Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

CHAPTER 2

382K 13.2K 6.8K
                                    

CHAPTER 2

DAHIL sa pagod ni Eva ng nagdaang gabi, malapit na ang pananghalian ng magising siya. Masakit pa rin ang katawan niya pero bumangon pa rin siya at kaagad na tumulong sa mga gawaing bahay bago naglista ng mga kailangang bilhin para sa tindahan nila saka naligo. Sa sobrang init ng panahon, wala nang epekto ang electric fan na nakatutok buong maghapon kaya naman naligo ulit si Eva ng malapit ng mag alas-singko ng hapon.

"Sasamahan ka ulit ni Sir Terron?" Tanong ni 'Nay Luz kay Eva. Halata sa boses nito na hindi ito sang-ayon.

Tumango si Eva habang sinusuklay ang may kahabaan niyang kulot na buhok. "'Nay, libre na 'yon. Sayang naman. Tapos may sasakyan pa. Sino ako para tumanggi?"

Napailing si 'Nay Luz. "Eva, huwag mong kakalimutan kung sino si Sir Terron. Alam mo naman ang tunay na estado ng buhay ni Sir Terron 'di ba? Hindi siya katulad natin."

Ngumiti si Eva sa ina na parang wala lang sa dalaga ang paalala nito. "'Nay, alam ko. Huwag kayong mag-aalala. Wala sa isip ko ang makipagrelasyon. Alam niyo naman ang sitwasyon ko 'di ba?"

Huminga ng malalim si 'Nay Luz. "Alam ko. Gusto lang kitang paalalahanan."

Nginitian lang ni Eva ang ina saka pinagpatuloy ang pag-aayos.

Dahil mamimili sila ni Terron, tinali niya ang buhok para walang isturbo saka komportableng damit ang isinuot niya at pinaresan niya iyon ng walking shoes.

At exactly five in the afternoon, Terron arrived with his low-key car.

Eva called it low-key because as far as she knows, this was Terron's 'cheapest' car, which was not really that cheap.

Terron opened the car door for her. As usual.

"Alas-singko na nang hapon pero mainit pa rin." Komento ni Terron ng maka-upo ito sa driver's seat.

"Sinabi mo pa. Kahit electric fan walang gamit." Ani Eva na sinusuot ang seat belt. "Mainit din na hangin ang binubuga."

Inabot ni Terron ang AC vent ng sasakyan at itinutok iyon lahat kay Eva na nasa passenger seat. "How about it? Still hot?"

Sumandal si Eva sa kinauupuan, bakas ang kasiyahan sa mukha niyo. "Parang ayoko nang lumabas sa sasakyan mo, Your Grace. Nakakatakot ang init sa labas."

Mahinang natawa si Terron saka minaniobra ang manibela paalis. "Enjoy it then."

Eva just hummed and enjoyed the cold air coming from the vent. Kung hindi lang talaga malako sa kuryente, nagpa-aircon na siya sa kuwarto niya. Pero sa tuwing napapaisip siyang bumili ng aircon, paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili niya na mahirap lang siya at wala siyang pera.

"Ikaw ba ang nagbantay sa barbecue-han niyo kagabi?" Kapagkuwan ay tanong ni Terron ng nasa kalsada na sila.

"Hmm."

"Anong oras kayo nagsara?"

Sa tanong ni Terron, naalala na naman ni Eva ang pagod niya kagabi at napahikab siya. "Mga lampas alas-dose na. Parang binugbog ang katawan ko pagkatapos."

"Want a massage?"

Eva looked at Terron flatly. "Huwag mong sabihing marunong ka ring magmasahe, Your Grace."

Terron glanced at Eva with a small grin. "I'm talented."

Eva was close to rolling her eyes. "Hindi ko kayang bayaran ang serbisyo mo, Your Grace."

"What payment? It's free of charge, as always."

Puno ng pagdududa ang tingin ni Eva kay Terron. "Marunong ka ba talaga?"

POSSESSIVE 26: Terron DashwoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon