22: Rain
Pumunta kami sa isa sa mga University dito sa East. I didn't know she could choreograph. Malaki rin ang bayad sa kanya.
Nakaupo lang ako sa may bench nila dito sa field. May dance competition siguro and they contacted Saydie to choreograph. Ang galing.
"Sorry. Pagod ka na ba?" Tanong niya nang bumalik siya at umupo sa tabi ko. Buong araw yata wala akong ibang ginawa kung hindi sumama lang sa kanya.
Hindi man lang ako napagod.
"Hindi okay lang ako," sagot ko.
"This is one of my ways para magkaroon ng pera," sabi niya. "Sayang kung hindi ko tanggapin."
She works in the University. It's one of their duties as scholars. Tapos she's teaching this kids, senior high school students para mag kita siya.
Wow.
"Ikaw alam kong pagod ka na, kanina ka pa kasi sigaw ng sigaw tapos gumagalaw." Natatawa kong sabi.
"Kailangan eh," sabi niya.
Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatuon ang pansin niya sa mga estudyante. Ako naman nakatuon lang ang pansin ko sa kanya. Buong araw ko umikot lang sa kanya.
Kahit nakangiti siya bakit parang ang lungkot ng mga mata niya. Siguro pagod na siya.
7 pm ay natapos rin sila. Para sa ngayong araw, kailangan pa niyang bumalik dito para mabuo ang steps. Marami pa naman sila. Kaya siguro nagkasakit siya.
"May kwek kwek!" Sigaw ko sa kanya at agad siyang hinila nang makalabas kami ng University.
"Thank you," sabi niya nang abutan ko siya ng baso at isang stick ng kwek-kwek.
"Welcome. Ay teka, kumakain ka ba nito?"
"Oo naman." Natatawa niyang sagot sa akin. Hindi ko kasi siya natanong muna.
"May sago't gulaman umiinom ka ba?"
"Oo haha."
Napangiti naman ako at bumili rin ako ng tig-isa para sa amin. Habang umiinom ay nagsimula na rin kaming maglakad. Naghihintay lang kami ngayon na may dumaang bus o jeep.
"Sorry for taking much of your time," sabi niya.
"Ha?.hindi okay lang. Masaya nga eh." Nakangiting sagot ko.
"This is tiring."
"Fighting!" Sabi ko at narinig ko siyang tumawa.
May dumaang nagtitinda ng ice cream kaya napabili na rin kami. Parehas pa kami ng flavor, ube. Huminto kami sa may bus stop.
"Walang gaanong dumadaan na bus 'no?" Sabi ko at niyakap ang sarili ko. Malamig na rin kasi. Parang paulan rin yata.
"Sorry, maybe because it's sunday," sagot niya. "Here." Lumingon ako sa kanya at nakita kong inaangat niya ang suot niya.
"Wa–wag!" Sigaw ko.
"I'm wearing a shirt inside," sabi niya. Nakailang palit rin pala siya ngayong araw dahil sa mga activity niya.
She's going to let me wear her hoodie jacket again.
"Paano ka?" Tanong ko. "Paulan pa naman."
"I'm okay. Mag-taxi nalang tayo."
Tumango naman ako bilang sagot.
Tumakbo kami sa waiting shed para makasilong dahil bigla nalang umulan.
"Sorry Izzy."
"Okay lang. Ano ka ba. May taxi oh!"
Sinubukan niyang pumara kaso hindi kami pinansin.
"I'm so sorry."
"Okay nga lang Saydie," sabi ko at inangat ang tingin ko sa kanya. "Nilalamig ka na. Ikaw nalang kaya magsuot nito."
"I'm okay. Don't mind me." Nahihirapan na nga siyang magsalita dahil sa lamig.
Pati taxi walang gaanong dumadaan. May mga dumadaan pero may mga laman na. May bus ring isa na dumaan kaso puno na sa loob at dinaanan nalang kami.
"Saydie?" Bigla siyang pumunta sa gilid at may hinugot sa bulsa niya. It's a cigarette stick and a lighter. Nilapitan ko naman siya at pinigilan na sumindi.
"Malamig," sabi niya.
"Kaya nga ito nalang jacket mo oh."
"I'm stressed too Izzy, wala pa tayong masakyan."
"Eh di sumayaw ka nalang," sagot ko.
"Really now?"
Huminga ako ng malalim.
"Basta wag mong gawin 'yan, may allergy ako sa amoy ng sigarilyo," sabi ko na parang bata. Last time naubo ako.
"Sorry," sabi niya tatalikod na sana ako nang bigla niya akong hilain at inangkin ang labi ko.
Napahawak ako sa magkabilang balikat niya ng mahigpit. She's kissing me and I can't even move or react.
She suddenly bit my lower lip.
"Sorry." She said and licked her lip.
Magsasalita na sana ako nang may biglang humintong bus.
"Tara," sabi niya at hinila ako patakbo at papunta sa bus.
Nabasa pa tuloy kami.
Nakauwi kami at pinatuloy niya muna ako sa room niya. Binigyan niya agad ako ng towel.
"Hindi na mauulit 'to," sabi niya. "I'll check the weather first bago tayo umalis."
"Pero unpredictable naman ngayon ang panahon," sagot ko.
"Naghanda ako ng tubig sa loob. Mauna ka na. I have an extra shirt and shorts you can wear. Nilagay ko na rin sa loob." Natulala ako sandali.
"Pwede naman ako sa room ko," sabi ko.
"Take a warm bath first. Baka magkasakit ka," sabi niya. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at agad na naligo.
Eh naghalikan nga kami nong may sakit siya. Nabahala pa siya ngayon.
Nang matapos ako ay inabutan niya ako ng panibagong towel. Sobrang luwag naman itong t-shirt na binigay niya sa akin.
Sumunod siya sa akin at hinintay ko lang siya sa sofa.
"Ako na," sabi ko nang lumabas siya at pinapatuyo ang buhok niya gamit ang tuwalya. Hinayaan naman niya akong kunin sa kanya ang tuwalya niya at ako na ang nagtuloy sa pagpapatuyo ng buhok niya.
Nakaupo lang siya at nakatayo ako sa harapan niya. Habang pinapatuyo ko ang buhok niya ay nakaangat lang ang tingin niya sa akin.
Bakit ang cute niya hindi ko maiwasang mapatulala.
Sa sobrang cute niya ay hindi ko napigilang halikan siya ng mabilis sa labi niya. Akala ko magagalit siya pero ngumiti lang siya sa akin.
Kung pwede lang na dito rin ako matulog ngayong gabi.
"Saydie!" Sigaw ko nang hilain niya ako at pinaupo sa hita niya.
Napayakap naman ako bigla sa kanya nang makarinig ako ng malakas na kulog at sinabayan pa ito ng kidlat.
"Natakot ka?" Tanong niya at umiwas ako ng yakap sa kanya.
"Nagulat lang," sabi ko.
Ano ba 'yan, simula bata palang ako ay mag-isa nalang talaga ako. Sanay naman na ako. Pero bakit ngayon parang mas gusto kong kasama si Saydie kahit kaya ko naman mag-isa.
–
