Eighteen

23 1 0
                                    

"Hoy baklita! Nanlalandi ka nanaman ba? Tirhan mo naman ako ng kahit konti!" Sigaw ko kay Andrei na tahimik na nakatulala sa sulok ng tambayan para matitigan si Drake, ang ultimate hearthrob sa school.

"Aba! Loka! Manahimik ka jan! Kita mo na ngang nagsa-sight-seeing ako sa magandang view eh!" Sumbat nya naman saken nang makalapit na ako sa kinauupuan nya.

Well, crush ko naman si Drake, kaso mas crush ko tong baklitang 'to. Sayang nga lang at ganyan sya. Kaya friendship na lang namin ang iniingatan ko.

Sinamahan ko na lang din syang tumanaw nang mga lalake sa buhay nya. Hanggang sa magsiuwian na.

"Kesha, bhe maggo-grocery lang ako ng mga stock natin jan sa convenient store. Hintayin mo ko ha? Ako ang magluluto." sabi nya agad nang makarating kami sa bahay.

Oo. Bahay. Magkasama kami sa iisang bahay. At legal yun dahil bakla naman sya eh pinayagan na rin kami ng magulang namin. Atleast may magbabantay daw saken. Andrei is older than me. I'm 17 while he's 19. At etong bahay paupahan na lang na 'to ang malapit sa school at bakante noon.

"Okay Miss Andrea! Hm. Ingat ka! Bilhan mo rin ako ng flat tops pag-uwi mo ha? Mua mua tsup tsup!" sigaw ko habang papalabas na sya ng gate.

"K dot Misis! Hahaha" sigaw nya pabalik.

Loka-loka talaga sya! Nagboses lalake pang sinabi yun. Di nya lang alam, kinikilig ako! Muahahaha~

**
It's almost 2hrs since Andrei left. Pero alas otso na ay di pa sya nakakauwi. Nag-alala na ako. Baka kung ano nang nangyari dun!

Tapos na ako sa mga gawaing bahay at tanging sya na lang ang hinihintay ko. Baka marami lang sigurong pinamili yun kaya magagabihan. Well, itutulog ko na lang muna.

Mga 10 minutes lang siguro ng pagkakaidlip ko'y naramdaman kong dumating na sya. Pero syempre, nagtulog-tulugan pa rin ako. Hahaha.

"Aba! At dito na 'to natulog! Hay. Ipapasok na nga muna!" naaninag ko namang bumaba sya kaunti at binuhat nga ako papasok sa kwarto.

Hay nako Andrei, kelan ka ba magpapakalalaki? Nasasayang ka! At hindi lang ikaw ang nasasayang, ako rin. Ako na umaasang mamahalin mo balang araw. Kung kelan hindi kana nagkakagusto sa mga lalake. :"<

Maingat nya akong binaba sa kama para di ako magising. Haha. Di nya lang alam di naman na ako tulog eh. XD Bumaba sya ulit at may binulong na syang nakakapagtaka at ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Kesha, ang sarap mabuhay na ikaw ang kasama. Masarap din tumawa kung ikaw ang kasama. Magsarap magluto ng napakarami kung ikaw ang hahainan. Masarap makipag kwentuhan kung ikaw ang natititigan. At masarap mag-alaga kung ikaw ang aalagaan." mga salitang malalambing. Salitang galing kay Andrei. Hindi kaya--?!

Hindi ako nananaginip nun. Alam ko! Gising ako nun! Totoo yung mga yun. At nakakatuwang isipin at damhin ang mga salitang yun. Iniisip ko na lang, mag pag-asa pa! :)

Umalis na sya pagkasabi nya nun. Hindi na rin nya ako ginising para kumain ng hapunan. Kaya natulog na lang ulit ako.

**
Naglalakad kami pauwi ni Andrei at heto nanaman po, nagkukwento nanaman sya tungkol sa mga nangyari sa pagsa-sight seeing nya sa mga lalaki ng buhay nya. Aba! Di man lang ba sya makahalata? Nagseselos ako! Hahaha. Awts. :/

"Andrei! Manahimik ka na nga sa kakakwento! Puro nanaman lalake eh! Kelan ka ba titino ha?" pabulyaw kong sabi sa kanya na sya namang nagpatahimik sa kanya.

Sakto namang nakasalubong ko si Anton. Kaklase ko sya at isa rin sa manliligaw ko.

"Hi Kesh! Ingat sa pag-uwi ha? Text text later! :)" masayang bati nya naman saken habang yung katabi eh parang nakakita ng masamang kaluluwa at grabe makatingin kay Anton! Para bang mangangain ng buhay! XD

"Osige! Ingat ka rin! :)" sumbat ko naman. At muli eh yung isa naman nag-mimick pa sa salita ko. Aba!

"Oh? Anong problema mo ha?" tanong ko sakanya.

"W-wala! Bakit? May dapat bang problemahin? Tsaka wag ka ngang pumayag na magpaligaw dun! Mukha syang goons sa tayo-tayo at matigas nyang buhok! Wala kang kinabukasan dun!" paghihimutok ni Andrei.

"Andrei Montemayor! Kelan ka pa natutong magpangaral saken tungkol sa bagay na yan? Tsaka di naman kita pinapakialaman sa mga lalake mo sa buhay ha?!" di ko na rin napigilan ang sarili kong sigawan sya sa daan. Pasalamat na lang kami dahil kami na lang ang nasa daan at wala naman halos kabahay bahay dito.

"Meron akong pakialam! Dahil saken ka pinagbibilin ng magulan mo! Kargo parin kita no!" sumbat nyang muli na syang nagpatigil na talaga samin sa gitna ng kalsada.

"Waaaaait ngaaaaaa! Tatanungin kita ha, Andrei. Bakla ka ba talaga?" eto yung tanong ko lagi sa kanya na sobrang gasgas na eh di nya parin nasasagot.

Saglit lang akong naghintay ng sagot nya pero parang di nya nanamang sasagutin kaya magsisimula na nga akong maglakad pero hinila nya ako at...

hinalikan sa labi na syang ikinagulat ko. Bumitaw din sya agad sabay sabing,

"Yan na ang sagot! Yes! Bakala ako for now, but you will definitely know the answer clearly when you turn eighteen!" Masuyong sigaw nya na tila ba nahihiya sa ginawa nya sakin at may pulang-pulang mukha. Aba! Ang loka, tinalikuran na ako! Hahaha.

"O-okay." Yun lang ang tanging nasagot ko at sinundan na rin sya sa paglalakad pauwi.

Well, I now have a clue tungkol sa katanungan ko. At Im already excited of turning eighteen para malaman lahat ang buong sagot. Sa wakas! Lahat pala nang paghihirap ko'y di nasasayang. Di pala mababalewala ang nararamdaman ko. :)

EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon