangkad. Itim ang buhok at nakasuot ng leather jacket na itim. Mayroon siyang bitbit na dalawang bag.

Nagkibit-balikat na lang ako pero hindi ko rin maiwasan na isipin 'yung feeling na may koneksiyon kaming dalawa. Marahan akong umiling bago nagpatuloy sa paglalakad tungo sa bench. Mas pinili kong huwag munang dumeretso pauwi upang masilayan ang magandang tanawin habang papalubog na ang araw. Ang sarap kaya sa pakiramdam na matapos ang nakakapagod na araw ay uupo ka sa isang tahimik na lugar habang dinadama ang sariwang hangin at may bonus pang kulay kahel na ulap, akala mo'y sobrang perfect na obra.

Matapos lumubog ang araw at dumako ang oras sa ala-sais ay napagpasyahan ko nang umuwi. Nang matanaw ko kung sino ang nakatayo sa tapat ng maliit na gate namin ay kusang nawala ang ngiti sa labi ko.

Dire-diretso akong naglakad at nilagpasan sila. Sinalubong ako ni indang at kaagad naman akong nag-mano sa kaniya. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya sa kung ano man ang iaasta ko. Malalim akong napabuntong ng hininga at sinambit ang... “Indang.”

“Apo...”

“Ano ho ang ginagawa ng mga 'yan dito?” Mabagal ngunit may diin na tanong ko.

“Ahem. Birthday ng papa mo ngayon, di ba? Tara, i-celebrate natin.” Singit ng bagong asawa ng nanay ko.

“Wow, ha. Ang kapal naman pala talaga ng mukha ninyo!” Hindi ko na naiwasan pang magtaas ng boses dahil sa inis. Ramdam ko naman ang pagkapit ni indang sa kanang braso ko.

“Celene.” Tawag sa akin ng nanay kong magaling.

“Ano?! Sesermunan mo ako? Magagalit ka sakin? Sige lang, tutal diyan ka naman magaling 'di ba? Ang ipagtanggol 'yung kabit mo?”

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa mabilis na pagsasalita. Dudugtungan ko pa sana ang mga sinabi ko pero sa sobrang bilis ng mga pangyayari, natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak ang kanang pisngi. Akala ko ang nanay ko yung sumampal sakin pero hindi. Hindi rin naman 'yung kabit niya.

Si indang. Si indang 'yung sumampal sa akin.

“Tama na...” Nanginginig na sambit niya at naluluha na rin.

“Tama na, Celene. Nanay mo pa rin siya. Kahit pagbali-baliktarin mo pa ang mundo, siya pa rin ang nagluwal sa'yo! Siya ang dahilan kung bakit ka nandito.” Mariin na sambit ni indang at tuluyan nang naluha. Tsaka ko na lamang din naramdaman na basa na ang dalawang pisngi ko.

“Indang, sorry...” Mahinang sambit ko at nagulat kaming lahat sa sumunod na eksena.

Lumuhod ang nanay ko sa harapan ko at tsaka pinagdaop ang dalawang palad ko. “Anak, sorry. Patawad, anak ko. Patawarin mo na si nanay, hhmm? Sumama ka na samin, nandon 'yung kapa---”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uncertain Ending (Her POV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon