Dos

1 0 0
                                    

"Pero"

Pero, kahit na sobrang pagod na ako, pinipili ko parin ang manatili, at umintindi. Kasi umaasa ako, umaasa parin, at aasa parin ako.

Naaalala ko pa yung mga pagkakataong may mga bagay na hindi tayo nagkakaintindihan na nagdudulot sa away. Kahit maliliit na bagay lang yun, kasi para sa atin

"Everything matters, even the littlest of things"

Importante para sa atin ang makapagusap at masolusyonan yung mga problema natin. Ngunit ngayon, parang umabot na sa puntong pagod ka ng ipaglaban kung ano man ang meron tayo. At kung alam mo lang,

Kung alam mo lang

Kung gaano kasakit para sa akin yun. Nasasaktan ako tuwing binabalewala mo nalang, pilit na kinakalimutan, na para bang hindi na yun mahalaga para sa 'yo.

Pero...

Pero iniisip ko, baka busy ka lang. Baka pagod ka lang sa school at wala kanang enerhiya na pag-usapan pa ang mga bagay na iyon, at hayaan nalang na dumaan ang mga araw.

Pero kilala mo ako, alam mo na ayaw na ayaw ko yung ganun. Yung hinahayaan nalang. Hindi ako yung tipo na taong hahayaan ang sariling magpanggap na lang na ayos lang ang lahat. Kasi mahirap. Sobrang hirap ang magpanggap na ayos lang ako.

Kasi yung totoo, sirang-sira na yung damdamin ko.

Pero. Pinipili ko paring pulutin ang mga parte kong nasira at bumabangon parin kasi umaasa, at aasa akong dadating ang araw na maaayos din ang lahat ng ito.

Ngunit, hanggang kailan ba?

Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?

Hanggang kailan ako maghihintay?

Hanggang kailan ako patuloy na masasaktan?

Hanggang kailan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Alam Mo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon