NAPAILING-ILING pa ang ama ni Zaire na si Claduio Ardiente habang kumakain sila ng almusal. Kapag ganoong oras ay nakabukas ang TV sa komedor dahil nakikinig din ng morning news ang kaniyang ama.
"Isang Gobernador na naman ang involve sa droga. Ikaw, Zaire at Fanny," anito sa kanilang magkapatid. "Huwag na huwag ninyong i-i-involve ang sarili ninyo sa kahit na sinong politician. Que anak o apo pa 'yan ng mga nasa politika. Masyadong madumi ang politika at ayaw kong madadamay ang pangalang matagal kong iningatan sa mga katiwalian nila. Maliwanag ba?"
"Yes, Dad," tugon ni Fanny. Ang fourteen years old niyang nakababatang kapatid.
"Zaire," baling sa kaniya ng kaniyang ama.
"Dad, tingin ko naman, hindi naman lahat ng nasa politika ay katulad ng nasa balita," katwiran pa niya. Hindi lang talaga siya judgmental.
"Marunong ka pa sa akin, Zaire? Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Just do what I say."
"Kuya Zaire, ang mabuti pa, 'wag ka ng makipagtalo pa kay Dad dahil alam naman niya kung ano ang mas makabubuti para sa atin."
"Well said, Fanny, anak," anang ama nila. "Makinig palagi sa sinasabi ng Daddy. Hmm?"
"Opo, Dad."
Tahimik lang na kumakain ang kanilang ina na si Mommy Devine. Naiiling na lamang si Zaire dahil sa gusto ng kaniyang ama. Hindi naman iyon ang unang beses na nasabi nito iyon. Ayaw talaga nito na nakikipaglapit sila sa kahit na sinong nasa politika. Lalo na ang makipagkaibigan sa mga iyon.
"MATAGAL KA PA BA RIYAN, Vanna?" naiinip ng tanong sa kaniya ni Leah.
Matapos makapamili ng mga two-piece swimsuits ay dinala na niya sa may counter ang mga pinamili niya para magbayad. Naghahanda na si Vanna para sa nalalapit niyang eighteenth birthday.
Pumunta pa talaga sila ng Manila ng kaniyang kaibigan para samahan siya sa pamimili. Gusto lang niyang gawing extra special ang kaniyang solo celebration.
"Ano ba'ng gagawin mo sa mga 'yan?" salubong pa ang mga kilay ni Leah.
"Hindi mo ba nakikita kung ano ang mga ito?"
"I mean, balak mo bang pumunta sa pinakamagandang beach sa Pilipinas kaya gusto mong magsuot ng ganiyan kamamahal at kagagandang two-piece?"
"Panloob ko lang 'to, Leah," kunway wika niya sa kaniyang kaibigan. Wala siyang pinagsasabihan, bukod sa kaniyang pamilya ng nais niyang eighteenth birthday. Siguradong magsisisamahan ang mga kaibigan niya kung sakali man.
"Iba talaga kapag Prinsesa ng San Martin," eksaherada pang wika ni Leah na tinawanan lamang ni Vanna.
May kasama silang dalawang bodyguard na medyo malayo sa kanila ng kaniyang kaibigan dahil ayaw niyang lalapit ang mga iyon sa kanila. Ang mga iyon din ang nagdadala ng mga pinamimili nila.
"Vanna, dito ka lang sandali," ani Leah na agad pumasok sa isang boutique.
Napapailing na hinayaan lang niya ang kaibigan na gawin ang nais nito.
Habang hinihintay ang kaniyang kaibigan ay kinawayan niya ang dalawang bodyguard na lumapit sa kaniya.
"Yes, Ma'am?"
"Dalhin na po muna ninyo sa van ang mga pinamili namin ni Leah. Kumain na rin muna kayo at baka nagugutom ulit kayo. Mag-text lang ho kayo kapag hahanapin na ulit ninyo kami ni Leah. Hindi rin naman kami lalayo."
"Eh, Ma'am, mahigpit pong bilin ni Gov na 'wag kayong aalisan ng tingin."
"Kuya Gibo naman, mag-e-eighteen na ako. Hindi na po ako bata. Sige na. Just this once. Mag-enjoy rin kayo at hindi naman tayo mag-stay ng matagal dito sa Manila."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret Baby | COMPLETED on VIP
RomanceMay tama na rin ng alak si Zaire nang mapagpasyahan niyang bumalik sa kaniyang tinutuluyang villa sa beach and resort na kinaroroonan. Halos ipagtabuyan pa siya ng kaniyang mga barkada dahil may surpresa raw na naghihintay sa kaniya roon. Dala ng ka...