KABANATA DALAWAMPU'T PITO

547 25 14
                                    

Itinutok niya ang matulis na patalim sa nakatatandang kapatid, ngunit lingid sa kanyang plinano, sumakto ang tama ng kutsilyo sa litid ng leeg nito. Kaagad na binitawan ni Keith ang kutsilyo, sabay kusot sa kanyang mga mata. Hindi pa siya nakakadilat, pero narinig na niya ang pagdabog sa sahig, marahil ang pagbagsak ng katawan ng kanyang kapatid.

“K-kuya!”

——__——

Lumipas ang isang araw na puno ng nakabibinging katahimikan. Pagtapos kumalma sa bisig ni Kane ang histerikal na si Keith, nawalan ito ng malay dahil sa pagod. Kaagad na binigyan ni Kane ng pangunang lunas ang sugat sa daliri ni Keith mula sa pagkakahiwa. Matapos ay inihiga nito ang binata sa kanilang kwarto, at muling bumalik sa pinangyarihan.

Agad niyang tinungo ang nakabukas na balkonahe, at nakita niya ang bakas ng mga buhangin. Dahil roon, ay nakumpirma niya ang pinanggalingan ng ‘taksil’, at doon rin iyon lumabas. Wala mga bakas ng dugo, kaya nakasisiguro siyang hindi nito nagawang lumapit kay Keith. Gayon pa man, malakas ang kutob niyang mayroong naganap na pag uusap sa pagitan ng dalawa.

“Ano bang binabalak mong gawin, Brandon...”

——__——

Kasalukuyan silang dalawang nakaupo sa isang batong upuan. Naroon sila sa labas ng gusali, katapat ng dagat na masyadong tahimik para sa mahangin na hapon. Parehong walang umiimik sa kanila, at tanging pag ihip lamang ng hangin ang maririnig sa isla.

Diretso ang tingin ni Keith sa pampang kung saan malumanay na humahampas ang dulo alon ng lamang tubig. Ngayon lamang niya napagmasdan nang mabuti ang kagandahan ng labas ng kanilang pinaninirahan. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nong huli siyang nakaapak sa mapuputing buhangin ng isla.

Mga ilang minuto pa silang nag-munimuni roon, at matapos ay nagyaya si Kane na maglakad lakad. Lubos naman iyong ikinatuwa ni Keith, at malugod na tinanggap. Habang naglalakad, ay itinago niya sa kanyang bulsa ang nakabenda niyang kamay. Dahil roon, ay hindi niya naiwasang maalala ang bangungot na dumalaw sa kanya noong nakalipas na araw.

“A-Ang ganda rito, Kane,” aniya, at nilingon ito. Muli siyang namangha sa taglay nitong katangkaran, at kagwapuhan. Agad na nag init ang kanyang mga pisngi nang sumagi sa isip ang mainit nilag tagpo.

Nakita niya itong tumango. Hindi na niya nakita ang malalim nitong pagtitig sa kanya, dahil agad niyang binaling ang kanyang pagtingin sa kagandahan ng paligid upang maiwasan ang pagkahiya.

“Wala ka bang gustong sabihin sa'kin?”

Mas lalo lamang siyang namula nang magsalita si Kane. ‘Sasabihin?’ tanong niya sa sarili. Naalala rin kaya nito ang mainit nilang tagpo? Ang akala niya ay lasing ito, ngunit bakit nagtatanong ito ngayon?

“H-ha? W-wala naman, Kane,” tugon niya, at dahan-dahang binilisan ang paghakbang niya upang maiwasan ito.

Siguro nga ay naalala nito ang nangyari sa kanila. Lalo naman itong ikinainit ng kanyang mga pisngi, at bahagya siyang napapikit. Ang akala niya ay malalampasan niya si Kane sa kanyang pagmamadali. Hindi niya alam na ilang hakbang lamang ng mga mahahaba nitong biyas ay kaagad siyang maabutan.

“Keith,” malalim nitong ani na ikinakabog ng kanyang dibdib.

Nang hindi ito nililingon, patanong siyang humuni. Alam niyang mauutal lamang siya kung sinubukan niyang magsalita.

“Wala ka bang naaalala?” tanong nito.

Maling mali nang sinubukan niya itong lingonin dahil agad na nagtama ang kanilang mga mata. Pareho silang napahinto, kaya naman mabilis na iniwasan ni Keith ang nangungusap nitong mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon