Chapter 04

323 11 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" sabay-sabay pang kanta kay Zaire ng kaniyang mga kaibigan na katulad niya ay sobrang nag-e-enjoy rin nang gabing iyon sa Casa Blanca, isang pribadong beach and resort sa San Jose.

"Zaire, any birthday wish?" ani Greg sa kaniya.

Umiling si Zaire. "Ganoon pa rin. Long life?" nakangiti pa niyang wika. "Thank you for coming."

"Blow muna ng candle," ani Kirdy na siyang may hawak ng cake.

At talagang may pa-cake rin ang mga ito. Si Kirdy mismo ang nag-organize ng party na iyon.

Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan nila dahil napakadalang kung mag-out-of-town sila. Dahil mga busy rin sa kani-kaniyang family business.

"Long life," sigaw pa ni Zaire bago hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake.

Masigabong palakpakan naman ang pumailanlang sa paligid.

"Cheers!"

"Happy birthday, Bro," ani Lion na niyakap pa siya.

"Thank you, Bro."

"Sky is the limit!" sigaw pa ni Kirdy na inalog ang isang bote ng champagne. Kapag kuwan ay binuksan kaya naman sumirit ang laman niyon. Tuwang-tuwa pa ang mga naroon.

"HAPPY BIRTHDAY TO ME," nangingiti pang kanta ni Vanna sa kaniyang sarili habang ang tingin ay nasa payat na kandila na nakatusok sa kaniyang cupcake.

Pumikit pa siya at sa isip ay taimtim na humiling kahit na wala namang ibang makakarinig sa kaniya kahit na magsalita pa siya.

Dear self, sana kung ano man ang pangarap mo, matupad mo. No pressure. Okay?

Matapos humiling ay hinipan na rin niya ang kaniyang kandila. Napangiti pa siyang lalo.

Eighteen na siya. Parang kailan lang noong mag-sixteen siya. Ngayon, nasa legal age na siya.

Hindi man niya kasama sa araw na iyon ang kaniyang pamilya ay nauunawaan naman ng mga ito kung bakit mas gusto niya ang mag-solo.

Kung magkakaroon kasi siya ng party, natitiyak naman niya na hindi rin siya literal na mag-e-enjoy. Lalo na at wala naman siyang gustong makasayaw sa eighteen roses niya. Isa pa, aksaya rin sa pera.

Ewan ba ni Vanna, pero noong magsimulang magkaroon siya ng isip sa mga bagay-bagay, nagiging praktikal na rin siya. Katulad ng isang magarbong party na nais ng kaniyang mga magulang para sa kaniyang eighteenth birthday, alam niyang magastos iyon. Aabutin ng lampas isang milyon ang magagastos para lang sa isang magarbong debut.

Samantalang kung solo lang siya katulad nito, mas malaking tipid para sa pamilya niya. Nag-request siya sa kaniyang ina na sa pagbabalik niya sa San Martin ay magpapa-feeding sila bilang parte ng kaniyang birthday celebration. Mas gusto niya iyon kaysa sa isang magarbong debut.

Mas gusto rin niya ang mag-isa ngayon dahil para bang ang tahimik ng mundo. Mas feel na feel niya lalo ang kaniyang kaarawan sa lugar na walang nakakakilala sa kaniya.

Mag-isa rin niyang ininom ang red wine na dala niya. Hindi alam ng kaniyang ama na kumuha siya ng mamahaling red wine sa wine cellar nila.

"Happy birthday, self!" malakas pa niyang wika habang nakataas ang kaniyang isang kamay na may hawak na red wine.

NASAPO NI ZAIRE ANG KANIYANG NOO. Ramdam na niya ang tama ng alak sa kaniya. Halos maghalo-halo ang alak na pinaiinom sa kaniya ni Kirdy kaya naman ganito ang pakiramdam niya.

"Kaya pa?" natatawa pa nitong tanong sa kaniya.

"Nahihilo na ako," amin niya sa kaibigan dahil iyon ang totoo. "Fuck you, Kirdy."

The Billionaire's Secret Baby | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon