15: Hair
Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Lasing ba siya? O ako na ang lasing? Hindi ko pa nga nauubos iniinom ko at isang can lang 'to.
Nakatitig lang siya sa akin ngayon at naghihintay sa sagot ko.
"I want to hook up." She said and she's not taking her eyes off me.
Bigla siyang tumawa at umiwas ng tingin. She started smoking again.
"Forget it, I'm just kidding."
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
But I'm curious though, how it feels to be touched by…a woman…by her.
"Saydie."
Nang tawagin ko siya ay bigla siyang tumalikod sa akin.
"I'm going out, matulog ka na."
Saan naman siya pupunta? Gusto kong sumama pero parang ayaw naman ng presensya niya na sumama ako. It's like she wanted to be alone at the moment.
Biglang umulan pagkalipas ng ilang segundo at agad akong kumuha ng payong at bumaba. Pero pagkababa ko ay wala na siya.
Ang bilis naman niyang nawala.
Malakas ang ulan at wala siyang dala kahit ano. Why am I getting nervous? Why am I acting like this?
Maybe because I like her. I like her like how Daphne likes her.
It all started with the dance try out and how she saved me from my ex.
Kahit nakakausap ko siya parang ang layo pa rin niya. Mahirap basahin ang iniisip niya. I hope she's okay. Bumalik nalang ako sa itaas at bumalik na rin ako sa room ko.
Sinubukan kong matulog nalang.
Nagsimula ng umulan at pakiramdam ko araw-araw na uulan. Ber months na rin kasi, malamig. Hindi ko halos makasalubong si Saydie sa apartment, minsan nakikita ko na siya dito sa University.
"Okay class!"
Akala ko hindi siya papasok ngayon sa UTS pero napangiti ako nang makita ko siyang pumasok. Late lang siya.
Umayos ako ng upo at nakita ko naman si Daphne na kinikilig nang makita si Saydie. Siguro higit pa 'to sa crush, she's getting more interested about Saydie.
Paano kung sabihin ko sa kanya na, gusto ko rin si Saydie?
"Alam kong may mga partners na kayo, so this is your activity would be."
Naramdaman ko naman bigla na parang may naglalaro sa buhok ko sa likuran. Agad akong lumingon sa likuran ko at nakita ko siyang nilalaro ang ilang hibla ng buhok ko.
She's not looking at me.
Nasa buhok ko ang atensyon niya at hinayaan ko lang siya.
"Saydie, mainit ka. Ano samahan kita sa clinic?"
Rinig kong sabi ng katabi niya. She's sick?
"I'm fine."
"Sige na, baka mapano ka pa, sabihan ko nalang prof natin."
"Wag na."
"Baka mapano ka pa diyan."
Napatingin ako kay Daphne, she's wearing earphones, alam kong bored siya sa subject.
"Listen everyone. You have to create questions that you will ask your partners because your partner will also help you to understand yourself. This is a self activity but with a partner.”
Natigilan ako sandali, dahil naalala ko na ang partner ko ay si Saydie. So I will be able to ask her questions about herself?
"Asking your partner to clarify your strengths and weaknesses can be a path to self awareness."
She's still playing with my hair and it gives me butterflies.
"It's like allowing a mirror to be placed in front of you. Your partner may be helpful or unhelpful. I know, baka hindi niyo pa kilala ang isa't isa well, this is the time. Dito niyo rin malalaman ang mga bagay na hindi mo pa alam sa sarili mo. It's like knowing your partner and getting to know yourself as well."
But is she really okay?
"Uuwi nalang ako." Rinig kong sabi niya. Pakiramdam ko wala sa prof namin ang atensyon ko.
"Sige ihatid ka namin?"
"Ano ako bata? I can take care of myself."
"Sige, pero daan ka muna ng clinic."
"Fine."
She stopped playing with my hair. Lumingon ako sa likuran at nasa harapan lang ang atensyon niya. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla nalang sigang lumingon sa akin at ngumiti.
Ilang araw ko ring hindi nakita ang ngiti niya.
I smiled back at umayos na ng upo.
Nang matapos ang klase ay agad kong nilapitan si Daphne ang tahimik niya kasi.
"Tara library?" Niyaya ko siya pero tumanggi siya sa akin.
"Ah may pupuntahan kasi kami nila Zari," sagot niya. Hindi niya ako isasama o tatanungin kung gusto ko ring sumama?
"Ah sige," sagot ko.
Sabay kaming napalingon kay Saydie na ngayon ay paalis na.
Tumingin kami sa isa't isa ni Daphne pero hindi siya ngumiti sa akin. May problema ba siya sa akin?
–
