Chapter 9

25 0 0
                                    

[chapter 9]

Naputol ang kung ano mang iniisip ko ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang gulat na muka ni tita habang nakatingin sa hawak-hawak kong pregnancy test.

“Anong ibig sabihin nito Mary!!!”, bagkas ng galit at pagkadismaya sa muka ni tita.

“Let me explain tita” sabi ko habang hindi na mapigil ang pag tulo ng luha ko.

Mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa ni tita ng bigla niya ako sugudin.

Sinabunutan niya ako at pinagsasampal dahilan para mapaupo ako sa sahig, at dahil don mas lalo akong napahagulgul.

“Simula nung namatay ang mga magulang mo mary, ipinangako ko na hindi kita papabayaan at hindi mapapariwara ang buhay mo pero anong ginawa mo, Ikaw na rin mismo ang nasira niyo”, saad niyo habang di na rin mapigil ang pag iyak.

“Asan ang pangako mo ngayon Mary??”

“Asan ang pangako mong tutuparin ang mga pangarap ng mga magulang mo??”

“Asan na ngayon?”

“Hindi lang pangako ng mga magulang mo ang sinira mo kundi ang pati na ang tiwala ko sayo.”

“Hindi ko alam kung nag kulang ba ako sa pagpapalaki sayo mary.”

Dere-deretsong sabi ni tita.

“Simula ngayon ayoko ng makita ang pagmumuka mo at lumayas ka narin sa pamamahay ko”, dagdag pa nito sabay lumabas ng kwarto.

“Tita!!!!!”, habol ko pa pero dere-deretso na itong nag lakad.

For the first time kong nakita si titang magalit ng ganon, maamo at mabait kasi ito at masiyahin.

Humagulgol ako ng mahina ng maisip ang nakakahiyang nagawa ko.

“Pano na ngayon??, saan na ako titira? at pano ko to papalakihin ng mag-isa??”, tanong ko sa sarili habang sinusuntok ang tiyan.

At tsaka malapit na ang graduation namin at yung ang pinakapangarap nila tita, mommy, at dady.

Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!!

Naka-impaki nako ng mga damit at nakaayos narin ako, gusto kong mag paalam kay tita bago ako umalis pero alam ko namang hindi niya ako kakausapin kaya lumabas nako, nag iwan na lang ako ng isang sulat para sa kanya para kahit papa-ano ay magalang parin akong nakaalis.

“Bahala na kung saan ako makarating”, bulong ko sa sarili bago tuluyang lumabas














Yummy bodyWhere stories live. Discover now