Zone 1

4 0 0
                                    

A loud music.
Mga taong nagsasayawan.
Mga taong nag-iinuman.
At mga taong wala sa katinuan.
Syempre isama mo na ang mga taong naglalandian.

As usual. Every night. Ganito ang nangyayari dito.

"Pa order ng alak kuya.!" sigaw ko sa bartender .

"ilang order po?" tanong nito.

"3 orders" sagot ko at di nagtagal ay sinerve na niya sa amin.

"Yun ohh! Sagot mo to ha? " tanong ni Dan sa akin.

"kung gusto mo ikaw magbayad? Hahaha" pang-asar ni Kurt kay Dan.

"oo! Akong bahala sa inyo" sabi ko naman.

"kamusta naman kayo ni
Sheena?" pagsingit ni Kurt sa usapan.

"complicated pre" walang gana kong sagot dito.

"ano?!!" gulat na sabi ni Kurt at halos maibuga yung alak na nasa bunganga niya.

"Kelan lang nung ang sweet niyo ha? " tanong naman ni Dan.

"Kelan lang nung magkasama kayo ha? " sunod na tanong naman ni Kurt.

"kelan lang n---"

"shut up!" pagpuputol ko ng dapat na sasabihin ni Dan.

"basta! Complicated kami! Tapos!" inis kong sagot sa kanila at natahimik naman ang dalawa ..

Pero bakit nga ba?

Konsensya? Ikaw ba yan? Aypowtek!

"Bakit nga ba? " pakshet. NakaAutomatic ba tong bunganga ko? Bigla-bigla na lang naglalabas ng mga salita .. Psh!

"may sinasabi ka ba?" tanong ni Kurt na may halong pagkalito sa mukha niya.

"ahh. Wala. " sagot ko naman dito.

Pero, bakit nga ba?
Pero, bakit nga ba?
Pero, bakit nga ba?
Pero, bakit nga ba?
Pero, bakit nga ba?
Pero, bakit nga ba?

Lanya naman oh! Hindi ba titigil tong konsensya kong to? tsk!

Natauhan ako nung binatukan ako ni Dan.

*blag!*

"bakit ba?! Langya naman pre! May iniisip yung tao eih!" sagot ko dito..

"oy pre! Di ka naman kase nakikinig ehh! Kanina pa ako salita ng salita dito! Tapos tignan mo to! naka ilang bote ka na ng alak oh.." reklamo ni Dan.

Bilis ko naman.. Tsk..

"nasan ba yang Kurt na yan?!" inis na tanong ko sa kanya.

"yun oh..." sabi niya sabay turo nung mga taong nagkukumpulan sa gitna ng bar.

Nakuu! Si Kurt talaga.. Pano ba naman, may kasayaw na tatlong babae.
Tindi rin naman nito.. Haha..

Ahh nga pala.. Ako si Hubert Solis . And soon you will know me more.. Enough na muna yang detail kong yan para masaya.. Haha.

Chineck ko kung anong oras na. Mag a-alas dose na pala ng madaling araw kaya niyaya ko na yung dalawa para umuwi.


----------

VOTE.
LIKE.
COMMENT- para naman po alam ko ang mga feedbacks niyo sa story na to.. :D

Salamat! :)

KuyaZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon