Kabanata 2 - Nagpapasundo
"ANO raw ang kailangan niya?" Malamig pa sa yelo na tanong ni Aslan kay Mang Kiko matapos niyang saglit na maalala ang nakaraan, ang dahilan kung bakit mas tumindi pa ang pagkamuhi ni Alexa sa kanya, dahil sa mana.
"Tuition? Kaka-transfer ko lang nung nakaraang linggo sa bank account niya."
Umiling ang mayordomo sa kanya, "Nagpapasundo siya."
Umarko ang mga kilay niya. Magugunaw na ba ang mundo o ginu-good time siya ni Mang Kiko? Si Alexa, uuwi? Oh, come on. Hindi iyon totoo. Ni isang beses sa pitong taon na lumipas ay hindi man lang nga nun kinamusta ang hacienda o ang mga trabahante nila.
"Ipapuputol ko ang pagkalalaki ko, Mang Kiko," matabang na sagot niya.
"Huwag, sayang," sagot naman nito kaya lalong nangunot ang noo niya, "Natirikan daw siya Apalit."
"And?"
"Magpapasundo raw siya sa'yo."
"Sumakay siya sa bus o sa anumang sasakyan saka siya pahatid dito. Utusan niya ang yaya niya. Ganun lang kasimple."
"Mag-isa siya."
Diyos ko naman.
Agad siyang napahilamos ng mukha. Pagkalipas ng pitong taon, heto at may istorbo sa pagpapasarap niya sa buhay, para lang magpasundo dahil natirikan? Pitong taon na ni hoy, ni hay ay wala si Alexa sa kanya, tapos ngayon ay maaalala siya?
She's still as immature as ever.
At bakit naman yun uuwi? Hindi ba at sumpa nun bago umalis ay hindi na kailanman aapak sa hacienda Escobar? What makes her think he'll pick her up this time? Sino ba yun sa tingin nun, prinsesa?
"Susunduin mo ba raw siya o maglalakad siya papauwi rito?" sabi pa ni Mang Kiko.
Alam niya na hindi ito nagtatahi ng mga salita. Sa bibig at sistema lang talaga ni Alexa nanggagaling mga ganung kaartehan sa buhay.
"Umpisahan na niyang humakbang," yun ang naging sagot niya.
Nakita niya kung paano nalaglag ang mga panga ni Mang Kiko dahil hindi rin siya nagbibiro. The heck who cares if she gets tired of walking? Malapit-lapit na naman iyon sa hacienda, mga isang oras na lang may kalahati at makakarating na yun, kung sa kotse sasakay. Kung maglalakad ay baka abutin yun ng isang buwan. Sa mga lakad ni Alexa na parang mahinhin na pagong, duda siyang makarating yun dito nang mabilis.
"M-May bagyo, Aslan."
"Wala akong pakialam, Mang Kiko. She's so stubborn and if she wanted to travel in the middle of the storm, she must face the consequence. It was her decision to come here. Hindi naman siguro siya tanga para hindi malaman na may bagyo." aniya sabay sara niya ng pintuan.
Sinong tinakot ni Alexa? Siya? Tapos na siya sa pag-aalaga roon. He already did his part long ago. Hindi na magagalit si Caroline at Geronimo kung pabayaan na niya si Alexa ngayon. Sa tigas ng ulo ng anak ng mga yun, kahit bato ay susuko.
Lukot ang mukha niya. Siya pa ang tinakot ni Alexa na maglalakad papauwi. Mula nang lumayas yun sa poder niya ay wala na siyang pakialam sa naging buhay nun. He told himself that once she walked out the mansion's main door, he'd shut her forever in his life, too. That's what he did. Sustento lang nun ang ibinibigay niya pero inaalam niya lahat ng gastusan. Mas sobra pa ang pinadadala niya. Nung nakaraan, nagpadala siya ng buong share nun sa hacienda, tapos ilang bwan lang, humihingi na naman sa bangko.
Hindi niya maintindihan kung saan dinala ni Alexa ang milyones, na halos nasa apat na milyon mahigit, at hindi na rin siya nagtanong pa. Ang ginawa niya na lang ulit ay pinag-budget niya. He just thought she bought a very expensive bag or shoes and just let it go. From then on, hindi iyon nakakakuha ng pera sa bangko kung wala siyang abiso ulit.
BINABASA MO ANG
El Haciendero
RomanceAslan is a quiet guy who lives and manages Hacienda Escobar. He was an adopted son of Caroline and Geronimo, Alexa's parents. He is normally called kind-hearted by all his people but not her. Si Alexa ang solong tagapagmana ng kanyang mga magulang a...